OKAY LANG AKO

4.6K 148 48
                                    

'Ayoko ng malaman pa

Kung sino siya

At kung saan ka nagpunta..

"Hindi mo ba man lang tatanungin kung saan ako nanggaling at ginabi ako ng uwi?" napatigil ako sa pagtanggal ng necktie mula sa polo niya.

"San ka pa ba manggagaling bukod sa opisina? K-Kumain ka na ba? Ipaghahanda kita kung hindi pa." nakangiti kong saad.

"No need. I'm full." Iniabot niya sa akin ang polo niya at dumiretso sa banyo. Ilalagay ko na sana ito sa marumihan nang may makita akong marka sa kwelyo ng polo niya.

Lipstick mark. Not to mention kiss mark at wala akong nagawa kung hindi tahimik na napaluha sa nakita ko.

Okay lang ako. Atleast sa akin pa rin siya umuuwi.

'Hindi na lang tatanungin

Para hindi muna kailangan

Pang umamin

Okay lang ako , Okay lang ako oooh'

"May problema ba Hon? Ba't ang tahimik mo?" Nagtataka niyang tanong sa akin.

"Ah-ah k-kasi I s-saw---" hindi ko matapos ang sasabihin ko. I can't ask him. I just can't. Hindi ako handang marinig ang sasabihin niya.

"What? May itatanong ka?" Pag-aantay niya sa sasabihin ko.

"Nothing. Nakalimutan ko kung ano yung sasabihin ko." nginitian ko na lang siya at hinalikan sa labi pero mabilis din itong humiwalay sa akin.

"Are you sure you're fine? Then why are you crying?" Sabay pahid sa luha kong hindi ko namalayang pumatak.

"Hormones perhaps? Don't worry. Okay lang ako." ani ko. Tinignan niya pa ako na parang naninigurado.

"Okay lang ako. Okay lang ako..." hindi ko alam kung siya ba ang kinukumbinsi ko o ang sarili ko.

'Lahat ay aking gagawin

Pikit-matang tatanggapin

Mas kayang masaktan

Paminsan-minsan

Wag ka lamang mawala ng tuluyan...'

"Nandyan ba sa loob ang boss mo?" Nakangiti kong tanong sa secretary ng asawa ko.

Napansin ko ang pamumutla niya."Mrs.Ching a-asa l-loob po-"

"Okay. Dinalan ko kasi siya ng lunch." Hindi ko na pinansin ang pagtawag niya sa akin at nakangiting binuksan ang pinto ng opisina ng asawa ko.

Bumagsak ang hawak ko na nagdulot para maghiwalay ang dalawang taong naghahalikan sa loob ng opisina ni Lhei. Walang iba kung hindi ang asawa ko at kung hindi ako nagkakamali—ang ex niya ang kahalikan niya.

"L-lianne it's not what you think l-let me explain..." namumutlang saad niya habang nagmamadali namang umalis ang ex niya at binangga pa ako na naging dahilan para matumba ko.

"Mauna na ako sa bahay. Aantayin kita, doon na lang tayo mag-usap." napahilamos na lang siya sa mukha habang ako naman ay tahimik na umalis habang lumuluha. 'Di alintana ang sakit na nararamdaman ko sa puson ko.

Napahawak ako dito nang makaramdam ng kirot.

'Maniniwala na lang ako

Sa lahat ng sasabihin mo

Okay Lang Ako (One Shot Story)Where stories live. Discover now