PRIDE (one shot)

10.5K 527 198
                                    

"Aray naman -_- wala ka man lang balak magsorry? " sabi ko sa taong bumangga sakin. Obvious na sinadya niya dahil may pangiti-ngiti pa siya

"kasalanan ko bang nakaharang ka?"

"abah! kahit na! dapat magsorry ka dahil it hurts you know! porket ---"

inilapit niya sa may tenga ko ang bibig niya sabay bulong "porket ano? porket nangulelat ka nanaman sa test kahapon?" 

nakatingin lang ako sakanya,di ko alam kung ano bang dapat kong sabihin dahil inaamin ko na kulelat nga ako kahapon, pero grabe, kelangan ba talaga niyang ipamukha saakin yun?.

"mag-sorry nalang kasi to each other! ang tataas kasi ng pride" biglang dumaan sa gitna namin si Chuchai.  ang epal talaga ng babaeng to.

"my sinasabi ka chuchai?" 

"Bakit di mo narinig? ulitin ko teh?" may pagtawa niya pang sabi

imbis na sumagot ako ay nag-walkout nalang ako at nilagpasan si Jeremy, hindi yung nilagpasan lang dahil binangga ko din siya. Ugh, badtrip

Btw ang lalaking kabangayan ko pala kanina ay si Jeremy Santos, ang tatlong taon ko ng crush

Ang taong saksakan ng pride at kasungitan, idagdag mo pa ang ang pagka-snobbish niya, swerte ko nga dahil nakikipag-usap pa saamin yun

Hindi kasi siya kumakakausap ng ibang students kapag di niya kakilala o kaya classmate, pwera nalang kung mang-bubusted

at tulad ng sinabi ko SAKSAKAN YAN NG PRIDE! ni hindi pa nga raw yan nagkaka-girlfriend dahil ayaw manligaw!

kaya nga dati pumasok sa isip ko na ligawan nalang siya ang kaso. WHAT THE FUQK?

ANO AKO TANGA PARA AKO PA MANLIGAW SAKANYA?! Kahit papaano ay may pride rin naman ako, pero hindi tulad ng sakanyna lagpas ozone layer na. Nagtataka nga rin ako kung bakit crush ko parin yan.

________

nagkaklase kami ngayon at kasalukuyang pinagmamasdan ko ang pwet este likod ni Jeremy

nagsosolve kasi siya ngayon sa blackboard

"Who can help jeremy?" biglang nagsalita si madam

anubenemenyen, yan lang di niya masagutan? akala ko ba saksakan siya ng talino?

nagtaas ako ng kamay and wew? ako lang talaga nagtaas? meaning ako lang nakaka-alam, nakakatuwa naman first time ko atang matutulungan ang aking oh-so-nagkakamali din palang crush

dati kasi siya ang laging nagtatama ng mga mali ko

"okay Ms. Valle" pagkasabi ni madam ay tumayo agad ako. Hindi ko maiwasang mapangisi

"No, I dont need her help ma'am, I'd rather stand here the whole period"

napa-what the heck look nalang ako sa sinabi niya.

Sabi na sainyo e, SAKSAKAN YAN NG PRIDE!

"okay, if that's what you want Mr. Santos" kaya ayun umupo ulit ako ng hindi man lang nahahawakan yung chalk. Si madam narin ang nagsolve habang siya nakatayo sa may gilid. 

mabuti nga sayo, ang arte kasi. kainis >_<

habang naglelesson napansin kong nakatingin lang siya saakin, well kitang kita ko ang kanyang ginagawa by the use of my peripheral vision.chos

PRIDE (one shot)Where stories live. Discover now