Miss Impossible

128 3 0
                                    

Maganda ako. Pero walang nakakakita.

Maganda ako. Pero di niyo napapansin.

Maganda ako. Dahil Diyos ang may gawa sa akin.

Maganda ako. Kahit ako lang ang nakakaalam.

I am beautiful no matter what they say,

Those words can’t bring me down~

I am beautiful... in every single way,

Those words can’t bring me down.. oooh~!

So don’t you bring me down today!!!!!!

Ito na naman ang soundtrip namin. Sa araw araw na pumupunta ako dito sa roof deck, hindi pwedeng maiwan sa listahan ang kantang ‘to. Dito kasi sa tuktok na ‘to ang meeting place ng organisasyong sinalihan ko, SBNG Org ang tawag nila dito, “Samahan ng mga Babaeng di pa Nauuso ang Ganda”. Kaya ang laging tanong ng mga miyembro dito, KAILAN??!!

‘Kailan mauuso ang mukha kong ito?’

 Kada gising ko iyan ang tinatanong ng babae sa salamin sa harap ko. Isa ako sa mga babaeng umaasa na sana isang araw may bumaling ng tingin sa akin nang hindi nanglalait. Ako si Elle. 5’9 ang height ko, 20 inch lang ang sukat ng bewang ko, mayaman ako, maputi, makinis ang balat at higit sa lahat maganda ako, palagi akong kinukuhang muse sa room namin nung high school pa ko. Pero dahil nag-ring na yung bell para sa susunod naming klase, tapos na ang pagde-day dream ko. Ang totoo, 5’2 lang ang height ko, 27 ata ang sukat ng balakang ko, mahirap lang ako, kayumanggi ang kulay, at puro peklat ang malalaki kong binti. Ayokong sabihin na pangit ako dahil masakit tanggapin kaya idedescribe ko na lang yung itsura ko, meron akong dalawang maiitim at malalaking eye bags na tinubuan ng malalabong mata, ang makakapal kong kilay ay magkasalubong at maraming ligaw na hibla sa paligid, may mga tuldok ng pimples ang pisngi ko, ang buhok ko ay parang pang-barbie doll, yung buhaghag, may balahibo at may kamot ang mga hita at binti ko, at inaasar akong ‘mentos’ dahil sa ngipin kong nakaangat at sabog kong nguso. Ayoko nang tapusin yung pagdedescribe, masakit na masyado… Pero sige aaminin ko nang pangit ako! Oh ayan na, masaya na kayo! Malamang tumatawa na naman ang mga bruhang naiinsecure sa akin at walang ibang gawin kundi laitin ang mukha ko. 

“Miss Elle Perez. Bakit hindi ka nakikinig at nakatulala sa kisame ng classroom?”

“Ma’am baka na-in love sa butiki…”

“Kung pagtyatyagaan siya…” ang sakit naman nila magsalita kahit pa biro lang yun.

“OK. Enough of that. Kaya ko lang naman napansin si Miss Perez dahil ang topic natin ngayon ay depression.” Pati ‘tong prof na ‘to nakisali, salamat ma’am ha! Mukha ba kong ganun ka-depressed sa buhay? Edi sana matagal na kong nagpakamatay.

“Elle, makinig ka kay ma’am, baka di mo na makayanan at sumuko ka na e. Baka magpatiwakal ka dyan. Wag kang bibitiw ha? May pag-asa pa.” ibang klase, ang tindi ng mga kontra bida sa buhay ko.

“Pst. Hoy Bryan!” sinipa ni Ivan yung kaibigan niya matapos akong asarin nito… Oh my gosh! As in he’s my destiny na talaga. Kasi look oh, pinagtanggol niya me from his evil friend. Siguro may gusto siya sa’kin—Oo! Ganyan ako kaassuming, pangarap na nga lang meron sa’kin kukunin niyo pa ba?

Si Ivan, pangatlo na siya sa mga naging crush ko, irregular student siya sa’min kaya 3 subjects ko lang siya nakakasama. Pero lagi ko siya nakikita dito sa Haggard University, I mean Haufward University Asia (HUA). Sikat siya. Kaya ang swerte kong ka-batch ko siya at katabi pa dahil Ivan Hans Dela Rosa Perez ang full name niya, 19 years old, tagapagmana ng sikat na kompanya ng mga pabango na Drenches®, dalawa lang sila ng nakababata niyang kapatid, taga-Marikina siya, 423-17-45 ang phone number ng bahay nila, ang address nila #42 Waleville— Teka, hindi naman halatang iniistalk ko siya diba?

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Oct 16, 2017 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Miss Impossible [One Shot]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora