May dalawang klase ng mga taong kinoconsider natin na malandi sa mundo...
Yung taong possesive kala mo naman sayo. Yung makahampas sa braso sabay sabi ng "Ano ba... Kasi naman e." with a malandi voice. Close kayo teh? O di ba? Yung mahal mo ito, crush mo sya tapos boyfriend mo pala yung isa dun sa sulok. Yung alam mong may crush sayo yung tao tapos paasahin mo sa wala. Tsk. Pa-fall.
Meron naman yung mga backstabbers. Ang meaning po nun sa mundo ko is yung mga ibinubuhos ang kilig behind the camera. Yung mga taong kunware chill lang nung dumaan si crush tapos magbibilang ng 10 seconds saka lang magtatalon at magpapafiesta.
Yung tuktok palang ng ulo ang nakikita mo from 500 meters away, kilala mo na. Yung painosente ka pagnandyan na parang hindi mo tinawag na mahal/ boyfriend/ asawa/ destiny/ (insert name here)my loves/ cupcake/ cherry pie/ apple pie/ pizza pie kani-kanina lang.
At ako, my friends, ay kabilang sa group 2 at ikukwento ko sa inyo ang kwento namin ng lalaking ito...
Ayan sya friend, naglalakad papunta sakin. Si Raven Lasedro, ang prince charming ng mala-sleeping beauty kong fairytale.
"Hoy Mrs. Lasedro, ano nanamang pantasya ang nabubuo dyan sa utak mo? Sana talaga magpatuloy ka na dyan sa ginagawa mo. Ayan o, tutulo na laway mo. Sige ka. Hindi ka na mamahalin ni Raven."
Panira moment naman ito si bespren. Pangalan ko? Hazel Grace H. Lasedro. Chos. Future name ko pa yun. Konting patience muna itong Hazel Grace Hernandez na ito.
Nandito kami ngayon sa School Paper Office ng Donya Punay National High School. Kasalukuyang papunta talaga dito si Raven! Madali syang naglalakad dahil ipapasa pa nya yung editorial cartoon nya.
O diba? Pogi na! Talented pa! Ako naman nag-eencode ng news dito sa computer at and bespren kong si Maria at ang editor-in-chief na si Kuya Renz ay nagsascrabble.
Kunwari nag-eencode ako pero wala naman talaga ako napipindot na letter, kung meron man R-A-V-E-N, tapos buburahin ko din. Sa peripheral vision ko, nasa pintuan na si Raven.
"Ui."
Waah! Waah? Nakatingin sya sakin at oo guys, ako yung sinabihan nya ni "Ui" At dahil baka kung ano pa ang masabi ko ngumiti nalang ako at bumalik sa pag-eencode.
Ano kaya itsura yung ngiti ko? Sana yung hindi creepy. Ang hirap kaya pumigil ng kilig! Unang word na sinabi nya yun sakin ngayong araw. UI. UI. UI. U & I. U & I. Wahahaha. U & I daw sabi nya!
Yes guys. Close na kami ng crush ko at hindi nyo na maririnig ang malaWattpad story naming pagkakakilala. Nahulog kasi yung mga libro ko isang araw tapos pinulot nya tapos hiningi nya yung number ko kasi ang ganda ko daw tapos hinahatid-sundo nya na ako sa school since then.
Echos. Walang maniniwala dun alam ko. Una ko syang nakilala sa isang interschool competition sa campus journalism nung junior ako at senior sya. Alam kong tatlong taon na ako dito sa high school pero hindi ko alam kung bakit hindi ko sya napapansin.
Hindi naman kasi sya tulad nung crush ni Maria na laspag na dahil sa dami ng may crush sa kanya (hearthrob for short.) Graduate na si Raven at nagcocomplete ng requirements ngayon.
"Anong ineencode mo?" tanong ni... RA-freaking-VEN! Shems.
Biglang nanigas yung katawan ko. Nararamdaman ko na natatawa itong si Maria. Oh well, halata naman na ako except kung sadyang manhid talaga sya. Nakaupo sya sa table sa likuran ko. 1.5 meter apart kaming dalawa.
"News ko tungkol dun sa bagong school building."
"Nge? Bakit naka-landscape yung Microsoft Word mo? Hahaha." Ay gaga. Oo nga! Akala ko nakazoom lang. Shungerks ko naman. Facepalm. Baka maturn-off sakin si Raven. NOOO.
YOU ARE READING
Hey Daydreamer
Short Story❝Hanggang pangarap nalang ba si crush?❞ [tagalog short story]