Summer ( You and I ) [ONE-SHOT]

396 10 2
                                    

This story is a work of fiction, anything related to the place, character, incident are made by accident. Nothing is true and fact and anyone distributing it without my permission will be punish by law. PLAGIARISM IS A CRIME.

Summer ( You and I ) [ONE-SHOT]

written by: IHIDEMYSELF or Jescel Lupango

I will never forget those.... endless summer days that I spent with you - Joaquin Reyes

Kristeen Trinidad

Joaquin Reyes

If I had not met you that day, then I would not have experienced the pain and sadness, and memories filled with tears.

But,

If I had not met you

I would also have not experience that joy, excitement, preciousness, and the feeling of absolute happiness.

How are you now?

Where are you now?

"Sigurado kana ba dito Joaquin?" tanong sa akin ng isa kung kabarkada na si Ronald.

"Yes. Pupunta ako doon para tuparin ang pangako ko." Sagot ko.

Tinitigan niya lang ako. "Sige bahala ka. Isang taon ka ba naman mamatay-matay kakahanap sa kaniya, imposibleng hindi ka pa sure sa pagpunta mo. Pero pre ito ang payo ko sayo, kapag nakita mo na yung sinasabi mong babae, sunggaban mo na! Baka makawala pa!"

"Gago."

Humalakhak lang ang loko. Idadamay niya pa talaga ako sa kalokohan niya.

This is it. Ito na yung araw na hinihintay ko, sa wakas makikita ko na ulit siya. After isang taon, makikita ko na ulit ang babaeng kauna-unahang nagpatibok ng puso ko. At kauna-unahang hinintay ko.

I'm not Gay, sadyang gusto ko lang sabihin ang nararamdaman ko.

SUMMER na ngayon katulad nang una naming pagkikita.

[FLASHBACK]

1 YEAR AGO - SUMMER

Nagising ako sa isang busina ng isang sasakyan. Putcha naman oh! Alam na umiidlip ang tao eh. Sino ba kasi yung bwisit na yun.

Hinanap ko kung sinong sasakyan ang nag-busina. Istorbo siya sa natutulog na tao. Lam niya ba yun? Madame na din ang nagrereklamong pasahero dito sa Bus. Halos lahat kasi kami nagising sa malakas na pag-busina ng kotse ata yun?. Problema ba noong driver? Putcha!. Nawalan na tuloy ako nang ganang matulog.

Lumipas ang oras, sa wakas nakarating na din. I'm here in Surigao Del Norte, magbabakasyon. I-eenjoy ang summer nang mag-isa, maghahanap ng chicks at magliliwaliw.

Lasapin ang kalayaan sa school, pamilya, girlfriend at barkada.

Gabe na nang dumating ang Bus na sinasakyan ko sa lugar na ito. Isa ang Beach na ito sa pinakasikat dito sa buong pilipinas, bukod sa Boracay at Palawan. Nakakasawa na kasi ang Boracay at Palawan, halos doon kami nagbabakasyon ng mga magulang ko kapag na-tripan.

Pagkababa ko ng Bus, rinig ko na kaagad ang mga sigawan ng mga tao sa dalampasigan, mga tugtog, mga couple na naglalambingan at busina nang mga sasakyan. At ang higit sa lahat marami na kaagad akong nakikitang nag-se-seksihang mga babae. Woooaaahhh. Sarap.!

Tatawid na sana ako ng bigla akong mapatingin sa gawing kanan ko.

Nakita ko ang isang babaeng tatawid, ang ganda niya, sobrang ganda. Nakangiti din siya. Nasilaw ang mata ko nang may Makita akong ilaw na paparating doon sa babae, dali-dali akong tumakbo para sagipin yung babae at hindi naman ako nabigo. Nahila ko siya doon at sobra kong nahigpitan ang yakap sakanya.

Summer ( You and I ) [ONE-SHOT]Where stories live. Discover now