SET 1

1.3K 51 16
                                    

Nicolo POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nicolo POV

"Anung oras na, bat wala pa siya?" Takang tanong ko kay Harvey.

"Tinawagan ko na, cannot be reach. Baka natraffic lang." Sagot naman niya.

Usapan naming tatlo na magkikita kita sa main gate ng Colegio de San Luis. Ngayong araw kasi gaganapin ang try out ng Warriors.

"Mauna na kaya tayo sa loob. Anung oras na oh. Baka magsisimula na sila doon." Tumingin pa si Harvey sa orasan.

Dinampot ko nalamang ang sling bag ko at suman-ayon na lang kay Harvey. Mahigit isang oras na kaming naghihintay kay Brett. Hindi ko tuloy maiwasang mag-init ang ulo dahil sa kanya.

"Hayaan mo na muna. Kung anu man ang dahilan ni Brett pakinggan nalang natin. Saka may second batch try out pa naman daw sabi ng napagtanungan ko." Litanya nu Harvey.

"Sana lang nga valid ang rason nya."

Mabilis naman naming na rating ang gymnasium na pagdadausan ng try out.

Nagwawarm up na ang ilan sa mga naroroon. Nakaset-up na rin naman ang net kung kaya may mga naglalaro na roon. Nakita ko din ang mga lumang member ng team na nasa kabilang side ng court kausap yung coach.

Naupo kami ni Harvey sa isang bench.

"Wait diba sila yung taga International School?" Rinig kong tanong ng isang lalaki nakaupo malapit sa amin.

Napakunot-noo ako habang tinitignan si Harvey. Tinuro naman nito yung bag namin.

Doon ko lang napansin na gamit naming bag ni Harvey ay bag na galing sponsor ng volleyball team namin noong nakaraang season.

Hindi ko na lamang ininda at nagkunwaring hindi ko narinig ang bulungan nila.

Kinuha ko na lamang ang Beats Bluetooth earphones ko at nakinig sa music. Mukhang di pa naman magsisimula.

Ilang saglit pa ay napabaling ako muli kay Harvey ng tingin nang maramdaman kong siniko niya ako.

Itinuro nito gamit ang nguso ang mga paparating. Agad namang dumako ang aking mata sa itinuturo nito.

Doon tumampad sa akin yung tatlong lalaking paparating. Namukhaan ko sila dahil na rin sa dakilang stacker ng mga laban at maging fb page ng Warriors.

Yung sa kaliwa ay ang Setter. Jersey # 16, si Alcaras, Jim.

Spiker din naman ang nasa kanan. Jersey # 7, Garcia, Leopold.

At tong nasa gitna ay ang team captain. Spiker din. Ace player with Jersey # 1, Lim, Xander Cain.

These three are shouting awesomeness sa tindig palang. Aakalainin mong mga modelo ang mga ito na bagay gawing cover sa magazine. But I should know better.

Napasinghal ako nang mapadaan sila sa tapat namin. Sinamaan ako ng tingin ni Harvey sa ginawa ko. What? I mouthed.

"Ok newbies, get ready magsisimula na ang try out." Sigaw ng isang di katangkarang lalaki, pero cute naman siya. Jersey # 12, Juaquin, Blake. The lebero.

SET: Anger & Love (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon