SET 2

1.1K 48 9
                                    

Nicolo's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nicolo's POV

"Ma, don't worry about me. I'm ok." Papasok na ako sa condo ko. Kanina pa tawag ng tawag ang mama ko. She is worrying about me since this will be the first time na mahihiwalay ako sa kanya sa mahabang panahon.

"Bakit ba kasi kailangan mo pang  lumipat pa ng school. Di naman hamak na mas maganda ang sports program ng Xavier." Inis na wika ni mama. Hindi ko maiwasang mapabuntong hininga.

"Ma, just trust me on this, please. I'll be good so don't worry. Beside, Sir Kiko is here. He will be our new coach." Doon lang mukhang nabunutan ng tinik si mama. She knew sir Kiko. 

"Ok. I will trust your decision. I will talk to Kiko nalang after this. Anyways, I will do a money transfer to your account. Ayokong pinababayaan mo ang sarili mo." Sorry sir Kiko mukhang magagambala ka nanaman.

My mom is too protective pagdating sa akin. Maliit na bagay ay sobra siya magreact. Minsan ay naririndi ako dahil nakakahiya kasi minsan. But then, I love my mom.

Agad kong ibinagsak ang katawan ko sa sofa. Inalala ko ang mga kaganapan kanina.

Napangiti ako nang lumitaw sa isip ko ang mukha ni Xander. Yung mga kilos at galaw niya. Parang nagsoslow motion sa isip ko kung papano humataw sa ng bola.

Napabalik ako sa realidad nang biglang tumunog ang phone ko. Agad kong kinuha ang Iphone 6 ko at sinagot iyon.

"Open your television now." Biglang sigaw ni Harvey nang masagot ko ang tawag nya. Nailayo ko ang phone sa tenga ko.

"Anu bang meron?" Tumalima naman ako at hinanap ang remote. Habang nasa tenga ko pa din ang phone.

"Anu bukas na ba? Sa sports channel ha." Nagmamadali nitong sabi.

"Saglit lang. Hinahanap ko pa yung remote." Nainis tuloy ako dahin sa pagmamadali niya. Ilang saglit pa ay nakita ko na din ang remote at binuksan ang TV. Nilipat ko iyon sa sports channel.

"Oh, heto na bukas na! Anu ba yung papakita mo? Magpapahinga na ako."

"Maghintay ka. Malapit na siguro lumabas." Mataray na sagot ni Harvey. Sarap kutungan ang loko.

Hindi na ako nakasagot dahil napako ang tingin ko sa TV.

"University of  St. Benedict's Titan Knights started the pre-season game via having try out. Early today, around 60 hopefuls try-out to be part of reigning champion on the Mens Volleyball League including the Xavier International School Opposite Attacker as well as Wing Hitter, Brett Argus Martines." 

Natigilan ako nang marinig ko ang linya ng reporter. Kasabay pa noon ang pagpapakita ng ilang clips ng try out primarily si Brett.

"Coach Anton Villegas, say that in order for them to retain the crown they need to recalibrate their players to have effective play."

SET: Anger & Love (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon