SET 9

1K 45 28
                                    

Announcer's POV

Patuloy po kayong nakatutok sa pinag-uusapang face off sa bansa. Titan Knights versus Warriors. Ako pa din po Erich Valdevieso.

Sa mga nagtatanong kung bakit naging matunog ang dalawang kuponang ito, for almost five years mga kaibigan ay nagkakaharap ang dalawang team na ito. Syempre kahit naman sabihin na sa limang beses na paghaharap nila ay ang Knights ang nananalo, hindi pa din naman iyon ganun ka dali because Warriors also give their best. Kaya nga ang score pagsila ang naglalaban ay talaga namang hindi nagkakatayo.

So nakikita na po natin na nagsimula na ang official warm-up ng Titan Knight. Meaning to say, ang unang service ay nasa kanila.

As you can see may mga bagong mukha sa Knights, isa na mga dito si Brett ng Xavier International School. Kung di ako nagkakamali ay binansagan siyang "kid splash" dahil sa bilis nitong pumalo ng bola. Sa huling laban na nilaruan niya naka score siya ng 63 point out of 4 set.

Brett POV

"Race to 40 lang ito. Kaya wala dapat masayang na points. Iwasan yung mga errors ha." Paalala ni coach. Sabay sabay naman kaming sumagot.

Nakadako ang paningin ko sa taong nasakabilang court. Nakaupo lang siya at tinitipa ang phone. Lihim akong mapangiti. Hindi pa din siya nagbabago.

"Brett, kanina pa kita tinatawag. Ok ka lang?" Si papa.

"Opo naman. May iniisip lang po ako." Depensa ko sa kanya.

"Kung anu man yan, isantabi mo muna. Ipakita natin sa mga taong naririto ang pwersa ng kampiyon." Kung alam mo lang pa na isa sa iniisip ko ay ang makakalaban natin.

Hinubad ko ang warmer ko at nakisabay na lamang sa mga nagwawarm-up. Kung ako nga lang masusunod ayaw ko ng lumaban pa. Pero naririto na ito kaya wala nang atrasan pa.

Sana lang ay kung anu man ang mangyari ay magawa pa rin akong patawarin ni Nicolo.

***

Ang official warm-up ng Warriors ay nagsimula na rin. As you can see naririyan pa din si Xander Lim. He is the current team captain. Medyo seryoso ang mukha niya ngayon. Halatang nagco-concentrate talags siya para sa face off na ito.

Bukod sa mga kilala na nating mga members ng tean like Jim ang kanilang setter. Naririyan din ang famous twin na sina Rey at Roy. Mayroon din namang bagong mga mukha. Let see if makikilala natin.

Wow, I see Harvey Salazar, libero and he is also from Xavier International School. Also Samuel Kingsman of Philippine British Academy. Medyo familiar sa akin yung dalawa pa nilang new players. Pero ang isang nakaface mask nag-iinvite ng curiosity ko.

Xander POV

Napapangiti pa din ako habang pinagmanasdan si Nicolo. Suot suot niya ang yellow face mask na ako mismo ang nagbigay.

Inilagay ko iyon sa kanya bago kami bumaba ng shuttle. Wala namang particular reason. Kilala na rin naman siya. O sadyang ayaw ko lang makita ng madaming tao ang cute niysng mukha? Nababaliw na talaga ako. Mas inaalala ko pa siya kesa kay Clarisse na girlfriend ko.

Nang mag official warm-up na kami ay gusto ko sanang kapares siya ngunit minabuti ko nalang na sa iba makipag pares. Masyado na akong distracted ng dahil sa kanya. Hindi sa nagrereklamo ako pero kailangan ko nang full attention sa game. We need to win this game.

***

Announcer's POV

The talk of the town face off is will now officially begin.

SET: Anger & Love (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon