Patawad (Patawarin mo 'ko)

39 0 0
                                    

Hindi ko ninais gayahin si Fidel
Na gamitin ang pagsulat upang mapansin ng taong mahal
Kundi nais ko lang isulat ang laman ng aking puso na kung di man umabot sayo ay okay lang
Ngunit kung magkakaroon man ng pagkakataon,
Ito lang naman ang gusto kong sabihin sayo.

Patawad!
Oo, tama ka sa narinig mo,
Patawarin mo ako kung di mo man lang ako nakilala.
Patawarin mo rin ako 'pagkat wala 'kong lakas ng loob magpakilala
Kasi alam kong 'di ako yung tipo ng magugustuhan mo,
Kasi alam kong kahit magpapansin ako, sa kanya ka lang nakatuon
Kaya patawarin mo ako.

Kung sa bawat gabi'y pagod ka na,
Patawarin mo 'ko 'pagkat 'di ko mapigilang isipin ka.
Kung minsa'y nadarapa ka na,
Patawarin mo ko pagkat ikaw lagi ang laman ng aking kuwento.
Kung sa loob-loob mo'y punong-puno ka na,
Patawarin mo ko pero di ko maiwasang tignan ka.
Mula sa pag sayaw, tugtog, kain, bili at tawa
'Di ko mapigilang kiligin 'pag nakikita ka.

Patawarin mo 'ko kung sa bawat araw pinag da-dasal kita
Na sana'y muli kang makita
Patawarin mo rin ako kung ikaw ang laging hanap ko
Na laging larawan mo ang tinititigan ko
Patawad kung kaya kong pakinggan lahat ng pagtugtog mo ng gitara

Patawarin mo rin ako
Kung minsa'y naiinis ako
Hindi sayo kundi sa sarili ko
Kasi di ko kayang makita kang may kasamang iba
Kaya, patawarin mo ko
Kung nakakalimutan kong
wala ka nga palang pake
Kung nakakalimutan kong wala lang pala ako sayo
Patawarin mo ko kung ikaw na minsan ang nagiging dahilan ng kasiyahan at kalungkutan ko
Patawarin mo ko.

Patawad kung dati'y hinahangaan lang kita sa pag gi-gitara
Patawad kung hinayaan ko ang sarili na mahulog sa bawat pagkaskas mo ng gitara
Patawarin mo sana ako kung ganito ko kabaliw sayo ngayon
Patawarin mo rin ako kung sasabihin kong "crush lang kita at hindi mahal, dinadala lang ako ng damdamin ko"
Ngunit mas gusto kong humingi ng tawad sayo kung dumating man ang panahong magsawa na ko at malimutan na kita
Kasi alam ko sa sarili ko na hanggang crush lang kita
Kasi alam kong di na darating ang araw na magiging akin ka
Kaya patawarin mo ko kung di na ko mag hahangad pa.
PATAWARIN MO AKO!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 29, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Patawad (Patawarin mo 'ko)Where stories live. Discover now