Shooting Star

137 4 2
                                    

Shooting Star

"O Monique, anak? Saan ka pupunta? Gabi na?" tanong ni mama.

Si mama naman, parang hindi na nasanay sa akin. "Sa burol lang po mama. Sige po una na po ako" Pagkasuot ko ng tsinelas ko ay umalis na ako agad ng bahay. Baka pigilan ako ni mama e.

Pumunta na ako sa burol. Pagkarating ko roon, umupo na ako sa favorite spot ko. Sa may ilalim ng puno roon. Tumingin ako sa langit, mukhang ma-enjoy ko to ngayon. Hindi kasi masyadong maulap pero ang lamig. Niyakap ko ang sarili ko dahil sa ginaw. Nakalimutan ko kasing magdala ng jacket dahil sa pagmamadali.

Lagi akong pumupunta dito sa burol dahil nakasanayan ko na ang panunuood ng mga butuin sa kalangitan. Ito na rin ang nagiging stress reliever ko. Sabi kasi ng teacher ko, kapag tumitingin ka sa mga bituin, parang tumitingin ka na rin sa nakaraan. Ang mga bituin kasi na nakikita natin ay ang mga bituin na sumabog na noon o naging super nova na.

At totoo nga ang kasabihang iyon dahil kapag tumitingin ako sa langit, nakikita ko si Papa at yung mga masasayang alaala namin kasama siya. Nakakalungkot lang kasi talaga nang sobra noong nawala siya. Kaya tuwing gabi, kapag nag-i-stargazing ako, nagiging ritual ko na itong pagsesenti at pagiyak. Pero pinipigilan ko na lang din minsan kasi mas lalo akong nalulungkot.

Alam ko namang isa na sa mga bituin sa langit si papa at pinapanood niya ako ngayon kaya hindi dapat ako umiiyak o nalulungkot dahil baka magalit siya at bisitahin ako dito. Ayaw ko naming mangyari iyon.

Itinuon ko na lang yung attention ko sa mga bituin. Paboritpng parte ko talaga kapag nag-i-stargazing ako ay yung paghahunting ng mga constellations.

In fact, favorite constellation ko ang Orion. Iyon kasi yung first constellation na nabuo ko kasama ang papa ko at may sentimental value iyom sa akin. Kaya sobrang halaga na nakikita ko yun gabi-gabi.

Pagkatapos kong bumuo ng napakaraming constellations, nangawit yung leeg ko kaya ipinahinga ko muna sa kakatingala. Pero tumingala ako ulit because something caught my eye.

May mabilis na bagay na dumaan. Yung hinihintay ko gabi-gabi. Ipinikit ko agad yung mata ko bago humiling, may dumaan kasing isang shooting star. May isa lang naman ako laging hinihiling dahil sabi niya tutuparin niya yun, at dahil sa dumaan na yung hinhintay ko for this whole week, tumayo na ako para umuwi. Pagod na rin ako at may pasok pa ako bukas.

Pagkarating ko sa bahay, nagulat ako kasi nakabukas pa yung ilaw namin sa sala at parang may tao, kung saan  nakakapanibago lang. Unang pumasok sa isipan ko ay isang bisita. Pero Bisita? Nang ganitong oras? Pumasok na ako sa loob para masagot yung mga tanong ko at para makapagpahinga na rin.

Pagkapasok ko, bigla akong nabato sa kinatatayuan ko. Parang tumigil yung oras at yung mundo ko nang makita ko yung taong hinihiling ko lang kanina.

"Nikki!" masaya niyang tawag sa akin bago lumapit, Pagkalapit, niyakap niya ako. Sa puntong iyon, biglang nagsipagbalikan yung mga alaala na kasama ko siya noon.

Gabi rin noon at pumunta ako sa burol para maglabas ng sama ng loob. Naglayas kasi ako sa bahay dahil nag-aaway na naman yung mga magulang ko at sawang-sawa na akong marinig yung mga sigawan nila. Nabibingi na ako at nasasaktan. Nag-stargazing na lang ako para mapakalma ko yung sarili ko dahil iyon lang ang naisip kong puwede kong gawin sa burol.

Pero hindi lang iyon ang nangyari nung gabing iyon, dahil halos kamuhian ko na yung mundo, pamilya ko at ang sarili ko. Pati yung mga bituin noon nadamay sa inis at galit ko. Sawang-sawa na kasi ako sa mga nangyayari sa akin noon. Paulit-ulit na lang. Masyado na akong nadedepress.

Ang pinakakinaiinisan ko talaga ng sobra ay yung mga shooting stars. Kaya nung dumaan iyon noong gabing iyon, hindi ko na talaga napigilan yung sarili ko. Nagsisisigaw ako doon kahit nagmumukha na akong takas sa mental.

Shooting StarWhere stories live. Discover now