CHAPTER I

1 0 0
                                    

Bata pa lamang ako ay pangarap ko na talagang maging isang special agents tulad ng mga magulang ko. Hindi madali ang maging isang anak ng dalawang sa mga pinaka magagaling at hinahangaang spy agents ng buong mundo.

Bata pa lang ako,madalas ang lolo ko lang ang kasama ko sa mga mahahalagang okasyon sa buhay ko.

Sa labing pitong taon kong nabubuhay dito sa magulo at komplikadong mundong kinagagalawan ko ngayon,dalawang beses palang akong nasasamahan ng mga magulang ko sa pagdiriwang ng aking kaarawan. Oo,sobrang ipinagmamalaki ko na sila ang mga magulang ko kaya nga gustong gusto ko rin na maging katulad nila eh. Ang pag punta nila sa iba't ibang lugar at bansa,ang pagtulong nila upang linisin ang mga kalat at sugpuin ang mga kriminal dito sa buong mundo ay dalawa lamang sa mga rason kung bakit ako pumasok sa Hushin Academy. Ito ang paaralan ng mga nangangarap maging isang special spy agents tulad ko.

Ako si Silver Seo Dominguez,17 taong gulang,3rd year college student at isang elite student ng Hushin Academy. Dito na ako nag aral simula ng maisipan ng aking mga magulang na magretiro na sa kanilang trabaho.

"Silv,kanina ka pa?," napatingin ako kay Niel na kalalabas lang sa loob ng room nila.
"Di naman kararating ko lang din. Ah,mga 1hour and 30minutes na siguro ang nakakalipas.,"sarkastiko kong sagot sa kanya. Argh. Nakakaloka! Alam naman nyang kanina pa natapos Yung klase ko tapos ngayon lang sya lumabas,magtatanong pa. Ayy. Grabe.

"Hahah. Soorrrrrryyyyy,si ma'am Perez kasi nag over time na naman eh. Wala namang ibang ginawa kundi ang magkwento nung mga nakakaboring nyang experience nung nagtatrabaho pa sya sa field.Tinulugan ko nga lang eh. Tapos yung iba kong kaklase may iba iba ding ginagawa. Ewan ko ba dyan kay ma'am kung bakit ang manhid, kita nya nang walang interesado sa paulit ulit nyang kwento eh,sige parin yung kwento. Naku,ang manhid nyang guro.,"mahabang paliwanag nya. Inirapan ko na lang sya sa haba nung sinabi nya."Oo na,tara na nga lang at nagugutom na ko kanina pa!,"sabi ko.

Ginulo nya yung buhok ko at saka umakbay sa balikat ko."Hahah,sige,tara na nga lang,nagugutom na rin ako eh! Nakakagutom pa namang matulog," natatawang sabi nya habang naglalakad kami papuntang canteen. Binatukan ko nga para matauhan.
"Grabe ka,ang sama mo! Hahah. Isusumbong kita mamaya kay ma'am Perez,may subject kami sa kanya mamaya. Lagot ka,Neil!,"pananakot ko sa kanya. Nag iba naman yung itsura ng mukha nya.
"Waaaahhh! Silver,best friend mo ko,diba? Walang laglagan bes!,"nagmamaktol na paki usap nya. Hahah. Para talaga syang bakla.
"Tsk. Stop it you look like a real gay! Kaya madalas kang napagkakamalang bakla eh!,"sabi ko.

Natigilan naman sya pagkapasok namin sa canteen. Sinundan ko ang tingin nya at nakita ko si Sam na naka upo  kasama ang boyfriend nya. Matagal ng may gusto 'tong best friend kong 'to dyan kay Sam. Walang duda at hindi ko kinukwestiyon kung bakit patay na patay si Neil sa kanya.

Bukod kasi sa maganda,mabait at matalino,isa din sya sa mga campus sweet heart ng school. "Hoy,tama na yan! Hindi maganda ang view na panuorin ang taong
mahal mo na masaya kasama ang taong mahal nya lalo na kung ang gusto mo talaga ay ikaw yung kasama nya!,"sabi ko.
"Oo na. Tara na nga!,"sabi nya sabay hila sakin papuntang counter.

Sya si Neil Alvarez,bestfriend ko sya at malapit din na magkaibigan ang mga magulang namin. Isa din syang elite student ng Hushin Academy,gwapo,maraming nagkakagusto dito sa best friend ko kaya madalas madami ring galit sakin at kinukwestiyon ang pagiging matalik na magkaibigan namin.

Paano,pati ako,pinagseselosan.Nakakaloka! Hahah. Pero,seryoso. Kahit ako,matagal ko na ring gusto si Neil. Hindi ko lang maamin kasi alam ko namang si Sam lang ang gusto nya. Sigurado ako dun kasi sya mismo nagsabi. Nasasaktan ako kapag nasasaktan sya.

Natutuwa ako sa tuwing natutuwa sya. Pero,ang masakit lang talaga ay ang katotohanang hindi ko kayang maging masaya kapag si Sam ang nagpapasaya sa kanya. :'(

Kumain na kami at hinatid nya na ko sa room ko saka sya umalis papasok sa room nya. Pumasok na rin ako sa room pagka alis nya. "Hey,Silver,do you want to come with us?,"tanong ni Elle. Classmate ko na half breed. :D
Di joke lang. Half filipino and half german sya. Kaibigan, kaklase at roommate ko pa. Hahah.

Yes, tama. Nakatira kami dito na mismo sa loob ng campus bale parang sa kaliwang banda ang paaralan at sa kanan naman ang dormitories. Hiwalay ang babae sa lalaki sa klase at sa dorm. Wala din akong kilalang estudyanteng lalaki dito bukod kay Neil. Hindi rin kasi ako tulad ng ibang babae na nanghuhunting ng mga lalaki sa loob at labas ng school.
Nandito ako para maging isang pro-special agent at hindi para lumandi at maghanap ng mga gwapo. Kuntento na kong si Neil lang ang nakikita ko araw-araw.

"Good Afternoon,ma'am Perez!,"sabi namin pagpasok ni ma'am sa room.
"I'll decide it later,Elle.," sabi ko saka umupo ng maayos. "Good afternoon,class. Please get your notes for some reminders and announcements.,"sabi ni ma'am.
Binuksan ko na yung bag ko at kinuha yung notebook ko.

"Gosh!,"sabi ko matapos kong makita ang notebook ni Neil na gagamitin nya dapat ngayon. Lagot,kawawa naman yun,baka palabasin ni Sir. "Ma'am,may I go out? I will just give this notebook to my best friend,please!,"sabi ko.

"Ok. Just don't be too long,Ms. Dominguez!,"sabi ni ma'am.

"Yes,ma'am. Thank you po!," Sabi ko sabay takbo palabas ng room. Tumakbo ako ng napakabilis na halos di ko na makita yung dinadaanan ko.

"Oooooouuuccchhh!," Sabi ko sabay hawak sa noo ko . Huhuhuhuh. Ang sakit palang mauntog sa pader. Ang sakit! :(

"Tsk. Bulag!,"narinig kong sabi ng isang lalaking hindi ko kilala ang pangalan. Inirapan ko lang sya.
"Whatever!,"sabi ko. Argh. Kaasar.
"Marami pang pader dyan,baka gusto mo pang banggain.hahaha.!,"pahabol pa nung lalaki.

Tumingin ulit ako ng masama sa kanya saka nagsalita. "Wala kang pakialam.,"sabi ko pero sa halip na magalit ay tumawa lang ito ng napaka lakas. Argh.

Kabwisit talaga. Tumakbo ulit ako pero mukhnang may galit talaga ang tadhana sakin ngayong araw eh. "Whahahaha. Bulag na nga,lampa pa!,"sabi ulit nung lalaki.

Napapikit na lang ako sa sobrang inis. Argh. Kaasar. "Who ever you are... you're dead,kapag nagkita tayo ulit!,"naiinis na sabi ko habang naglalakad pa layo dun sa lalaki.

"Take care,Bulag na lampa!,"nang aasar na sigaw nya.
"Whatever. Wala akong Paki sayo.,"sigaw ko din habang patuloy na naglalakad palayo dun sa antipatikong lalaking napaka ungentleman.

Argh. Sino kaya yung bwisit na yun?! Hindi man lang gentleman yung lalaking antipatikong yun! Argh. Nakakainis talaga!😣

NOwhere to GoWhere stories live. Discover now