Chapter 1: The Best of Friends

11 3 1
                                    

Heaven's POV

"See that girl in red? That's Ariana." - Elli
"Oh ano naman?" Sagot ko sa bungangera kong best friend.
"Anong ano?! Siya lang naman ang umaali-aligid at lumalandi kay Jill!!"

"Anong pakialam mo dun? Buhay nila yan."

"NOOOO!!!----" tinakpan ko agad yung bibig ni Elli dahil nakakakuha na kami ng atensyon ng ibang tao. Naku naman pooo.

"Manahimik ka nga. Alam mo, kung gusto mong magrebelde sa relasyon nila--"

"Hephep!! Excuse me! FYI Wala silang relasyon! Yang babae lang na yan talaga ang assuming. Duhhh!!"

Hay nako. Kung ano-ano na ang dinadaldal nitong isang to. Tss . makapasok na nga lang.

"Tara na! Maunahan pa tayo ni Ms. de Silva." Si ms. de Silva ang aming terror teacher sa Mathematics. daig pa niya ang matandang may menopausal sa pagkamoody. Tsaka siguro moody siya dahil tumandang dalaga. HAHAHA ang sama ko diba. Ngayon alam niyo na. Haha djk
Masanay na kayo sa ugali ko .haha
*
*
*
*
*
"Bes! Nag-aalala na ako." - Elli
"Wag mo nang ituloy. Alam kong tungkol na naman yan sa Jill na yan." Sabat ko sakanya.

"Pero bes--"

"Wag ka na kasing umasa. Walang ibang mapapasayo nyan, kundi sakit lamang."

"Oo, alam ko. Malabong mangyari pero mahirap ba akong intindihin? Mahirap ba akong suportahan? Aasa ako ng aasa. Ang totoong pagmamahal kasi, hindi nag-aantay na masuklian. Kasi minsan, kailangan mo lang sumugal at magtiwalang mamahalin ka niya pabalik."
Sabi ni Elli sabay walk out.

Nako naman! Ano na naman itong nagawa kong gulo?!!

"Elli teka lang!" Tawag ko sakanya.

Hindi ko na sya naabutan kasi pumasok na siya sa kotse na sundo niya.

*
*
*
*
*
Pagka uwi ko sa bahay, nilaro laro ko muna si Sky (aso ko) at naligo.

Iniisip ko parin kong paano ko susuyuin yung bespren ko. Hay nako

Umupo muna ako sa kama ko matapos maligo at nag bukas ng account ko sa twitter at nag tweet.

Heaven Letizia Francisco
"Just because of that you treated me like nobody."

Wala lang. Naisip ko lang magtweet.
Tsaka nagiisip parin ako ng paraan kung paano ako magsosorry sakanya. Kasalanan ko rin naman kasi eh. Hindi ko siya magawang supportahan. Ewan ko rin sa sarili ko kung bakit. Siguro Hindi ko lang talaga gusto yang si Jill para kay Elli.
*
*
*
*Ding Dong*

Andito ako ngayon sa labas ng bahay nila Elli. Magsosorry na ako sakanya. Ilang araw na kasi na hindi niya ako pinapansin. Hayyss.

"Oh, Heaven! Napadalaw ka?" Bati sakin ng mommy ni Elli pagbukas niya ng gate.

"Uhm. Hi tita! Nandyan po ba si Elli?"

"Ahh. Nandon sa kwarto niya. Halika pumasok ka muna." Sagot sakin ni tita Amara


Elli's POV

*tok tok*

"Pasok ma." Sabi ko kay mama.

"Nak, nasa baba si Heaven." -mama
Marahil nagtataka kayo kung bakit alam Kong si mama iyon. Eh kasi naman wala naman kaming ibang kasama dito sa bahay eh. Matagal ng hiwalay si mama at papa. Tapos ayaw naman ni mama na mag hire ng katulong in fact kaya naman naming mabayaran ang isang kasambahay. Ang sabi naman niya, huwag na daw kasi baka daw maspoiled ako at walang alam na mga gawaing bahay. Hayyss Enough for that masyado ng malayo ang narating natin. Andito pa pala si Heaven sa ba--- WHAT?! NASA BABA SI HEAVEN???!!
Hay nako Elli! Act normal hindi pa kayo nagkakasundo kaya wag mo siyang pansinin.

"Ma, sabihin mo "bumalik na lang siya bukas natutulog pa ako". Yan, ganyan nga Elli.

"Elijah! Anong bumalik nalang bukas? Kawawa naman yung tao."

"Bahala siya sa buhay niya." Pabulong kong sagot.

"Elli, ano bang nangyari?"

"Wala. Tanungin mo siya kung anong nangyare. Tss."

"Ganon ba? Sige. Ako nalang ang kakain sa ICE CREAM na dala ni Heaven." Mamaaa!!!!

"ICE CREAM!!!??!----" Hindi elli. Pigilan mo yang pagcra-crave sa ice cream na yan. HINDI KO FAVORITE ANG ICE CREAM!!! HINDI!!!

"Oo, ice cream. Diba gusto mo nun? Pero parang ayaw mo na yata eh kaya akin nala---" hindi ko na pinatapos si mama. I can't deny the fact na I love ice creams! And I hate it kasi alam na alam ni Ven ang kahinaan koooo.

"Bes, sorry na." Hinge ng tawad ni Heaven sakin.

"..."
"Bes, kausapin mo naman ako please."- heaven
"..."

"Heaven akin nalang tong ice cream ha? Mukhang ayaw naman ni Elli eh . sayang naman natutunaw na." Singit ni mama.

"MA! no!" Napasigaw ako . WHAT?! Sinabi ko ba talaga yun?

"HAHAHA" Ven chuckled. CONFIRM!

"Yan talaga ang gusto ko sayo Elli eh. Hindi mo talaga ako matitiis." -Heaven

"Tse! Yung ice cream ang Hindi ko matiis. Hindi ikaw."

"Yiiee!! Aminin mo na kasiii ..labyow bebe." -Heaven

"Hahaha! Akin na ice cream koo!" Sigaw ko.

"HAHAHAHAHA" tawa naming tatlo.

Fight Ain't FairWhere stories live. Discover now