"Hindi kita Iiwan, Sabay Tayo"

16 2 0
                                    

Biglang buhos ng ulan. Basang-basa na ang damit at mga gamit ko. Wala naman akong dalang payong kaya minabuti kong makisilong muna sa may tabing tindahan.
Madilim ang paligid. Mukhang magtatagal pa itong ulan. Napahalukipkip ako ng maramdaman ang malamig na dampi ng hangin. Nanunuot sa balingkinitan kong katawan ang lamig.
Ramdam na ramdam ko ang pag-iisa...

"Pag sinuswerte ka nga naman oh!"

Napapitlag ako nang marinig ko ang boses mo. Mataman kitang pinagmasdan habang pinapagpag mo ang polo mo na basang-basa na dahil sa ulan. Bakas sa mukha mo ang halong pagod at inis.

"Kailan kaya titigil 'to?"

Napaisip ako kung sasagot ba ako sa tanong mo.

"Sana tumigil na" dagdag mo.

Napakislot ako ng bahagya ng akma mo akong lalapitan.

"Mukhang nilalamig ka na ah.. Okay ka lang ba? tanong mo.

" a-ayos lang ako.." sabay ngiti ng pilit bilang pagtugon sa tanong mo.

Tumabi ka sa akin. Nagkasalubong ang mga titig natin. Parehong nangingilala at nangungusap. Tila ba hindi na kailangan pang gamitan ng salita.

"Wag kang mag-alala, hindi kita iiwan dito. Sabay tayong aalis sa lugar na to pag tumila na ang ulan"

Mga katagang nagpaulit-ulit sa isip ko. Mga katagang unti-unting nagpapabilis ng pulso at tibok ng puso ko.

"Hindi kita iiwan..."
"Sabay tayo..."

Napangiti ako. Pinagmasdan ko ang paligid, unti-unti nang lumiliwanag. Hudyat na ng pagtila ng ulan.
Nawala ang ngiti sa labi ko. Kasabay nun ang paglandas nang luha sa mga mata ko

"Hindi kita iiwan..."
"Sabay tayo..."

Isang taon na pala mahigit ng iwan mo ako. Kasabay ng pagtila ng ulan ang paglaho ng mga pangako mo sa aking,

"Hindi kita iiwan..."
"Sabay tayo..."

#nobisrayter

Mahal kita... with a Broken Heart 💔Where stories live. Discover now