Meet My Kylie

4 0 0
                                    

NOTE:


Una po sa lahat, thank you kasi binabasa mo to ng walang kasiguraduhan kung maganda ba yung story hakhakhak. Sorry kasi UNANG STORY KO ITO SA WATTPAD ,  hindi naman una pero isa kasi akosa " GAGAWA TAPOS BAGSAK SA DRAFT" authors HAHAHAHA. Oy! Nangyayari yan wag ka nga ho. Hahahaha! Jk lang!


Sana ma-enjoy niyo to. Ito yung inabot ng imagination ko. Pag natapos ko to, sasagutin ko yung tanong ng friend ko na, "Para saan yung story na gagawin mo?" Medyo seryosong rason pero enjoy muna natin.


Thank you!


_____________________________________________________________________________________________________


PROLOGUE:


"Naiisip mo nanaman ba siya?" tanong niya. Umiling ako. Hindi ko na dapat iniisip pa ang mga taong binaon na ako sa limot.


"Pero naisip mo rin siya kahit isang beses.." sabi niya. Humarap siya saakin at ibinigay ang isang box na may blue sticker na heart. Ito yung sticker na binigay ko kay Kylie 5 years ago. Pinang-design niya lang yun dito? Hindi ako makapaniwala.


"Hindi ko siya inisip. Kayo lang naman ang naimilit na iniisip ko pa siya." sabi ko. "Ano naman ito? Basura?" sabi ko ng may pagka-irita. Kinuha ko ang kaha ko ng sigarilyo at sinindihan iyon. Nagpunta ako sa balcony para sana mapag-isa pero sinundan niya ako at ibigay parin ang box.


"Ano ba kasi yan?"


Ngumiti siya saakin at tumalikod. Akala ko ay aalis na siya pero nagsalita siyang muli..


"Hindi mo kailangang pilitin ang sarili  mo na kalimutan ang mga bagay bagay. Kilala mo ang sarili mo, bakit niloloko mo pa? Bakit nagsisinungaling ka pa sa sarili mo? Hindi mo naman makakalimutan ang nakaraan, all you can do is to accept what happened. Tanggapin mo na kasing wala ng kayo."


"Tanggap ko..."


"Pero nagtatanong ka parin deep inside kung bakit siya nawala?" tumango ako sa sinasabi niya. Parang siya pa tuloy ang lumalabas na mas matanda saamin.


"Normal magtanong at magtaka. Pero paano mo malalaman ang sagot kung ikaw sa sarili mo takot kang malaman? Walang masama sa pag-alam ng totoo, mahal ka niya. Tiwala lang.."


Iniwan niya parin ang box atsaka umalis. Babasahin ko ba ito para malaman ang nangyari?


Hanggang kelan ako magtatago sa galit laban sa takot?




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 24, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Meet My KylieWhere stories live. Discover now