The Game

3 0 0
                                    

MONIQUE'S POV

"Game point! In favor of Jiro! Serve!" sigaw ni Harry na feel na feel ang pagiging umpire niya.

"Pang ilan na ba si Jason? Haha wala talagang kakupas kupas si Jiro"

"Oo nga ang cool niya pag naglalaro no?"

Yan ang mga naririnig ko sa paligid. Siya si Jiro Marquez at nakakabit sa pangalan niya ang title na The Prince of Badminton. Kung ilang competition na ba ang napanalo niya? Halos lahat lang naman, mapa National, Regional at Local tournament napanalo niya na.

"Game point! In favor of Jiro! Serve" grabe talaga siya. Hanggang 15 lang tung laro nila pero natatapos niya agad sa loob lang ng ilang minuto. Hindi talaga naipagkakaila na ang galing niya.

"Grabe talaga si Jiro, gwapo na nga ang galing galing pa"

Si Jiro Gwapo? Haha sino ba namng baliw ang mag sasabi na hindi siya gwapo? Ang cool niya at ang hot niya pag pinagpapawisan. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa isang Jiro Marquez? Pati nga ako crush ko yan eh haha quite lang kayo ha. Si Dennise lang ang nakaka alam ng mga kalandian ko sa buhay, hindi naman kasi ako yung tipo ng tao na harap harapang manglalandi kilala kasi nila ako bilang isang suplada at maldita. Paki ko naman sa iniisip nila.

"Grabe Monique no? Ang galing ni Jiro" naka ngiting sabi sakin ng isa kong kaklase na may crush din kay Jiro. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Sa gwapo ni Jiro napapangiti kadin kapag ngumingiti siya, napaka charming niya talaga, at halata namang enjoy na enjoy siyang maglaro. Habang naglalaro kasi siya naka ngiti siya lagi.

"Who's next?"

Humarap si Jiro sa bench doon kasi naka upo ang mga kaklase namin.

"Ah. Pwede ba a-ako?"

Napatingin kaming lahat kay Chelsea

"Haha Chels? Marunong ka?" tanong ng isa naming kaklase, napa kamot naman siya ng ulo niya

"I'll try"

"Sigurado kaba?" tanong naman ni Harry

"Okay, game" sabi naman ni Jiro

Si Chelsea paphirapan talaga ang sarili para mapansin ni Jiro. Alam kasi ng lahat na my gusto siya kay Jiro

"14-2 Game point"

"Anu ba yan? Talo na ako hehe"

"Let's finish this"

"Serve" at sa isang malupit na smash natapos ang laro. Hindi man lang naka abot ng 5 ang score ni Chelsea haha.

"Ahm, ang g-galing mo t-talaga Jiro"

"Nice game Chels, magpractice kapa ha" namula naman si Chelsea ng kamayan siya ni Jiro

"Sinong susunod? Matagal pa namn mag bell eh" sigaw ni Harry

"Utang na loob talunin niyo naman tong mokong na to" dagdag niya pa

"Ikaw talaga Harry" napakamot naman si Jiro sa ulo niya

Habang busy busihan sila sa paghahanap at pagpuri kay Jiro, kinuha ko nalang ang Ipad ko at naking sa music. Napapikit ako at nag inat ang sarap mag relax, nagugutom nadin ata ako.

"Si Monique raw!"

"Go Monique! Go Monique!"

Asa naman silang bababa ak- O.O nanlaki agad ang mga mata ko ng mapansin kong naka taas parin ang mga kamay ko.

"Wala na, baba kana nagtaas ka kaya ng kamay mo'

"Nag iinat lang ako no. Hoi! Wag niyo akong hilahin! Hindi ako marunong niyan"

The King and Queen of HeartsWhere stories live. Discover now