Ang Social Media at Mass Media

2.8K 2 1
                                    

SOCIAL MEDIA AT MASS MEDIA

Ang ating teknolohiya ay nagbabago sa pag-ikot ng panahon. Lalong-lalo na ang pinakamahalagang elemento ng ating buhay, ang pakikipagkomunikasyon. Pinalawak ng mass media ang ating komunikasyon. Mula sa pagkalap ng impormasyon hanggang sa pakikipag-usap. Pakikinig ng radyo, pagbabasa ng dyaryo, panonood ng telebisyon, iyan ay mga uri ng mass media kung maituturing. Aminin man natin o hindi, ang mga ito ang nagbibigay buhay sa atin, lalo na ng magkaroon na ng mga telepono at smartphones. Hindi na matigilan ng mga tao ang paghawak sa mga ito.

Sa makabagong teknolohiya ipinakilala sa atin ang mga smarthphones. Dito natin natagpuan ang komunikasyon gamit ang keyboard, kung saan tayo ay nag tetext, hanggang sa pwede na tayong makatawag, at ngayon, mayroon naring social media.

Kung dati hanggang text at tawag tayo, ngayon maari na tayong mag maglathala ng gusto nating sabihin sa online na medium. Sa pamamagitan lamang ng paggawa ng account sa Facebok, Twitter o kung ano pang Social Media Platforms, maari na tayong magpost ng litrato, bidyo, o teksto na nais nating ipakita sa ibang tao. Dahil dito kaya na nating makipag-usap sa mga taga-ibang bansa, ang ating mga mahal sa buhay na nasa ibayong dagat, kaya na nating ipakita ang ating pagmamahal at pagmamalasakit, ngunit hindi rito natatapos ang kagustuhan ng mga tao.

Hahanap at hahanap ang tao ng paraan upang maging maganda ang kanyang imahe sa harap ng iba. Nariyan na at naglalabasan na ang magaganda at mamahaling cellphones. Mayroon itong mga dagdag na mga features tulad ng mas pinagandang kamera kung saan in demand ang mga cellphone na maaaring makakuha ng magagandang litrato, upang ipangalandakan sa social media ang mga magagandang kuha. Dahil rito hindi na natin maiaalis mainggit sa mga taong nagpopost ng larawan sa social media, at ang resulta? Bibili rin tayo ng katulad na cellphone. Ito ang ginawa sa atin ng social media. Ginawa tayong maging inggetero't inggetera sa yaman ng iba.

Dumako naman tayo sa paksa ng "fake news". Hindi maikakaila na nakakakuha tayo ng impormasyon sa mass media at social media, lalo na sa social media kung saan mas madali makakalap ng impormasyon, kaya naman sinasamantala ito ng ibang taong pansariling kagustuhan lamang ang iniisip. Dapat matuto tayong kumilala ng totoong balita sa peke. Dahil maaring maapektuhan ang ang ating mga buhay ng pekeng balita na ito.

Sa pamamagitan ng social media at mass media, napapadali ang pagbibigay ng mga impormasyon ng mga tao, nakakadagdag din ito ng kaalaman at nagbibigay ng maraming oportunidad na magagamit ng mga tao. Ngunit sa pag-tagal ng panahon, mayroon ding masamang epekto ang walang tigil na paggamit ng social media at mass media. Talamak ngayon sa social media at mass media ang fake news kung saan nagkakalat ang mga tao ng maling mga balita na nagagawang paniwalaan ng mga ilan. Isama pa natin ang mga malalaswang videos na kumakalat sa mga social media na hindi magandang impluwensya para sa mga kabataan. Sa pamamagitan ng Social media at mass media, lumiliit ang mundong ating ginagalawan at tinutulungan tayo upang manatiling konektado sa lahat ng bagay.

Ang dalawang bagay na ito –mass media at social media, ay ang mahahalagang instrumento ng pag-alam ng impormasyon. Ito ay dapat na sinusuri at tinatalakay ng maiigi upang hindi magkaroon ng negatibong epekto sa pamumuhay ng mga mamamayan at sa lipunang ating ginagalawan. Hindi dapat tayo mag paapekto sa mga bagay na nakikita sa social media kung walang konkretong ebidensya at hindi malinaw na motibo. Tayo dapat na maging mapanuri at matalino sa anumang ating naririnig, at nakikita.

Di maikakailang ang social media at mass media ay mayroong malaking impluwensya sa lipunang ating ginagalawan ngayon. Mapa bata man o matanda ay may kakayahang gumamit nito. Ngunit pakatatandaang maigi na ang pagiging masama o mabuting impluwensya ng mga ito ay nakasalalay sa ating mga tao mismo. Sa atin na siyang gumagamit nito. Maging responsable sa pag gamit ng mga instrumentong ito upang maging mas mainam ang mga benepisyong maihahandog nito.

Ipinasa nina:

Batadlan, Trizha May P.

Bolayog, Jillian Marie V.

Enriquez, April B.

Santos, Danica Jean A.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 17, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Social Media at Mass Media: Ang Epekto Nito sa Mga TaoWhere stories live. Discover now