Pag-Ibig sa Papel (One Shot)

76 7 5
                                    

Tuwing uwian matapos ang klase pumupunta ako sa aking locker upang ilagay ang aking mga gamit.

Kada bukas ko nito, laging may nahuhulog na papel. Mga maliliit na piraso ng papel.

Sa araw-araw na nakatatanggap ako ng mga papel na ito, palaisipan pa rin sa akin kung sino talaga ang nagbibigay.

Bawat maliliit na piraso ng papel ay may mga kaakibat na salita na paniguradong makapagpapagaan ng iyong araw. Katulad na lamang ng "Ingat ka palagi,  Huwag magpapagutom" at kung ano-ano pang mga salita ang maisipan niya.

Hindi talaga lingid sa aking kaalaman kung bakit ako binibigyan ng taong nagbibigay nito. Parang napaka misteryoso naman niya.

May gusto kaya sa akin ang taong nagpapadala ng mga ito? O, di kaya'y sadyang trip-trip niya lang talaga. Dahil, wala siyang ibang makitang mapagtripan?

Hay, ewan! Mga tao nga naman nowadays. 

Pero kahit ano man ang pakay niya. Lalo tuloy akong na-o overwhelmed sa mga pinaggagawa niya. 

Simpleng tao lang naman ako. Isang masipag na estudyante sa isang disenteng paaralan at isang mapagmahal na anak sa mga magulang. 

Cute lang ako at hindi maganda. 

Kaya nga hindi ko inasahan na darating ang araw na may isang magdidilang anghel para magpadala ng mga papel na ito, para pagaanin at pasiglahin ang araw-araw ko. Inilagay ko sa isang maliit na box ang mga papel na natatanggap ko. At pinangalanan ko itong "Pag-Ibig sa Papel."

Hay! Kapag sinusuwerte ka nga naman...

Inayos ko na ang aking mga gamit para sa susunod na klase. Pumunta ako sa aking locker at pagbukas ko nito meron na namang mga nahulog.

Ay! Isa lang pala.

"Ano na naman kaya ito?" Wika ko sa aking sarili. Ang papel na napulot ko ngayon ay malaki. At naglalaman ng sulat kamay ng nagpadala.

"Magkita tayo mamayang 5:00 pm pagkatapos ng klase mo. Dun sa malaking quadrangle sa ibaba. See you. :)"

Sa wakas makikilala ko na rin ang lalaking misteryoso. Ang lalaking laging nagpapadala sa akin ng mga papel. Excited na ako. Gwapo kaya siya?

Siya na kaya ang Mr. Right ko? Ang icing sa ibabaw ng cupcake ko?

Hay, ewan ko ulit! Pero kung meron man akong nakalimutan, yun ay ang pumasok sa next class ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Saktong alas 5:00 na nang i-dismiss kami sa klase namin sa Mathematics. Grabe, wala talaga akong naintindihan. Akalain niyo 'yun?

Nakatulog kasi ako kanina kaya ayun. Buti nalang hindi nagkaroon ng quiz at, buti simple discussion lang ang naganap. Nga pala, muntik ko ng makalimutan. Magkikita nga pala kami ng Mr. Right ko. Sa quadrangle.

Dali-dali akong bumaba ng hagdanan. Baka kanina pa 'yun naghihintay. Lagot na. Saktong pagkababa ko may isang lalaking naka-upo at mukhang kanina pa siya naghihintay. At parang makikita mo sa kanyang mukha na naiinip na.

Nang akmang papalapit na ako sa kanya saka naman ako natapilok.

Kapag minamalas ka nga naman. 

Agad naman akong nakatayo at tuluyan nanang nakalapit sa kanya.

"Ah, Mr. Right I'm---" pero hindi ko na natapos ang aking sasabihin. Sa kadahilanang, bigla na lamang siyang nawala na parang bula.

Napailing nalang ako dahil sa sinag ng araw. Pagmulat ko sa aking mga mata nakita ko ang aking sarili na nakahilata sa isang malambot na kama. At makalat na paligid. Nakatulog yata ako ng mahimbing at nanaginip. 

Akmang babangon na sana ako ng may isang piraso ng papel ang nahulog sa aking uluhan.

"Good Morning. Have a nice day, sweetie."

Sino ba talaga ang taong ito? Bakit ayaw niyang magpakita?

Pag-Ibig sa PapelWhere stories live. Discover now