Chapter I

1.5K 28 0
                                    

'WIWIT!' malakas na sipol ng mga lalaki sa pool pag-ahon ko. Nakangiting inayos ko pa ang bikini ko at pagkatapos ay kinawayan sila. Parang lokong nagsipulan pa sila lalo. Kotong tuloy ang naabot ng mga lalaki sa kanilang girlfriend. I flirtisiuosly laugh at them and wink.



"Malandi!" narinig kong sabi ng isang babaeng nandun.


Inggit ka lang dahil maganda ako mula ulo hanggang paa! HAHAHAHA



Hinahayaan ko na lamang sila at pinuntahan ang lounge ko upang magpahinga sandali at makapagpahid na rin ng lotion. Nakatingin pa rin silang lahat sakin . At parang luluwa na ang mga mata ng lalaki at pagkainggit naman ang nakikita ko sa mga babae.



Hahaha. Mamatay kayo sa inggit! hahahaha!



Paano ko naman ipapahid itong lotion sa likod ko? bulong ko sa sarili. Lumingon lingon ako sa paligid upang tingnan kung sino ang pwedeng utusan upang magpahid sa likod ko. Ngunit wala nang may gustong makipag eye to eye sakin.



Hmmmm,?



"Subukan mong tumingin sa babaeng yun, malilintikin ka sakin."narinig kong sabi ng isang babae sa pool.



Kaya naman pala ayaw ng tumingin sakin dahil pala sa mga jowa. Napangiti ako sa naisip. Tatayo na sana ako ng makita ko ang crush kong si Mark at papunta siya sa direksyon ko.



OMG! Si Mark!?" Kinikilig na naisip ko. Napindot ko tuloy ng mariin ang lotion kaya ang daming lumabas. Natatarantang pinahid ko kahit saan sa katawan ko ang lotion.



He's coming near! Parang tambol ang tunog ng puso ko dahil sa kabang nararamdaman. Paglapit niya biglang hinimatay ako.



"Hey! Are you okay?"narinig kong nagaalalang tanong niya. Actually hindi talaga ako nahimatay. Sinadya ko lang hinimatay dahil hindi kakayanin ng puso ko ang malapitan na tingin kay Mark. Baka atakihin ako sa puso. :P



Pero once in a lifetime lang to na makikita ko ang mukha ni Mark ng malapitan. kinikilig na inisip ko kaya binuksan ko ng dahan dahan ang mata ko.

Ang boyfriend kong bading!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon