Epilogue

7.1K 134 19
                                    

Mr. Razon's Point of View

Nakakatuwa ang klase ng pag-iibigan ng dalawa. Hindi pangkaraniwan at hindi maikukumpara sa iba. Pero ang mas nakakatuwa ay umusbong ito sa lugar kung saan ang pag-ibig ay isang pagpapakamatay.

Kung buhay lang siguro si Mr. Valdez ay matutuwa 'yon dahil sa kanyang bunso at alam kong hindi niya hahayaang may mangyaring ganito.

Nakatingin ako sa dalawang incubator kung saan nakahimlay ang dalawang katawan. Hindi kakayanin ni Allison pero isinugal niya ang buhay niya.

Napatingin ako sa mga kaibigan nilang tulala. Mga totoong kaibigan na naging sandalan nila sa lugar na ito. Nakakabilib na hanggang sa huli ay magkakasama pa rin sila. All I can say is, it is indeed at true friendship.

"Kakayanin ba ni Allison?" Tanong sa akin ni Raze.

Napatingin ako kay Miss Shion na walang malay.

"Hindi ako sigurado."

"Then stop it." Natigilan ako sa sinabi niya.

Matapang na sinalubong ko ang kanyang mga titig.

"What do you mean?"

"Ayokong maging si Allison ay mapahama-"

"Shut up." Natigilan si Raze nang marinig ang madiing wika ni Matthew.

Napatingin sa kanya si Raze.

"Hindi kakayanin n-"

"Hindi niya magugustuhan ang nais mong mangyari. Kilala ko si Allison..." Tumagos ang titig nito kay Allison. "Kaya niyang ibigay maging ang kanyang buhay para sa isang taong importante sa kapatid niya wag lamang itong magdusa..."

Kinain kami ng katahimikan matapos nilang magsagutan. Hindi na rin nagsalita pa si Raze.

Nilapitan ko si Allison . Taimtim ko itong tinitigan nang may mapansin akong nagpakunot ng noo ko. Muli ko itong pinagmasdan. Napailing ako bago mabilis na pinindot ang stop button.

"Anong nangyari?!"

Bumukas ang mga incubator at mabilis kong hinawakan ang pulsuan ni Allison. Napabuntong hininga ako.

"Wala na si Allison..." Wika ko. "Hindi naging matagumpay ang operasyon na ito dahil hindi na kinaya ng katawan ni Allison, bumitaw na sya.." Malungkot kong wika.

Walang kwenta ang formula at dugo ni Allison dahil wala na ito. Hindi na gagana ang dugo kapag patay na ang may ari nito.

Nakakalungkot! Akala ko makakayanan nila kanina dahil nararamdamdaman kong lumalaban sila, kaso hindi. Bumitaw sila... Linabanan nila si kamatayan, kaso hindi sapat ang kanilang lakas.

Ace Craige.

Allison Shion.

Napahagulgol na sa iyak ang mga kaibigan nila.

"Anong gagawin natin?"

Nagpupunas ng luha na tanong ni Zein. Hindi nila ito sinagot bagkus linapitan siya ni Matt at yinakap ng mahigpit.

"Matt, wala na si ate"

"Wala na si Ace, paano na ako? He's my life, my world, my everything. Diko na alam ang gagawin ko"

Pinatatahan ni Matthew si Zein at mas hinigpitan pa ang yakap dito.

"Shhhh tumahan kana"

Bumitiw sa yakap si Zein at tumatakbong lumapit kay Ace.

"Ace! Sumagot ka! Darling please answer me! Darling!"

Yinakap niya ito ng sobrang higpit ngunit nanatili lamang ang kamay nito sa gilid.

Hell University EpilogueWhere stories live. Discover now