PAUNANG BOKA

764 51 18
                                    

Okay, wala naman talaga akong balak magpublish ng story dito sa wattpad pero dahil puro toxic na tao na lang nakikita ko sa facebook ay mas minabuti ko nang dito maghasik ng kagwapuhan sa wattpad tutal dito naman talaga kami nagmula. Dito sa wattpad kami iniluwal ng nanay namin kaya siguro, mas katanggap tanggap ang di pangkaraniwang kagwapuhang ako lang talaga ang nagtataglay.
  
Una sa lahat, ako ang pinakagwapong nilalang na nilikha ng pagkaganda-gandang ex ko na si @desteenx. Pangalawa, sa mga nagsasabing maraming mas gwapo sa akin, wala akong pakielam sa inyo kung malabo ang mga mata nyo, magpacheck up kayo. Pangatlo, sa protection squad ni Jinver na self proclaimed world wide handsome, world wide ka lang pala e, ako kahit neighbor planet, ako ang topic. Syempre alam ko yun, sinabi sa akin ni Theo. Hindi ko na sasabihin kung bakit naiintindihan nya mga nilalang duon.
  
Pang-apat, sa mga haters ko na hahanap ng puna sa book na ito? Hindi ko din kayo hiniling na tumambay dito kase pwede namang sa facebook kayo magmoment tutal naman, tambayan ng mga papansin 'yun. Wala akong gustong patamaan, ang matamaan ibig sabihin, hindi umilag.
   
Panghuli, tungkol saan nga ba ang libro na ito ng yummy namin na Papi?
  
Sa totoo lang, ginawa ko 'to para dito ilista ang mga umuutang sa akin para naman hindi ko makalimutan parang yung ex mo na matagal ng kinalimutan yung relasyon nyo-- ay, ilag ka.
   
Ang librong ito ay tungkol sa isang lalaki na pinagnanasahan at patuloy na pinag-aagawan ng karamihan.
  
Ako si Jon Johann at ito ang aking...
  
ay, wala nga palang akin.
  
Lalienne, ikaw, akin ka nga ba?
  
   
- - -

Hindi ko na papahabain pa ang paunang sulat dahil bawing bawi naman ako sa haba ng aking... pasensya.
  
Walang katuturan ang nilalaman ng librong 'to pero kung gusto mo tumawa sa mga walang kwentang bagay, ito ang ang gawin mo.
   
"buksan mo ang bintana at ilawit mo ang ulo mo. kung hindi kasya, sa pintuan na lamang. mas maganda kung front door nyo at tanaw na tanaw ka ng marami. matapos mo itong buksan at ilawit ang ulo mo duon, isara mo ito. maaaring ninyo akong ichat para inyong maikwento sa akin ang inyong naramdaman."
  
Scream 'Wadeng' three times before you continue to read. Wala akong pakielam kung mapagalitan at makonyatan ka ng nanay mo dahil kahit isumbong mo na ako ang nagsabi, ikaw pa din naman mababatukan ng isa pang beses.
   
-papi chulo hanz

WADENGWhere stories live. Discover now