Prologue

71.7K 1.2K 211
                                    

Taba. Baboy. Dambuhala. Balyena.

Iilan lang 'yan sa mga tawag sa akin ng mga kaklase ko.

Simula pagkabata ay medyo mas matimbang ako sa dapat na timbang lang ng mga babaeng kaedaran ko.

Hindi naman ako maingay o papansin kagaya ng ibang mga bata. Pero ewan ko ba, parati na lang ako tinutukso. Parati na lang ako yung nakikita.

Siguro dahil kahit naman anong gawin kong pagtatago o pananahimik, eh, kakambal pa rin ng pagiging mataba ang pagiging pansinin. Kahit sa malayo kitang kita agad ako. Di ka rin pwede magtago kasi kita ka pa rin.

May ibang tao lang talagang nahahanap nila sa pang-aasar o panlalait ng ibang tao ang ika-gaganda nila. Parang sa bawat masasakit na salitang lumalabas sa bibig nila, eh, mas lalo silang gumaganda o sume-sexy.

Noong una medyo masakit talaga ang makarinig ng mga panlalait mula sa mga taong hindi ka naman talaga kilala kung sino ka. Alam lang nilang mataba ka sa panlabas na itsura pero hindi nila alam kung anong meron sa 'yong kalooban. Habang tumatagal ay nasanay na ako. Nagiging parti na ng pagkatao ko ang salitang taba, baboy, dambuhala o balyena. 

Bumaba ng bumaba ang kumpiyansa ko sa sarili hanggang sa wala ng natira. Imbis na patunayan ko sa kanilang hindi lang ako 'yung babaeng mataba', eh, mas lalo ata akong kumain, ng kumain, ng kumain hanggang sa hindi ko na nabawi ang paglobo ng katawan ko. Kaya ito na ako ngayon.

Ako si Saab. Maaari mo rin akong tawaging taba, baboy, dambuhala o balyena. At ito ang kwento ko.

---


Copyright © 2015 MissAirhead

This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents either are the product of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual persons, living or dead, events or locales is entirely coincidental.

All rights reserved. This book or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the express written permission of the author except for the use of brief quotations in a book review.

Heavy BeautyWhere stories live. Discover now