Chapter 1

1K 20 6
                                    

Sky's POV

"ANO?!?! Bakit mo yun ginawa?!" sigaw ko sa best friend kong si Nicole.

"Eh naisip ko kasi na bagay ka na maging artista. Ano namang problema dun?" sagot niya.

"Alam mo namang ayaw ko mag artista eh, diba? Bakit mo naman sinabi yun sakanila? Hay nako naman." sabi ko sakanya. Ang init ng ulo ko, para na akong sasabog.

"Ganito kasi ang nangyare, nakita ko nalang na naghahanap sila ng bagong artista. Tapos nagtanong ako ang hanap daw nila babae. Eh dapat nga ako yung mag-a-audition kaso lang naalala ko na model pala ako." sagot ni Nicole. At oo, tama ang narinig niyo, may audition pa at pag nagustuhan ng judges, pipiliin ka. Pero kapag naman madami silang nagustuhan, edi mamimili nalang sila.

"Oh tapos? Ano yung nangyare pagkatapos mong maalala na model ka pala?" tanong ko. Oo, makulit talaga ako.

"Naalala ko ikaw tapos sabi ko sakanila na meron akong kaibigan na babae. Tapos tinanong nila kung maganda ba, sabi ko oo, tsaka sinabi ko rin na pang-model/artista yung ganda ng kaibigan ko. At ikaw yung sinabi ko sakanila." sagot niya saakin.

"Ako? Maganda? POGI KAYA AKO!" sigaw ko. Ayaw ko kasing nasasabihan ako ng maganda. Gusto ko sasabihan nila ako ng pogi. Hahahaha.

"Nako Sky, tigilan mo yang pagsasabi mo na pogi ka kasi maganda ka naman talaga eh." hay lagi nalang niya yan sinasabi saakin.

"Che! Bahala ka nga! Basta di ako pupunta dun bukas." sabi ko sakanya at oo pinapapunta nila ako dun bukas.

"Sky naman! Ineexpect na nila na pupunta ka dun bukas kasi sabi ko sakanila na sigurado na na pupunta ka bukas." sigaw niya saakin. Aba, nagagalit na rin ata etong si Nicole ah.

"Basta di talaga ko dun pupunta bukas." sabi ko sakanya pero inirapan niya lang ako.

"Alam ko na! Sasabihin ko nalang kay tita yung ginawa ko at sasabihin ko rin sakanya na ayaw mo pumunnta! Hahahaha!" tumawa siya at nanlaki yung mga mata ko. Kapag kasi tumawag siya kay mommy, kukulitin at kukulitin ako nun hanggang sa um-oo ako.

"Hoy Nicole! Makakatikim ka ng sapak ko kapag ginawa mo yun!" sigaw ko sakanya pero pagkatingin ko ay wala na siya sa sala. Hmm, nasan na kaya yung babaeng yun? AY NAKO! BAKA TINAWAGAN NA NIYA SI MOMMY!

"SKY! OH GUSTO KA DAW KAUSAPIN NI TITA!" hay sabi ko na nga ba na natawagan na niya eh. Mabilis gumalaw yung babaeng yun eh.

"ANAAAAAAK! PUMUNTA KA DUN BUKAS! HINDI PWEDE NA DI KA DUN PUPUNTA BUKAS KASI MALALAGOT KA SAAKIN!" sigaw ni mommy saakin sa telepono. Hay ang lakas talaga ng boses ni mommy tsaka gusto niya talaga na mag artista ako or kaya model daw.

"Mommy naman, ayaw ko eh." sabi ko sakanya. Sana naman na wag na niya akong pilitin.

"Sky, anak, pumunta ka dun bukas at pag napili ka kailangan mong um-oo." nagmamakaawa siya saakin. Love ko mommy ko kaya di ko siya matitiis.

"Hay sige na nga. Gusto niyo yan eh. Pero pag di ko nagustuhan, aayaw ako ha." sabi ko.

"Wag ka umayaw, kailangan mong um-oo." sabi ni mommy.

"Oo na nga po!" sigaw ko. Hay nako di ko talaga matitiis mommy ko kasi mahal na mahal at miss na miss ko na siya. Wala kasi siya dito sa Pilipinas. Nasa ibang bansa kasi siya eh.

"YEHEY!" sigaw nanaman niya. Ang saya saya ng boses niya, hahahaha. Natutuwa na din ako pag masaya siya.

"Oh sige na mommy baka may gagawin ka pa dyan. Bye na!" sabi ko.

"Oo eh madami pa talaga. Bye! I love you and I miss you!" sabi niya.

"I love you too and miss you too!" sagot ko at pagkatapos nun, binaba ko na.

Pero sa tingin ko na masaya siguro maging artista.

Hay matutulog nga muna ko kasi pagod rin ako eh.

Hello! Sana nagustuhan niyo yung first chapter. Sorry kung maiksi siya pero hahaba rin yan soon!

Tsaka oo, wala pa yung Gimme 5 sa first chapter, syempre.

Hindi artista yung pinili ko na gumanap kay Sky. Basta idedescribe ko nalang siya.

Vote and comment po sana kayo! Thank you po sa pagbasa! Love ko kayo! Hahahaha!

Okay, bye na. Kita-kita nalang ulit tayo sa next chapter!

Tsaka follow niyo naman ako sa twitter and instagram :)

Twitter • @elitetahtah

Instagramelitareina

Bye na talaga! Hahahaha sige love ko kayo!

- ElitaReyes -

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 17, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

His Dream Girl (Joaquin Reyes/Gimme 5)Where stories live. Discover now