1. # 1 crush..

12.3K 141 6
                                    

Rain

"Ouch..ano ba?!Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!Ang tanga tanga mo!" Sabay duro ko sa kaniyang noo.

"Sorry,ms.Rain..hindi ko po sinasadya.Kasi po nag--

"I don't care,okay!Next time used your head,para naman mabawas bawasan ang mga tanga!" sabay kumpas ko sa aking daliri at umalis sa harap niya habang nakasunod ang aking mga alipores.

"Hayaan mo na'yon,Rain.Hindi naman kasi sinasadya eh.Malay mo may pinagtataguan iyon kaya nabunggo ka niya."mahinahon na paliwanag sa akin ni Therese.

"Are you on her side,Therese?I don't care kung anong reason niya.Just don't mention her again." Masungit kong sagot sa kaniya.

"Alright,saan tayo ngayon?wala na rin naman tayong pasok?" Tanong niya sa akin.

"I just wanna go home,sinong gustong sumama?" Anyaya ko sa kanila.

Sumama naman agad ang mga alipores este mga kaibigan ko.Kasi naman walang practice ang kambal ko,so malamang nasa bahay na iyon.Siguradong magtititili na naman itong mga 'to pag nakita nila si Sky.

Pagdating nang bahay sobrang ingay na nilang lahat.Saktong nasa likod si Sky at naliligo sa pool.Halata talagang may crush sila sa kambal ko,hay naku girls..

Iniwan ko na sila sa baba at umakyat muna ako para magpalit nang damit. Saktong dumating na si mom galing sa office,si dad naman ay nasa Cebu sa bagong open na resort namin doon.That is supposed to be the second branch na ipinapatayo nang parents ko sa Cebu.

"Rain,wala na ba kayong pasok?Nagulat ako at ang ingay sa baba,ang mga kaibigan mu nagtutulakan pa papunta sa pool.Anduon ba si Sky?" Tanong ni mom sa akin after she kiss my cheeks.

"Hi mom." Sabay halik sa kaniya."Alam niyo namang matinik sa chicks si Sky,lahat yata nang mga batchmates ko no.1 crush ang aking kambal."paliwanag ko kay mom.

"I know,i know..Kaso nga lang may girlfriend na si Sky diba?"

"Yes,mom.But i trust Sky,alam kong hindi niya papatulan ang mga kaibigan ko,he just want to make friends with them." Paliwanag ko kay mom.Tumango naman ito at umakyat na sa itaas.

Ako naman ay diretso na sa likod at tinulungan si yaya jelai na mag serve nang meryenda namin.

"Guys,meryenda!Nagsilapitan naman agad sa akin ang mga friends kung nagulat pa ako at puro na naka bikini lahat.

"Wow!hindi naman kayo ready talagang magpunta dito!Pareho pa kayong naka two piece lahat ah!" Kantiyaw ko sa kanila.Humagikhik naman halos lahat.

Sa lahat sa kanilang anim.Si Therese ang alam kong may malalim na paghanga talaga kay Sky.Ngunit hindi man lang nito pinapansin si Sky,mula pa kanina.I wonder kong ano ang nangyari kanina nang nasa itaas ako.

"Ahmm..pwedeng mauna na ako,Rain?" Paalam ni Therese sa akin.

"Ha,ah-eh..are you sure?" Takang tanong ko sa kaniya.

"Yes,may emergency lang,Rain.Next time nalang ako ulit sasali sa paliligo niyo dito." At tuluyan na siyang nagpaalam,hinatid naman ito ni yaya ngunit hindi pa ako nakakaupo nang umahon si Sky at kumuha nang tuwalya habang nakasunod ang kaniyang tingin sa papalayong bulto ni Therese.

"Is there something wrong,Sky?Bakit mo tinitingnan nang ganiyan ang kaibigan ko?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala,....masarap pala siyang humalik." Seryoso pa niyang sabi na ikinagulat ko naman.

"What did you say?!Don't include Therese as one of your flings,kundi mag aaway tayo..not my friend,Sky!" Sigaw ko sa kaniya habang paakyat siya nang hagdanan.

Angelic Bitch☑️ (Book2 Of CBTM) -completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon