Higit Pa Sa Buhay Ko (One-shot)

601 24 20
                                    

Dedicated kay Dobichen. Bakit siya? Kase ewan. Sobrang ganda ng mga stories niya. Super! Sana magustuhan mo! Trying hard ho ko, ha? Tina-try kong mag seryoso dito sa istoryang 'to kaya pag pasensyahan niyo na. Ayown lamangs.

~~x

Naalala ko pa nung mag kasama pa tayo. Nung magkasama tayong masaya at walang pag hihirap. 'Yung magkasama tayong hindi nag-aaway sa isang maliit na bagay. Nung mag kasama pa tayo na hindi magagawa ng iba. Perpekto. 'Yan daw ang tawag satin.

Naalala ko tuloy nung unang nag kahawakan tayo ng mga kamay sa gitna ng kalsada nung gabing hinatid natin ang kaibigan natin sa bahay nila at tayong dalawa lang ang natira. Nung una mong hinawakan ang kamay ko, nung una kong naramdaman kung gano ka-kinis ang kamay mo. Hindi mo alam kung gano ako kinikilig 'nun. Di mo alam kung gano na kamula ang pisnging dati mo'ng pinipisil.

Naalala ko nung una kong naramdaman na dumapi ang labi mo sakin. Sabi mo, may respeto ka sa mga babae, naniwala ako. Pero hindi nga ako nag kamali, may respeto ka nga sa pag halik sakin. Hindi mabilis, hindi rin mabagal. Tama lang. Pasyoneyt kung tawagin nila. Nakuha mo ang first kiss ko 'nun, at sinabi mo rin sakin na first kiss mo rin ako. Kinilig naman ako ng ngusto dahil ang first boyfriend ko, first kiss ko na, first kiss pa 'ko. Hindi nga ako nagkamaling minahal na kita ng ngusto.

Na-adik ako sayo simula nung maging tayo. Palagi na kitang binabanggit. Kapag may sinasabi 'yung mga kaibigan ko tungkol sa'yo na di ko nagustuhan, pinag sasabihan ko sila. Tanggap kita kahit di ka man perpekto. Ganyan kita kamahal. Na-adik din ako sa'yo dahil napaka bait mo, understanding, may respeto sa babae, at saka di mo 'ko iniiwan lang na nakanganga sa ere. Guwapo ka rin at marami ring nag kakagusto sa'yo, pero ako parin ang pinili mo.

Naalala ko tuloy nung, mag-kaibigan palang tayo. Walang pansinan, walang kibuan, walang pakielamanan, may sariling buhay, parang di mag-kaklase, parang di kilala, at parang di natin alam na nag e-exsist pala ang isa't isa. Tumitingin ka din naman siyempre, kinakausap mo din ako minsan, pero kapag hi-hingi ka lang ng papel o hi-hiram ng ballpen. Kaya, di ko talaga inexpect na ikaw ang mamahalin ko ng ngusto.

Naalala ko rin nung crush na kita dahil sa isang pangyayari. Naging close tayo dahil sa isang party. Party ng isang kaibigan. Pumunta ako, pumunta ka rin. Umupo ako sa tabi mo, pero.. Wala parin tayong pake sa isa't isa. Hanggang sa mapigtas ang kwintas na suot ko at saka ito nahulog malapit sa'yo. Binigay mo sakin, at di ko rin alam kung bakit ako napatawa at napasabi ng "salamat". First time ko mag-sabi ng 'salamat' sa tao dahil mas sanay ako ng "thank you". Ewan ko pero, parang ikaw na ata ang pangalawa ko nasabihan 'nun. Una kase ang pamilya ko.

Simula 'nun, naging close tayo. Simula 'nun, naging madaldal ako sayo. Simula 'nun, natuwa akong kasama kita. Masaya ka namang kasama, eh. Pero.. hindi ko manlang napigilan na mainlove ako sa'yo.

Ilang linggo ang nakalipas, bumalik tayo sa dati. Walang pakielamanan, hindi nag papansinan, parang hindi magkaklase. Di ko alam kung bakit. Pero, nag aalala ako na baka wala kang pake sa mga nangyare satin nung gabing 'yun.

Nagustuhan kita 'nun, nagustuhan kita dahil mabait ka. Nakakainlove ang dating mo lalo't nang guwapo ka pa. Marunong ka pa mag gitara. Malakas ang apeal mo, kumbaga. Sinabi ko sa kaibigan ko na, may gusto ako sa'yo 'nun. Katext ko siya 'nun at parang di ko mapigilang ma-excite sa mga reply niya na bawat letrang i-sulat niya ay may 'ayie' sa unahan o dulo ng mga ito. Tinitignan ko 'to mabuti, babasahin ng paulit-ulit, at saka na ko kikiligin ng sobra. Ewan ko, parati na 'kong kinikilig kapag naririnig 'ko ang pangalan mo. Crush na kita 'nun. Di kita maalis sa isip ko. Pagka gising ko sa umaga, ikaw ang unang lumalabas sa utak ko imbis na isipin ko ay ang kumain, maligo, at pumasok na ng paaralan. Pag katulog ko, ikaw ang unang tumatakbo sa isip ko imbis na assignment, project, o mga group activities. Di ko lang talaga mapigilan. Nakakainis lang, di kita maalis sa tumatakbo kong isip.

Higit Pa Sa Buhay Ko (One-shot)Where stories live. Discover now