DESK

55 42 6
                                    

I'm Hera. Graduating na ako at running for Valedictorian. Ang pinoproblema ko lang ay si Argus na mahigpit kong kalaban. Ang masaklap lang kasi ay isa siya siyang Math genius samantalang ako ay dikdikan ang kailangan kong pag re-review para lang magkaroon ng mataas na scores sa mga quizzes and exams.

Okay lang naman sana eh kung hindi lang niya ako palagi natataasan sa Math. Hindi kami classmates. Nasa Class A ako not because I'm smart. Naka-alphabetical order ang bawat sections dito. In short, Dahil Abad ang surname ko, Ako ang pinaka-una sa lahat ng students dito eversince nag highschool ako. Iyon ang gusto ng president para daw walang descrimination sa pagitan ng mga students at para ma-push at mamotivate ang iba.

[Hi]

Natawa naman ako ng bahagya dahil may nagsulat nito sa desk ko. Actually ngayon ko lang to nabasa kasi hindi naman ako mahilig mag vandal.

Pero sa curious ko at dahil ga-graduate na rin naman ako kaya naisipan kong magreply.

-Hi din

Sana lang magreply siya para kahit bago ko man lang iwan ang school na 'to ay magkaroon ako ng kaibigan. Puro studies ang pinagkakabalahan ko dahil ayaw kong maipadala sa states. Kapag bumagsak ako sa pagiging Valedictorian ay sila ang magdedesisyon para sa akin.

Nakakastress lang.

'Haaaaaay'

KINABUKASAN

Kukunin ko na sana ang notebook ko sa Math dahil nagpa-assignment ang teacher namin kahapon kaya lang sa kasamaang palad ay naiwan ko ang notebook ko. Badtrip! Naghahapit pa naman ako. Tsk.

Dahil doon nasira ang umaga ko kaya nang magbreak ay nagpasya akong magpaiwan na lang sa room.

Sinubsob ko ang mukha ko sa desk ko at bigla kong naalala yung kahapon.

'Nagreply kaya siya?'

Nang tinignan ko ang desk ko ay laking gulat ko na makitang may reply siya at masasabi kong maganda ang kanyang handwriting.

[Akala ko hindi mo na mapapansin 'to.]

Napangiti ako.

-Actually akala ko rin. Hi anong name mo? Babae ka siguro noh?

Nakakatuwa naman mukhang may magiging kaibigan ako dito. Tuloy nagkaroon ng excitement ang bawat pagpasok ko.

KINABUKASAN

"Bring out your worksheets and answer page143 activity1.2"

'Teka, Ano to? Ba't parang hindi ko na review to?'

Sinagutan ko ng may buong puso at isip. Itinodo ko na kaya lang out of 10, 5 lang ang score ko. Tama lahat kaso lang wala akong solution. Hindi ko nilagay kasi hindi ko sinunod yung tamang formula eh. Limot ko kasi. Sayang naman.

[Lalake ako. Paano mo naman nasabing babae ako?]

- Handwriting pa lang po. Kilala mo ba ako? If not, I'm

Sabihin ko ba? Wala naman sigurong masama.

- I'm Hera

Breaktime kasi namin ulit. Nalilibang ako sa ginagawa namin ng bago kong kaibigan. Masaya ako dahil may bago akong nakilala. Gusto ko kasi madagdagan man lang ang iilan kong kaibigan bago ako makagraduate.

Dumaan pa ang mga araw na paulit-ulit ang nangyayari hanggang sa nalaman ko na mahilig daw siya sa math. Sakto. But still, hindi ko pa din siya kilala.

Sinubukan kong pasagutin siya ng mga Math problems at laking gulat ko na isang problem pa lang ay napakaraming formulas na ang kaniyang ginagamit.

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Aug 16, 2023 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

Desk(Class A Stories #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ