Ako na lang Ulit

659 27 9
                                    

“So this is me swallowing my pride

Standing in front of you

Saying “I’m sorry” for that night and I go

Back to December all the time

It turns out freedom ain’t

Nothing but missing you

Wishing I’d realized what I had when you were mine

I’d go ba—“

“Peste naman ‘tong kantang ‘to!” hinagis ko yung earphones ko pati cellphone ko sa kama atsaka ako napatingin sa wallpaper ng netbook ko. Tumulo na lang bigla yung mga luhang akala ko naubos ko na pero parang Nestea, bottomless ata. Itinuloy ko yung kanta habang hinahayaang tumulo yung mga luha, pawis at sipon ko.

“Waaahuhuhu! I-I miss your tan…s-skin, y-your sweet…smile so goo-good to me so riiiiiiiiiiight.” I sobbed.”so…right.”

Napatakip ako sa mukha ko.

“Rei, miss na miss na kita.” parang tanga kong kinausap yung screen with matching pagtrace pa sa ngiti niya.

“Hoy Adrielle! Pagbuksan mo ako.” mula sa glass door ng kwarto ko, kumatok ang bestfriend ko na si Dara.

Pinunasan ko muna yung mukha ko gamit yung laylayan ng damit ko bago ko siya pinagbuksan. Gawain niya yan eh, may pinto naman kami pero inaakyat niya pa yung terrace ng kwarto ko para makapasok buti na lang at hindi yun ganoon ka-taas.

“Ahh!” sigaw niya na parang nakakita ng multo.”Anong nangyari sa mukha mo?”

“Wala! Nanuod lang ako ng A Walk to Remember.” palusot ko. Sinara ko yung glass door, pagharap ko nakaharap na siya sa netbook ko.

“Ahh, kaya pala picture niyo ni Andrei ang nandito.”

“Dara!” hinablot ko sa kanya yun atsaka sinara.

“Adrielle, it’s been 3 months.” panimulang sermon niya sa’kin habang sinusuklay ng kamay niya yung bago niyang rebonded na buhok.”Si Andrei naka-move on na, may girlfriend na siya. Oh ikaw?”

“Andito pa din.” sagot ko.”Same spot.”

Wala naman akong choice kung hindi magsabi sa kanya. Una dahil bestfriend ko siya at pangalawa siya si Dara, walang makakalusot sa kanya.

“Same spot? Baka nakakalimutan mo ikaw ang umalis, ikaw ang nang-iwan.”

“Oh yes, thankyou sa pagpapa-alala ng katangahan ko.”

Tumawa siya, mapang-asar na tawa.”You’re always welcome dear.”

“Pero hindi naman ibig sabihin nun hindi na ako pwedeng masaktan.”

“Go on, masaktan ka lang. Bawi man lang sa naramdaman niya nung iniwanan mo siya. Kalalaking tao nun pero dinaig pa yung iyaking bata sa kanto.”

“Kanino ka ba talaga bestfriend? Kay Rei?” tinaasan ko siya ng kilay. Ganito ata talaga ang tunay na kaibigan.

“Syempre sa’yo!”

“Oh, really now.”umirap ako.”Ano bang ginagawa mo dito?”

“Kung makapangwestyon ka dyaan para bang nagpupunta lang ako dito kapag may kaylangan ako!” pumameywang pa siya.

“Aba, hindi ba?”

Yeah, 3 months na pero heto ko anlakas maka Basha. Rei, ako na lang ako na lang ulit! Kung pwede ko lang sanang ibalik ang panahon hindi ako aalis doon, hindi ko siya iiwan.

Ako na lang UlitМесто, где живут истории. Откройте их для себя