better or worse

674 15 6
                                    

"Boooooo! Hahahah!!! Ang t*nga naman nito!" Sumisigaw na ako dito sa computer shop! Grabe kung minamalas nga naman kasi bakit natatalo ako dito sa dota! Nawala na yata yung super powers ko huhu! Di na tumatablab ang hiyaw ko dito! Kaloka!

Patuloy ako sa pagsigaw at pagmura dito hanggang.....

*Pssst!*

*Psssttttt!!!!*

Sino ba yun?!
Lumingon ako sa kaliwa. Nagdodota din naman Yung lalaking to, baka hindi siya. Lumingon ako sa kanan tinanggal ko yung headphone na suot pagharap ko.

"Omo?!" (O_O)

Nanlaki mata ko, bakit ang gwapo nitong lalaking ito? (0.o)

"Miss, hindi ka ba titigil kakahiyaw at kakamura diyan"

Napakurap kurap ako. O.O -.- O.O

"Miss? Nakikinig ka ba?" Nagulat ako nang ikaway niya yung kamay niya. Napalunok ako, I cleared my throat. Yucckkk? Hindi siya guwapo! What the F!? Ano ba tong pinag iisip ko?

"Ahh, heheh..O-Oo nakikinig ako pasensya na pala". Pagkasabi ko noon, diretso ko shinut down yung computer na gamit ko. Sabay tayo! Walang sabi sabi kong tinarayan yung lalaki. Aba't di nagpatinag ang Loko! At talagang nag smirk pa!? What the F!? Hihilahin ko na sana ung pinto ng sumigaw yung nagbabantay ng computer units,

"Ate, di ka pa nakakabayad!" Lahat ng tao sa computer shop napatingin sa akin. Jusko kahihiyan! Dahil sa gwapo na yun nakalimutan ko magbayad hala!

"Ahhh.. heheh pasensya na po nakalimutan ko lang saglit ". Tumawa na lang ako sabay kamot sa ulo para iwas pahiya.hindi ko naman talaga tatakbuhan yan noh? Duh!

Dumaan ako sa tapat ng lalaking nakatabi ko kanina, nakaharap siya sa unit niya ng biglang nagsalita,"Naku naman, tsk tsk! Nakakita lang ng gwapo, nawala na sa sarili! Hahha" aba't! Sinong pinariringgan nitong hinayupak na ito? Tumingin ako sa mga katabi niya.. wala naman ahh? Ako ba!? Aba! Uupakan ko talaga to!

Kinalabit ko siya at pagharap niya pinameywangan ko siya with matching taas ng isang kilay(~.^)

"Whats your problem?" Saad ko sa kanya at ang talim ng titig ko.

"I dont have problem on you, kita mong ang dami dami ko pang nireresearch im doing my research so pwede ba wag ka manggulo dito" aba!? Ang lakas niya magsabi ah! Peste siya!

Nagwalk out ako at nagbayad na, akmang babayadan ko na ang oras ko nang sabihin ng bantay na Ok na may nagbayad na..

"Huh? Sino pong nagbayad?" Tanong ko habang nakakunot ang noo . Lumingon siya sa likod ko at tinuro, napalingon ako sa likod at ilang inch na lang mahahalikan ko na itong mokong na ito. Sino ba kasi ito!?

"Wala bang thank you diyan?" Ngumiti siya sa akin ng pagka tamis tamis. Aba? Ang gwapo eh! Shocks! Erase erase! Di maaari ito!?

"Thank you, pero di mo kailangan gawin yon may pambayad naman ako. Sadyang nakalimutan ko lang" sabi ko sa kanya.

"Sige, mauna na ako" lumabas na ako sa computer shop at mag aabang na ng tricycle. Napadaan lang naman ako dito eh tyaka tapos na ang klase ko, nagrerefresh na lang ako.

Biglang lumabas sa computer shop ung lalaking nagbayad sa oras na nacomsume ko.lumapit siya sa akin at ngumiti, "sinong hinihintay mo dito?" Tanong niya sa akin. Wow? Feeling close na?!

"Ahhh nag aabang ako ng tricycle na masasakyan" hindi ko siya tiningnan habang sinasabi ko yan. Mamaya rapist pala to at mahypnotize ako pag tinitigan niya ako. Duh?

Lilipat sana ako ng mapag aantayan ang kaso, bigla siyang nagsalita hatid na kita saan ba ang sa inyo?" Tanong niya sa akin. Waaahhh? Rapist to! Modus to ng mga rapist eh!

"Kung ano man ang iniisip mo, wala sa bokabularyo ko yan. Gawain lang ng hindi matino yan" litanya niya. Mukha namang mapagkakatiwalaan eh.. ano sa tingin niyo?

"Hmmmm, di ka naman rapist?" Tanong ko sa kanya. Mabuti ng nakakasiguro nuh?! Duh!? Natawa siya sa tanong ko, may mali ba?

"Hahahah! Are you crazy?! Hahaha! Im not like them. Hindi ako nananamantala ng kahinaan ng babae, at tiyaka college student ako taking up Nursing. Wala akong bad record ni isa hahah! Insane!" So nagmukha akong t*nga sa tanong ko? Masama bang manigurado? . Di na lang ako umimik habang tawa siya ng tawa.

"By the way, my name is Lux Niccolo forteza" nilahad niya ang kamay niya at ngumiti na akala mo nanalo sa lotto.

"My name is Imee Martin". Kinamayan ko siya. Baka sabihing snob ako.

"Nice meeting you" sabi ni Lux.

Hindi naalis ang tingin ko sa kanya at ganoon din siya. Parang may kuryente na dumaloy sa kamay ko papunta sa katawan ko. My gosh! Siya yata si kuryente king!?

Ilang segundo din kaming nagkatitigan at ako na mismo ang humiwalay.

Pumayag na din ako na magpahatid sa kanya. Ang dami niyang kinuwento sa akin, about sa family niya. Sa kaibigan niya sa pag aaral niya at kung ano ano pa. Di naman pala siya masungit or whatsoever na iniisip ko. Pero ang ka gwapuhan hindi talaga maaalis sa kanya yun. Hindi tuloy ako makatulog ng maayos dito.. hayss.. nag open na lang ako ng facebook, may nag pop na notification "Lux Niccolo Valiente Forteza sent you a friend request" napanganga ako. Huwaatt? Inaccept ko na lang ito. I scroll my timeline. Nag thank you siya,Napangiti na lang ako. Gising pa rin pala siya, i decided to chat him..

I type. "Hi✋"

"hello imee😊"

" gising ka pa?"

"i cant sleep Imee"

"Ahhh ganon ba? . Sige pala tulog na ako maaga pa ako bukas. Goodnight lux😊"

"Ahhhmmm.. Imee, i have to say something" he sent.

"Bukas mo na lang sabihin lux. Magkikita pa tayo bukas😊"

"Ok goodnight Imee" he replied .

Ang Babaeng Dota Player(One-shot)Where stories live. Discover now