The Lost Girl (One Shot Story)

22 1 5
                                    

"Hey, watch out! Timingin ka naman sa dinaraanan mo Miss!"

"Hey, Mister!Kasalanan mo din naman. Kung tumingin ka rin sa dinaraanan mo hindi sana tayo magkakabungguan.Hmmp!"

"So, ako pa talaga ang may kasalanan ngayon? Ha, miss sungit? Ako na nga 'tong natapunan ng ice cream ako pang may kasalanan? Iba ka rin ah!"

"Okay fine! Magkano ba iyang T-shirt mo? Babayaran ko na lang para matapos na!"

"Miss mukha ba akong pera? Hindi ko kailangan ng pera mo! Ang gusto ko, mag sorry ka. Mahirap bang gawin iyon?"

"Why should I? In the first place tayong dalawa ang may kasalanan. Quits lang tayo noh! Dyan ka na nga!"

"Ibang klaseng babae! Hayst."

"Talaga! Ibang iba ako. Kasi ako UNIQUE PERIOD!"

Hon, naalala mo pa ba noong unang magkatagpo ang ating mga landas? Batid kong hindi talaga naging maganda ang ating unang pagkikita. Pasensya ka na, ha? Nasungitan kita noong araw na iyon. Galit na galit kasi ako noong araw na iyon kung kaya't sa iyo ko lahat naibunton. Maniwala ka, Hon kahit na nasungitan kita noong araw na iyon nagmarka ka pa rin sa puso't isipan ko. Para nga akong nakuryente noong time na iyon.

Laging imahe mo ang lumalabas sa tuwing pinipikit ko ang aking mga mata. Hindi ka na maalis sa sistema ko. Hindi pa man kita kilala noong time na iyon, alam ko sa sarili ko na na love at first sight ako sa'yo. Sino ba namang hindi? Eh ang guwapo guwapo mo kaya Hon. Halos lahat nga siguro ng babaeng ngitian mo, baka mangisay na sa kilig eh. Pero Hon, naaalala mo rin ba noong magkrus ulit ang ating landas?

"Kumpadre! Nasaan na iyong inaanak ko? Tawagin mo naman kumpadre nang maipakilala ko siya rito sa aking napakagandang anak. Haha"

"Oo naman kumpadre! Saglit lamang at tatawagin ko siya. Iho, halika muna dito sandali. May ipapakilala ako sa'yo."

"IKAW NA NAMAN?! / MISS SUNGIT?!"

"Anak, magkakilala na kayo?  Siya ang nag-iisang babaeng anak ng ninong mo. Kakauwi niya lang galing States kaya't ngayon mo lang siya nakita"

Hindi ko rin inaasahan na sa Party na iyon kita ulit makikita. Small world ika nga. Akala mo siguro Hon hindi ko napapansin ang pasulyap sulyap mo sakin noong Party na iyon noh? Aaminin ko Hon, kinikilig ako nung time na iyon.Makita mo ba naman ang isang napakagwapong lalaki na sinusulyapan ka, sinong hindi kikiligin dun? Assuming na kung assuming pero iyon ang napansin ko. Noong party na rin na iyon nalaman ko ang buong pangalan mo. CION NATHAN LOZAINE. Lozaine? Mukhang bagay sa pangalan ko FIORGHARA CLEMENTE BLANDIER. Hmm?Ano sa tingin mo Hon? Tapos isang araw may nag text sakin.

From:0906********

Hey Ms Sungit! May utang ka pa sa'kin! Humanda ka, sisingilin kita ng malaki!

To: 0906********
Who u?

From: 0906********
Di mo na ako kilala agad? Naman Ms Sungit masyado ka nang makakalimutin.

To:0906********
Duh! Unregistered number kaya. So, I have all the rights to ask who you are and for the record I don't really know you!

From: 0906******
Si Cion 'to. Remember last night? Ako iyong inaanak ng Daddy mo.

To:0906******
So? What do you want? And where the hell did you get my number?

From: 0906****
Pinapaalala ko lang, may kasalanan ka pa sakin. Anyways, nakuha ko ang number mo sa Daddy mo.

To:0906******
Di ka pa rin nakakamoved on dun? Hayst.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 06, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Lost GirlWhere stories live. Discover now