The FAMILY (One Shot Story)

30 0 0
                                    

Sa isang village may misteryosong pamilya ang naninirahan doon. Sila ang pamilyang Hemmings. Sila ang pamilyang uunahin muna ang pamilya kaysa sa iba. Sila ang uri ng pamilya na hindi mabubuhay at matanggap kung may mawala o mamatay man sa kanila. Sila din ang pamilya na gagawin ang lahat kahit kapalit ang buhay ng ibang tao basta lang makamit nila ang kanilang hinahangad. Ito ay sina Todd Hemmings ang ama ng pamilya, Trixie Hemmings ang asawa ni Todd, Travis Hemmings ang panganay na anak nina Todd at Trixie, at Taylor Hemmings ang bunsong anak na babae ng mag asawa.

Masaya silang naninirahan doon sa village hangga't sa lumaki sina Travis at Taylor. Ngunit sa kanilang paninirahan, hindi alam ni Taylor na may malubha na palang sakit ang kanyang ina at malapit ng bawian ng buhay. Tanging ang nakakaalam lang ay sina Todd at Travis. 

Sa pagkalipas ng ilang araw, tuluyan na talagang binawian ng buhay ang kanilang ina na si Trixie. Habang si Taylor ay namasyal sa luneta kasama ang kanyang boyfriend na si Aaron maya-maya'y nakatanggap siya ng tawag galing sa kanyang kuya na si Travis. Sa una palang hindi naniwala si Taylor sa kanyang nalaman na balita galing sa kanyang kuya dahil akala niya ipina prank lang siya ng kanyang kapatid, hanggang sa kinuha na ni Todd ang telepono at kinausap si Taylor sa kabilang linya tungkol sa masamang balita. Dali-daling umuwi si Taylor sa kanila dahil sa kanyang pangamba. Pagkarating ni Taylor sa kanilang bahay, biglang bumuhos ang kaniyang pag iyak sa nakitang patay na katawan ng kanyang ina. Patuloy pa rin ang pag iyak ni Taylor at ng kanyang kuya Travis. Hindi matanggap ng dalawang anak ni Todd ang pagkamatay ng kanilang ina at kanyang asawa. Habang si Taylor ay patuloy pa rin sa pag iyak, kina usap muna ni Todd ang kanyang panganay na anak na si Travis. Napagdesisyunan nila na kausapin si Taylor tungkol sa kanilang naplanuhan na plano. Kina usap nila si Taylor tungkol sa plano ngunit tumanggi o tumutol ito sa napagdesisyunan na plano ng kanyang kuya at ama.

Pagka umaga, sabay na pumasok ng paaralan sina Travis at Taylor, hindi maiwasan ni Travis na kausapin ang kanyang kapatid tungkol sa planong gagawin nila maibalik lang ang kanilang ina, ngunit hindi lang ito pinansin ni Taylor. Sa pagkarating nila sa paaralan sinalubong ni Aaron si Taylor at sabay ng pumasok sa silid aralan. Napansin ni Aaron na malungkot at may malalim na iniisip ang kanyang girlfriend kaya kina usap at tinanong niya ito. Nang nasa classroom na sila, hindi parin mawala sa isip ni Taylor ang plano ng kanyang kuya at ama, at sobrang namimiss na rin niya talaga ang kaniyang ina. Namimiss niya lahat ng masasayang pangyayari kasama ang kanyang ina. Kaya napagdesisyunan ni Taylor na tawagan ang kanyang ama at sumang ayon na ito sa planong gagawin nila. Ito ang plano na ihalad o patayin ang kanyang boyfriend bilang kapalit sa buhay ng kanyang ina at para mabuhay muli ito gamit ang isang ritual. Sa sumusunod na araw, napagdesisyunan ng mag pamilya na gawin na nila ang plano kaya tinawagan ni Taylor si Aaron at pinapunta ito sa kanilang bahay dahil gusto niyang makipag usap at walang tao raw sa bahay. Ngunit hindi alam ni Aaron na nagsinungaling lang pala ang kanyang girlfriend na siya lang mag isa sa kanilang bahay. Hindi niya rin alam na nandoon rin pala ang ama at kuya ni Taylor.

Habang naghintay si Aaron sa sofa nila Taylor, ginawa na ni Taylor ang plano kumuha siya ng isang baso ng orange juice at nilagyan ito ng pangpahilo at ibinigay ito sa kanyang boyfriend. Nang nainom na ito ni Aaron biglang bumagsak ito sa sahig ng walang minuto lamang. Sa pagka bagsak ni Aaron dali-daling lumabas sina Todd at Travis at binalot si Aaron ng kumot. Isa-isang nilabas nina Travis at Todd ang dalawang na kabalot na katawan nina Trixie at Aaron sa hating-gabi na. Sa pagkalabas nila sa kanilang bahay, may dalawang police ang nakakita sa mga ibinitbit nila dahil nagbabantay ito sa village na kanilang tinirahan. Ginamitan sila ng pito(whistle) ng mga pulis at nagsimulang tanungin sila kung ano ang kanilang dala at sumagot naman si Todd ng walang pag alinlangan, pagkatapos niya sumagot biglang tumango nalang ang mga police sa kanyang sagot at hinayaan nalang makaalis.

Nang nakarating na sila sa abandonadong bahay at doon na sinimulan ang ritual. Habang busy sila sa mga gamit na gagawin para sa ritual biglang bumangon si Aaron at halatang hilong-hilo pa ito dahil sa juice na pinainom sa kanya, ng may nakita itong martilyo bigla niya itong kinuha at aaksiyonan na sana ihampas ito kay Travis na nakatalikod sa kanya ngunit biglang kinuha ni Taylor ang chainsaw at inihampas ito sa likod ni Aaron at tuluyan ng namatay si Aaron dahil sa ginawa ni Taylor. Nagawa iyong ni Taylor dahil ayaw na naman niya mawalan muli ng isang miyembro ng kanilang pamilya. Nang nakahandusay na ang katawan ni Aaron, kinuha nila ito at inilagay sa altar at sinimulan na nag ritual. Hindi alam ng mag anak na may nakakita pala sa kanilang ginawa, ito ay isang matandang lalaki. Sinubukan tawagan ng matandang lalaki ang ang mga police at ikinuwento ang mga pangyayari. Ngunit sa paglingon muli ng matandang lalaki sa abandonadong bahay biglang sinalubong  ng chainsaw ang kanyang katawan ng pamilyang Hemmings.

At sa pagkarating ng mga police doon sa lugar kung saan na ikuwento ng matandang lalaki, hindi na naabutan ng mga police ang pamilya doon, ang tanging naabutan lang nila ay ang dalawang patay na katawan nina Aaron at ng matandang lalaki.

Pagkalipas ng ilang buwan, ang pamilyang Hemmings ay muling na kompleto, nabuhay muli ang ina nila Travis at Taylor at asawa ni Todd na si Trixie gamit ang isang ritual. At lumipat sila ng tirahan sa ibang lugar at ipinagpatuloy parin nila ang kanilang gawain. Ang maghalad ng katawan ng ibang tao bilang kapalit kung may mawala muli sa kanilang pamilya. Ito ang pamilyang Hemmings. 

The Family(Short Story)Where stories live. Discover now