Chapter 1

10 3 3
                                    

135 years ago.


"Kira! " narinig ko ang aking Panginoon sa pagtawag niya sa aking pangalan. Hindi ko lubos maintindihan kung ano ang ikinalulungkot niya. Lumapit ako sa kanya at kinompronta.

"Ano iyon aking mahal na Panginoon? " ngunit bakas sa kanyang mukha ang pagdadalamhati .
"Ikaw ang tinatahasan kong pumunta sa mundo ng mga tao. Iligtas mo ang kaisa-isang anak ni Barach. Ilayo mo siya sa kanyang ama. Pakiusap, huwag mo akong biguin aking anak. "
"Pero Panginoon, minsan kanang binigo ni Barach. Nagmahal siya ng isang kalaban, minahal niya si Zeparo! " pagpapaliwanag ko kay Panginoon.
"Simula paman ay alam ko na ang mangyayari. Gaano man kalaki ang kasalanan ni Barach at Zeparo sa akin, nangingibabaw parin ang pagmamahal ko sa kanila. Bilang tanda ng aking pagmamahal sa kanila, gagawin ko ang lahat mapabuti lamang ang kalagayan ng kanilang nag-iisang anak. Kaya hangga't maaga pa Kira, ilayo mo ang anak ni Barach kay Zeparo. Bago paman mabigyan ng biyayang itim ni Zeparo ang kanilang anak, kailangang nangunguna ang basbas ni Barach sa bata. Bilisan mo habang nakikipaglaban pa silang dalawa sa kapwa nila mga anghel! " utos sa akin ng Panginoon.
Agad akong pumunta sa mundo ng mga tao kung saan pinatapon si Barach at Zeparo dahil sa kanilang taksil na pag-iibigan. Oo, si Barach ay isang anghel na umibig sa isang anghel noon na ngayo'y kasanib na ng kasamaan at siya ay walang iba kung hindi si Zeparo. Si Zeparo na isang "fallen angel" na kayang kayang magpa-ibig ng isang babae.

Mas naging malaki ang kanilang sala noong napag-alaman naming lahat na buntis si Barach. Naging mainit ang pag-aaway ng magkabilang panig. Kaya pilit nilang gumawa ng hukbo at pilit kalabanin ang panig ng aming Panginoon na si Alphome dahil daw sa kataksilang ginawa ni Zeparo sa kanilang ama na si Luciferio na siyang supremo ng kadiliman. Kaya naging mainit ang paglalaban ng dalawang panig at doon pa talaga ginawa ang paglalaban sa mundo ng mga tao kung saan nabubuhay ang kaisa-isang anak nilang dalawa ni Barach at Zeparo.

Kailangan kong magmadali. Kailagan kong maitakas ang batang iyon. Hinding hindi ko siya pwedeng ilagay sa kapahamakan. Lalong lalong hindi dapat mabigyan ni Zeparo ng biyaya ng kasamaan ang batang iyon.



Nakita ko ang mga kasamahan kong mga anghel na nakikipaglaban sa mga kampon ni Luciferio. Kita ko kung paano pinatay ng mga kampon ni Luciferio ang aking mga kasamahan. Bigla namang napatingin sa akin si Luciferio na ngayo'y nakangiti na parang aso. bigla akong nakaramdam ng galit at paghihimagsik sa kanya. Gusto ko siyang talunin ngunit hindi ko iyon magagawa kung ako lamang ang hamak na lalaban sa kanya. Minsan na siyang pinatahimik ni Panginoong Alphome at pinatapon sa impyerno ngunit matigas ang kanyang ulo kaya ngayo'y balak niyang sakupin ang mundo ng mga tao at pilit mapasailalim sa kanyang impluwensiya. Natatakot ako na baka pagdating ng panahon, mapapasakamay na niya ang diwa at puso ng mga tao at sa pagkakataong iyon, mapapalayo na ang loob ng mga tao sa pagmamahal kay Panginoong Alphome, magagawa na nilang kalimutan ang Panginoon at ayokong mangyari iyon. 

Iba't ibang kapangyarihan ang binatbat ng mga iilang anghel ngayon para matalo ang mga kalaban. Habang nakikipaglaban sila, nakita ko si Barach na may tama sa kanyang kaliwang pakpak at hawak niya ang kaisa-isang anak nilang Zeparo. Lalapit na sana ako nang higitin ako ng malakas na pwersa galing kay Luciferio. Agad niyang nahawakan ang aking leeg at pilit akong sinasakal. Malakas si Luciferio ngunit hindi iyon ang magiging dahilan upang mapatay at matalo niya ako.

"S-sa tingin mo ba mananalo ka gamit ang iyong kapangyarihan Luciferio?" hirap kong tanong sa kanya na may halong sakit.

"Bakit? Hindi ba, Kira? Ako ang nagmamay-ari ng mundong ito. Ako ang tanging Panginoon dito sa mundong ito. AKO LAMANG! Walang makakapigil sa akin! Naiintindihan mo?! Kaya ako lamang ang pwede niyong sambahin at hindi ang mahina niyong diyos!" galit na satsat sa akin ni Luciferio.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 15, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HUNGERWhere stories live. Discover now