Mundo

77 7 3
                                    

San darating ang mga salita
Na nanggagaling sa aming dalawa

     Naramdaman ko ang pag-hinto ng Bus na aking sinasakyan. Kasabay ng pag-hinto nito ay ang pag-tayo ng mga taong ba-baba sa SM Megamall. At maki-kita mo na rin ang iba't ibang klase ng tao na nagkukumahog upang maka-sakay at tila ay mga nasalanta ng bagyo na mau-ubos-an ng relief goods.

Kung lumisan ka, 'wag naman sana
Ika'y kumapit na, nang 'di makawala

     Na-abot ng paningin ko ang isang pigura ng lalaki sa aking kaliwa. Ni-lingon ko siya at parang may nina-nais siyang ipabatid. Itinanggal ko ang naka-suksok sa kaliwang tenga ko.

Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo
Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo

     Dinig ko ang mga lyrics ng kantang pinapa-tugtog ko sa aking kanang tenga.

    "Kaya pala hindi lumi-lingon," rinig kong pag-bulong niya habang naka-yuko bago niya ako lingon-in. "Uhm... Miss, may naka-upo ba dito? Can I?"

    "Sure!" sagot ko sa kaniya na may ngiti. At isinuksok muli ang ear buds sa aking tenga. Muli kong tinignan ang mga taong nagkukumahog upang maka-sakay. Tinignan ko ang orasan ko at napag-tanto ko na kaya pala ganoon karami ang mga tao dahil rush hour na.

Mundo'y magiging ikaw

    Sa tingin ko ay naka-upo na siya sa tabi ko. Muling um-andar ang Bus na aking kinala-lagyan. Muli akong napa-lingon sa kaniya para ma-kumpirma ang isang bagay.

     Wala na iyong cap niya kaya nakita ko ang kaniyang buhok. Napa-tagal ata ang pag-sulyap ko sa kaniya. Naramdaman niya ang aking pag-titig kaya't sinalubong niya ang aking mga tingin.

    In-iwas ko agad ang aking mga mata at itinuon ito sa Mall na unti-unti na naming nililisan. Nadama ko ang abnormal na pag-tibok ng nasa dibdib. At siya namang saktong muling pag-tugtog ng koro ng "Mundo" ng bandang IV of Spades na ang dating lead vocalist ay ang lalaking nasa tabi ko, ang mundo ko. Ilang linggo na rin mula nang nakarinig ako ng balita tungkol sa kaniya. Na-miss ko siya.

Agad ko namang inangat ang aking tingin bago pa tuluyang may tumulo sa mga namumuo kong luha.

Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo
Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo
Mundo'y magiging ikaw

     Siya ang mundo ko ngunit iba ang mundo niya. Isa lang naman akong taga-hanga niya, e. Isang ma-swerte na taga-hanga dahil naging katabi sa pampasaherong bus ang mundo niya.

    Well, iyon ang akala ko.

MUNDO [✓]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang