Kiss or Kiss!?!

3.4K 134 19
                                    

Kiss or Kiss? (One Shot) 

Written by: Sofie Terry Red

Steffie's POV 

Hi I'm Stefanie Mari Cruz, Stefie for short. Junior student ng Palace Academy. Hanggang diyan na muna ang sasabihin ko kasi alas siyete na at kagigising ko pa lang which means na malelate na ako sa klase ko!!!

Dali-dali akong tumakbo papasok sa bathroom ko para makaligo kasi 15 minutes na lang ang natitira sa akin. Monday pa naman ngayon kaya mandatory na umattend kami ng flag ceremony at kapag nalate ako for sure may kaparushang naghihintay sa akin.

"Good morning ma'am Steffie." Nakangiting bati sa akin ni Manong driver habang tumatakbo ako papasok sa loob ng sasakyan namin.

"Mamaya na po ang batian Manong kasi 3 minutes na lang at malelate na ako sa flag ceremony."

"Hala paano iyan ma'am Steffie 10 minutes pa naman ang biyahe natin papuntang school ninyo."

"Kaya nga Manong bilisan na po natin bago pa ako mahuli." Natatarantang sabi ko habang isinasara yung pintuan ng family van namin.

Naku sana lang po hindi po talaga ako ma-late sa flag ceremony kasi katakot yung president ng student supreme council namin.

After ng mga ilang minutes finally nasa school na ako!!!

"Naku ineng bilisan mo na at malapit na mag-start ang flag ceremony ninyo." Bungad sa akin ni Manong guard.

Nakita kong nakapila na silang lahat sa ground at mukhang katatapos lang nila magdasal kaya mas lalo kong binilisan ang paglalakad ang kaso medyo badtrip kasi umulan nga pala kagabi kaya ang ibig sabihin lang basa ang grass sa ground. Grr! Dun pa naman sa may dulo ang line namin katabi ng fourth year. Nasa kalagitnaan pa lang ako ng ground nang biglang tumunog ang pamilyar na kanta este National Anthem pala. Siyempre napilitan akong tumigil at ipatong ang kanang kamay ko sa aking kaliwang dibdib pero hindi ko na nagawang ibaba pa ang bag ko kasi nga basa yung ground at mahirap nang madumihan bagong laba pa naman.

After ng National Anthem namin ay nagpanatang makabayan na sila habang ako naman ay nagpatuloy na ulit sa paglalakad papunta sa pila namin at saktong pagsingit ko sa pila bigla na lang may nagsalita sa may intercom.

"Class monitors please check the attendance and the uniform especially the I.D. okay you may past."

Yehey ligtas ako! Kung hindi ako nagkakamali yung SSC vice president naming si kuya Ace Padua from room 4.1 yung nagsalita sa intercom. Nagsimula na ngang magsipasok sa kanya-kanyang classroom ang mga estudyante pero may pila kasi kaming sinusunod kaya yung nasa elementary department muna ang pinauna. Bale yung mga bata pataas sa matatanda ang arrangement ng pila.

"Especial mention to Miss Stefanie Mari Cruz of class 3.1 kindly stay in the ground." Pahabol na sabi ng isang tinig na puno ng awtoridad.

Hindi ko na kailangang manlambang pa ng tao dahil kahit pikit at tulog ako alam kong iisa lang ang nagmamay-ari ng boses na iyon at iyon ay walang iba kung hindi si Kier Villaforte our SSC president.

"Uy girl una na kami sa'yo ha." Bulong sa akin ng mga kaklase ko.

"Hala natatakot ako mukhang paparushan ata ako." Medyo kinakabahang bulong ko. "Uy Candy di ba part ng SSC ang napakagawapo mong bestfriend na si Michael? Baka pwede mo naman siyang bolahin at sabihing wag na ako parusahan." Pagmamakaawa ko dito sa classmate kong si Candy.

"Naku sorry Stefie kasi galit-galit kami ngayon ni Michael saka councilor lang siya kaya wala rin siyang magagawa kasi yung president nating si Kier pa rin ang masusunod."

Kiss or Kiss!?!حيث تعيش القصص. اكتشف الآن