Fate and Destiny

30 1 0
                                    


This is a work of Fiction. Names, characters, businesses, places, event, situation and incident are either the products of the author's imagination.

Kindly read.

Plagiarism is a Crime punished by Law.

-----

Summer De Leon's Point Of View

"Painom ako Summer!" Napairap ako sa kawalan ng marinig ko nanaman ang boses ni Nike.

"Bakit ba kasi hindi ka nagdadala ng bottled water?" mataray kong sabi.

"Mabigat kaya sa Bag" aniya sabay kuha ng tubigan ko sa loob ng bag ko at sabay tungga dito ng isang lagukan.

"Salamat!" aniya sabay kindat sakin. Kaagad namang naginit ang pisngi ko sa pag kindat niya pero hindi ko yun pinahalata kaya inirapan ko siya.

Nike Del Valle, bestfriend ko slash gusto ko. Yes simula palang Highschool gusto ko na siya hanggang ngayong 3rd year college na kami. Kung itatanong niyo kung kami ba? Hindi, dahil may girlfriend siya at yun yung kaibigan ko.

----

"Okay Class, we'll be having our Festival Dance Contest on December 16. This will be your performance in PE. All of you must join this contest. Either sa props or sa performer. Its your choice. Ang magkakalaban ay ang bawat section. I need the list ng mga kasali. Ia- announce ko nalang sainyo kung ano ang mga rules. Class Dimissed." Ani ng Prof namin sa Pyshical Education. Walang hilig ang section namin sa mga contest gaya ng ganto pero wala kaming choice kung hindi sumali. For the sake of our grades.

"1... 2.... 3...." Sigaw ng Choreo namin habang nag pa practice kami dito sa may Plaza. Isang linggo narin ang lumipas matapos mai announce samin ang tungkol sa Festival Dance. Wala akong hilig sa pag sayaw pero kailangan ko ito para sa grades ko. Yung Choreo namin inarkila lang din namin dahil wala namang marunong sumayaw samin para magturo.

"Summer and Nike kayo ang mag kapartner dito dahil kayong dalawa ang may hawak ng Santo. Bukas magdala kayo ng Santo, yung makakaya lang na buhatin." Naka form na kami ng circle ng sabihin ni Kuya Ricky na magkapartner kami ni Nike. Napatingin ako sakanya at ganun din siya sabay kindat.

"At Summer" Napatingin ako kay Kuya Ricky ng tawagin niya ko. Bisexual siya, may Girlfriend pero may inaawrahan ding lalaki. Madali lang siyang I-close dahil mabait siya.

"May damit akong ipapahiram sainyo. Hindi ka naman siguro conservative diba?" Nanlaki yung mata ko sa sinabi ni Kuya Ricky.Narinig ko din ang pagtawa ni Nike sa pwesto niya. Nakakahiya!

"Hindi naman po, bakit po?"

"Mababa kasi ang neckline nun almost kita na ang cleavage." Agad napatigil sa pagtawa si Nike sa sinabi ni kuya Ricky. "At ikaw Nike, fitted yung leggings mo. Wag kang tatawa tawa diyan." Hindi ko magawang tumawa para asarin si Nike sa narinig kong ipapasuot sakin. Seriously?

"Hindi po ba pwedeng ibang Costume nalang?" Biglang tanong ni Nike.

"Hindi pwede, iyon ang bagay sa Dinagyang Festival kaya it will suit you"

"Hindi naman po nag susuot ng kita cleavage si Summer" Malalim na boses niyang sinabi kaya natahimik yung mga kaklase ko pati na rin si kuya Ricky. Akala ko dahil fitted yung Leggings niya yun pala dahil sa damit ko, napahawak ako sa dibdib ko dahil bigla nalang tumibok ng mabilis yung puso ko.

"Okay lang po Kuya Ricky. Isang araw lang naman po" Ngumiti sakin si kuya Ricky at nag pa dismissed na siya. May dalang Motor si Nike kaya hindi na niya kailangan mamasahe. Afternoon class pa kami kaya Morning session ang practice namin. Kailangan pa naming pumasok ngayon kaya before 12noon nakauwi na dapat kami.

Fate and DestinyWhere stories live. Discover now