Prolouge

21 0 0
                                    

Naranasan mo na bang na-fall sa isang matalik mong kaibigan?
Marami bang naging hadlang?
O sadyang magulo at maramit lang si Tadhana dahil hindi kayo ang pinagtagpo nung umpisa?
Ang tangi kong masasagot ay malay mo kayo pala talaga ang para sa isa't isa ngunit hindi pa ngayon ang tamang panahon upang kayo ay pagtagpuin.

"Plagiarism is a crime so avoid copying other's work."

Ang iyong mga mababasang pangalan at tagpuan ay kathang-isip lamang ng sumulat ng kwentong ito.

-----------------------------------------------------------------------------------

"Janice, ever since I  laid  my eyes on you alam ko na  ikaw yung taong gusto kong makasama hanggang sa pagtanda. Our start is not what we wanted it to be. Hindi tayo nagsimula bilang kung ano ang gusto natin but we started as friends, as bestfriends. Naalala ko pa dati na lagi nating sinasabi noong mga bata pa lang tayo na walang iwanan. We may not have a perfect relationship but in my eyes you are my perfect chance. Hindi ko ineexpect na mangyayari ito. Hindi ko ineexpect na mula sa pagkakacoma mo ay magkakaroon ng chance para sabihin ang nararamdaman natin sa isa't isa." 

Nakatingin sa malayo si Andrew habang inaalala ang kanyang wedding vows. Habang pinagmamasdan ang babaeng nasa harapan niya. Nasa Hanging Coffines sila ng Sagada. Matagal na siyang inaaya ng kanyang asawa dito at ngayon lang siya naglaan ng oras para bumisita sila sa magandang tanawin na ito. Anniversary gift niya ito sa kanyang asawa. 

"Love, kanina ka pa parang wala sa sarili mo. May problema ba?" Niyakap pa niya ako. At tinignan ng malumanay.

"Wala love. Hindi lang ako makapaniwala na two years na tayong kasal." Hinawakan ko ang buhok nito ang inilagay sa likod ng kanyang tainga. 

Parehas kaming nakatingin sa malayo at walang gustong bumasag sa katahimikan. Matagal naming pinagmasdan ang view mula dito sa kinakatayuan namin. Siya lang talaga ang nakikita ko na makakapag pasaya sakin ng ganito. Siya lang ang mahal ko at ang mamahalin ko.

"Love, kahit ba wala pa tayong anak buo parin ang pagmamahal mo sa akin?" Rinig ko na tanong niya. Tinignan ko siya ng maayos at hinahayaan ko na ang aking mga mata ang kumausap sakanya. At nang makita ko na ang aking mata ay hindi pa sapat na sagot para sakanya ay nagsalita na ako.


"Minahal at pinakasalan kita bilang si Janice na minamahal ko. Ikaw lang ang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda. Kaya please, don't think na mababawasan at mawawala ang pagmamahal ko sayo dahil lang sa hindi pa tayo binibiyayaan ng anak. Alam ko na marami tayong maririnig na sabi-sabi ng mga nasa paligid natin but love please.. If there's something wrong and if there's something you want to clarify.. kausapin mo ako.. alam ko at pansin ko na laging may mga tanong sa mata mo.. mahal na mahal kita love." Niyakap ko siya ng mahigpit. Nakakita rin ako ng luha sakanyan mga mata. I know na maraming manghuhusga sa amin dahil dalawang taon na kaming kasal ngunit wala paring mga anak pero we're not in a rush. Kung ako ang tatanungin ay mas gusto ko munang bigyan naming dalawa ng pansin ang married life namin.


"Love, ewan ko pero alam ko na kapag kasama kita masaya ako.. I don't know why pero every single day lalo akong naiinlove sayo. Lalo kitang minamahal. Minamahal kita hindi lamang bilang asawa at bilang bestfriend ko pero minamahal kita bilang taong gusto kong makasama hanggang sa pagtanda. 



A Very Big MistakeWhere stories live. Discover now