Salamat Inay

362 5 0
                                    

Salamat Inay
By:Felicity Almazan Dealca
Fb/:Felicity Dealca
Ig/:Felicity Dealca
Twitter/:Felicity Dealca

Salamat sa pag-aaruga at pag-aalaga
Salamat sa pag-gabay sa tulay ng buhay
Salamat sa pagmamahal at pag-unawa
Gayundin sa patnumbay na iyong ibinigay.

Sa pagdadala mo ng siyam na buwan
Sa iyong sinapupunan
Liwanag ng mundo at ganda nito
Aking nasilayan.

Sa pagtimpla ng gatas kung gabi'y kahit ika'y mapuyat
Sa pag-alalay habang ako'y nag-gagabay
Akay ako sa aking paglakad
Sa pagbangon kung ako'y nadarapa.

Sa unang hakbang ng pag-aaral ika'y laging naka-bantay
Umulan man o umaraw
Ika'y palaging nariyan
Hatid sundo kung ito'y kina-kailangan.

Kung ako'y may sakit
Ika'y nakabantay
Pag-aalala sa muka'y nakalatay
Sa pagkaing gusto,Ako'y ipaghihimay.

Sa paglipas ng araw,buwan,at taon man
Ika'y palaging naririyan
Sa aking mga ngiti man o luha
Kasawian man o tagumpay ika'y karamay.

Kulang ang salamat buhay man ay ialay
Sa iyo aking ina'y na laging nakagabay
Sapagkat pagmamahal mo'y walang kapantay
Kaya sa araw na ito,Diploma ko sayo'y ibibigay.

Bilang patunay na "DAKILA KA INAY"
Salamat Inay.

Ps:Kung ikaw man ay isang anak na laging inuutusan,yung pagod na nararamdaman mo ay wala pa sa kalahati na pagod na nararamdaman ng iyong inay.bawat isang patak ng pawis ay isang salapi na iniipon upang ikay makakain ng iyong gustong pagkain.kaya ngayon pa lang sabihin mo sa kanya na MAHAL NA MAHAL MO SIYA.dahil ang pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak ay hinding hindi matutumbasan ng kahit kanino mang pagmamahal.saludo po ako sa inyo mga dakilang inay.😊😊

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 06, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Salamat InayWhere stories live. Discover now