Prologue

927 9 0
                                    

Naniniwala ba kayo sa happy ending?

Syempre naniniwala yung iba at meron ding hindi.

Lahat naman tayo ay may kanya kanyang paniniwala o opinyon.

Gusto mo bang ang love story mo ay mayroong happy ending?Ako oo,lahat naman tayo ay magiging Oo ang sagot.

Minsan o kadalasan iniisip ng karamihan na sana balang araw ay mahanap niya na ang kanyang Mr.right o kaya naman ka loveteam.

Pero may mga pagkakataong hindi pinapalad pagdating sa relasyon.

At mayroon ding maswerte pagdating sa relasyon.Madaya ang tadhana,bakit hindi na lang gawin na pantay pantay ang lahat para walang masabing unfair.

Ako nga pala si Luisa Fernandez o kilala bilang Lui.[Luwe]

Paniwalaan niyo ako ngayon pa lang sinasabi ko na ito sa inyo.

Isa ako sa mga kilalang tao,na tinagurian bilang isang sikat na artist[a person who produces a paintings and drawings as a profession or hobby].

Nagkanobyo ako sa edad na beinte.Unang nobyo at pinaniwalaan kong magiging huli ko.

Kapag pinanghawakan mo ang paniniwala mong yun ibig sabihin sa kanya na umiikot ang mundo mo.

Basta makinig kayo ito ang masasabi ko paniwalaan niyo ako.

Ang mga luhang pumatak gabi gabi sa unan ko,ang mga hikbi at hagulhol sa madilim na silid.

Ang mga haplos,yakap at halik,ay pawang isang panaginip na lang.

Ang puso ko ay parang pamintang dinurog.

Ang pag ibig mo ang nagbigay ng lamat sa aking masayang mundo.

Iibahin ko ang ating kwento kahit wala akong kasalanan magiging salarin ako.

_____¤¤¤¤¤_____

Mula sa malayong lungsod ng San Rafael ay matatagpuan ang isa sa pinakamaganda at sikat na simbahan.

Ang simbahan ng San Rafael ay isa sa paborito ng mga taga lungsod.Bukod sa maganda at malaki kilala ito bilang isang Miracle Church.

Ang simbahan na ito ay ang simbahan kong saan gaganapin ang aming engrandeng kasal.

Si Jeda ay isa sa pinsan ko,maganda siya at mabait kaya malapit kami sa isa't isa.

Lui masaya ako dahil ikakasal kana sa lalakeng pinakamamahal mo.Tugon sa akin ni Jeda habang nakahawak sa aking kamay.

"Salamat pinsan,ito na ang pinakahihintay ko ang isuot ang napakagandang mamahaling gown na ito.Sabi ko pa habang nakaharap sa salamin.

Napakaganda mo sa suot mo Lui,sana maging maayos ang araw ng kasal niyo.

Dahil sa sinabi niya medyo nabigo ako kaya pumangit ang awra ng mukha ko.Medyo nalungkot ako dahil pakiramdam ko ay may ibig siyang sabihin.

"Ano pang hinihintay natin tayo na,alam kong naiinip na si Vince sa simbahan".

Nakasakay na kami ngayon sa sasakyan,sa totoo lang maganda ang pagkaayos ng sasakyan para sa tulad kong ikakasal.

Bago kami nakarating sa simbahan ay malakas ang aking kaba.

Naglalakad na ako ngayon sa pasilyo habang tinutugtog ang musikang pangkasal.

Sinalubong ako ng aking ama at masayang hinatid sa paanan ng altar.Bago iyon may sinabi siya sa lalakeng pakakasalan ko.

"Si Lui ang nag iisa kong anak,bago mo nakamit ang kanyang matamis na Oo nahirapan kaming ibigay at ipagkatiwala sayo,pero dahil mahal ka ng aking anak ipapaubaya ko na sayo.Ingatan mo siya at alagaan at wag na wag mong sasaktan.Sa oras na nalaman kong sinaktan mo siya may isa akong bagay na maaaring kikitil sa iyong buhay.Matapos sabihin iyon ni ama ay inabot niya ang kamay ni Vince at ipinatong sa kamay ko.

Napangiti naman ako at napatitig na lamang sa lalakeng mahal ko.

Ngayon sabay kaming humarap sa altar at napatingin sa pare.

Hanggang sa dumating ang pinakahihintay ko....

Ikaw lalake tinatanggap mo bang maging asawa si babae sa hirap man o sa ginhawa sa kaligayahan o kalungkutan sa sakit man o karamdaman nangangakong mamahalin mo parin at aalagaan magpakailanman?

Natahimik ang lahat,at sabay sabay na naghihintay sa magiging sagot niya.Kahit man ako ay kinakabahan dahil kahit na alam kong pakakasalan niya ako pakiramdam ko pwede niyang sabihin na hindi.

Napapikit ako at dumaloy ang luha sa gilid ng mata ko.Hindi ko alam kong bakit pero iba ang nararamdaman ko.

Father pasensya na pero hindi ko tinatanggap na magiging asawa siya.

Napamulat ako ng marinig iyon,sobrang tumaas ang aking dugo na kahit anong oras ay sasabog na ito.

Nagsitayuan ang lahat at nagkagulo dahil nagtataka sila kong bakit.

Wala akong ibang mahal kundi si Jeda lamang.Siya ang gusto kong makasama at pakasalan.Paumanhin at pasensya na kong nasira ko ang kasal na ito.Pero totoong nagmamahalan kami ni Jeda.

Umalis sa tabi ko si Vince at pinuntahan niya ang pinsan ko.Nakita kong hinawakan niya ang kamay at hinila niya ito papalabas ng simbahan.

"Vince paano mo nagawa ito saken",Jeda ang pinsan ko pa-pa-no!!pano!!hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil unti unti ng dumidilim ang paningin ko.

Bago nakalabas ng simbahan ang dalawa ay biglang dumilim ang paligid.

Para bang babagsak ano mang oras ang maitim na ulap.

Isang malakas na kidlat ang tumama sa harapan ng simbahan.

Hanggang sa nagsigawan na ang mga tao.

Dumilim ang kalangitan at umulan ng malakas..

_____₩____₩____

Reminder:

Ang mga susunod na kabanata ay rated spg.Ito ay naglalaman ng karahasan,masisilang tema,lengwahe,horror,sexual na hindi angkop sa mga bata.

Killer BrideWhere stories live. Discover now