Kaninong Anak Ito?

1.1K 6 0
                                    

"Kaninong Anak Ito?"

Isa ako sa maraming kabataang napaligaw
At naritong nakapiit sa loob ng parusahan;
Sumasampal sa mukha ko ang pagsumbat at pag-uyam
Ng tahanan, ng lipunan, ng simbaha't paaralan;
Wika nila'y mabuti nga pagkat ako'y kahihiyan
At isa pang sa balikat nitong baya'y naka dagan.

Ngayong ako'y naririto at bilanggong nakakulong,
Sino baga ang marapat na sisihin kaya ngayon?...
Ang nangyari ay sa aking kamusmusan napabunton
Ang kanilang kasalana't kamaliang dugtung-dugtong
Kasalana't kamaliang ibig nilang maikanlong
Habang ako'y magdurusa sa loob ng mga taon!

Ngunit ito ang tanong ko sa tahanang nanunuya
Na ang ulo'y nakatungo at marahil nahihiya;
Saan galing ang hilig ko at ugaling masasama?
Di ba ito'y siyang bunga ng mali mong mga gawa?...
Di ba ito'y siyang bunga ng di-tumpak na aruga
Sa ilalim ng bubong mong may alitan maya't maya?

Di ka salat, ngunit ako'y nagpalaboy, nagpalimos,
Bunga itong buhay mo na sa bisyo'y nakalugmok!
Sambunton mong kinikita'y palagi nang kinakapos
Sa lipad ng sasabungin at barahang sotang-bastos?
Sa tahanang nilakhan ko'y nababangit ba ang Diyos
At ako ba'y naturuang mag-antanda o magkurus?...

Ikaw naman paaralang pandayan daw naming lahat,
Kamalig kang may salansang santalaksang mga aklat;
Sa araling bagu't bago, susun-suson at san tambak,
Sa dami ay wala akong natutuhang buo't ganap;

Mga tamad at pabaya, bulakbol at walang danas
Kung baga man sa pagkain, sagana nga't masasarap
Ngunit di kayang tunawin nitong aming diwang pahat!

Ang pamalo, sa iskwela ay masama at bawal daw
Kaya kami'y walang takot at lumaking magagaslaw;
Kung sine't panooring puno ng kasagwaan;
Pumapasa kahit itong aming ulo'y walang laman,
Parang bungang napipitas na maaga't hilaw-hilaw.

Ikaw naman o simbahang linggu-linggo ay abala
Sa awit ng mga koro at sa sermong magaganda;
Sa labas ng pintuan mo'y hindi mo ba napupuna
Ang maraming kahalayang sarisaring nakatinda?...
Natutusak sa daanan ang aliw ng mga mata
Daptapuwat kaaliwang libingan ng kaluluwa.

Ikaw naman o lipunan na malabis magpapuri,
Ngayong ako'y bilanggo na'y siya mo pang inaapi;
Ikaw sana ang sa mga kabataa'y magsisilbi
Na huwaran, ngunit ikaw ang may buhay na marumi!...
Anong uri ng buhay mong sa karimla'y nakakubli?...

O lipunan, anong uri ng inumin ang tinda mo
Na ang bunga sa maraming kabataa'y panggugulo?
Anong uring babasahi't katuwaang libangan ko
Ang handog mong panooring mahahalay, maka mundo?..
Saka ngayon kung ang mga kabataan ay mabuyo
Ay sa amin ibubunton ang lahat ng sala ninyo.

O tahana't paaralan na sa ami'y pumapansin
O simbahan at lipunan sa ami'y umiiring,
Dapat kayo ang tumayo sa hukumang nakatingin
At hatulan, yamang kayo ang huwara't pangunahin;
Dapat kayo ang sumbatan, ang sisihi't panagutin
Sa buhay ng libu-libong kabataang nasa bangin!...


  Key word) Sa ating lipuna'y pasaning mabigat, mga kabataang naligaw ng landas.  


Attention!!! This poem may not be reproduced in any material form or transmitted to any persons without permission from the owner.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 14, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TulaWhere stories live. Discover now