Sabi-Sabi

280 4 9
                                    

Another one shot story from me !

Hope you'll like it ..

Feel free to vote and comment .. =D

-----------------------------------------------------------------------------------------

Sabi nila, kapag daw hinalikan mo yung picture ng isang tao, mangangati daw ang ilong nung taong yun.

Pano kaya kung totoo yun ?

Naku po !

Edi maya't maya nangangati yung ilong nea ?

Sorry na lang sa kanya pero trip kong halikan yung picture niya.

Mahal ko kasi eh.

Ganto pala pag inlove noh? You'll do stupid things nang hindi mo namamalayan.

"YanYan ! YanYan !"

Napalingon ako dun sa sumigaw ng nickname ko. Kilalang kilala ko na yung boses na yun eh. Sya si Liz. Bestfriend ko. Bakit kaya sumisigaw yun?

"bakit Liz?"

Tinuro niya ung bandang kanan nea. Hinihingal pa nga sya nun eh. Tumakbo siguro. Tinignan ko naman yung tinuro nea, at natulala ako nang makita ko ang grupo nina Gian Diaz.

Haaay ! Ang gwapo talaga ni Gian lalo na pag pawisan. Kasali kasi sya sa basketball team eh. Ang ganda ng mata nea, ng ilong, ng bibig. Haaaay ! Perfect na yata? Kaya mahal ko eh.

Oo.

Inlove nga ko kay Gian.

Inayos ko yung salamin ko para  makita ko sya ng mas mabuti. May kalabuan na kasi yung mata ko kaya nakasalamin ako.

"hoy ! babaeng loka ! Nakalagpas na sila tapos tulala ka pa rin jan !"

Hay naku ! si Liz talaga ! Napangiti na lang ako at napa-iling iling.

"ano ba kasing nagustuhan mo sa kanya YanYan? Ang yabang kaya nun ! Suplado pa ! tsk."

"di ko din alam eh. basta pag nakikita ko sya, i feel the butterflies in my belly. Basta ang strange nung feeling!"

"inlove ka na nga. tara na nga uwi na tayo!"

"wait lang. may kukunin lang ako sa locker ko. hintayin mo ko dito ah."

"cge bilisan mo."

Then tumakbo na ko papunta sa locker room. Binuksan ko yung locker ko at kinuha ko yung libro ko sa statistics. at syempre, kukunin ko rin yung picture ni Gian my loves.

Asan na ba yun ??

Oh ! Teka ! Bakit wala dito ??

Dito ko lang nilagay yun eh.

Bakit wala na ?!

Hindi yun pwedeng mawala! nagpakahirap akong kunin yun sa FB nea at ipaprint ng walang nakakakita eh. at isa pa, baka makita yun ni Gian. Patay ako ! Hala ! baka nasa room !

Dali-dali akong tumakbo papunta sa room namin. kahit pa sa 2nd floor yun tinakbo ko talaga. Pagkapasok ko sa room, walang tao. Nakita ko agad ung picture sa ilalim ng upuan ko.

Agad ko iyong pinuntahan saka ko dinampot. Naupo muna ako sa sahig. Hingal na hingal kasi ako.

"haay Gian! Buti na lang nakita kita agad. Patay ako kung may ibang nakakita nito. Ang gwapo gwapo mo talaga gian.."

Hinalikan ko yung picture ng pagkatagal-tagal.

"Ehem!"

Hala ! may tao na pala sa likod ko ! itinago ko agad ung picture sa bulsa ko.

Sino kaya itong nasa likod ko ? Kinakabahan ako ah. Boses lalaki eh. Pumunta sa harap ko ung nasa likod ko. Hala ! Anak ng tokwa ! Nanlaki ang mata ko ng bumungad sakin ang gwapong muka ni Gian. Sya pala yung nasa likod ko. nakita nea kaya ung picture ? nakakahiya !

Lumuhod sya sa harap ko para maging ka-level ng muka ko ung muka nea.

"youre ms. Arianne Perez right ?"

ang ganda ng boses nea. tumango-tango ako para sabihin 'oo ako nga yun'

hindi kasi ako makapagsalita dala ng kaba.

Pulang pula na yata ung muka ko.

"Kaya pala nangangati yung ilong ko eh, hinahalikan mo yung picture ko."

Hala ! nakita nea nga ! napatungo na lang ako. narinig ko syang ngumisi. Hiyang-hiya na talaga ako.

"ikaw ba? hindi ba nangangati yung ilong mo ?"

Anu daw ? tumingin ulit ako sa kanya ..

"Huh ??"

"hinahalikan ko din kasi yung picture mo. ito oh, naiwan ko rin dito sa room. buti na lang di mo nakita.. Matagal na rin kasi kitang gusto arianne eh.."

Ano ? Totoo ba ito Lord ??? May gusto sya sakin ? Nakita ko syang namula at napatungo ..

"Ngayong alam mo na ang lahat, hindi na yung picture mo ang hahalikan ko. ikaw na mismo"

tumunghay sya ulit at hinalikan ako ......

Yung pic po sa giLid ay yung pic na hinahalikan nilang dalawa ^__^

SO wattayathink ? :D

Sabi-SabiWhere stories live. Discover now