My Jia

230 8 4
                                    



  Bea's POV

I look at the clock it's currently 2:53AM. I'm currently studying for tomorrow's quiz but damn it I can't seem to understand anything on my notes.

"Fuck it. Come on Beatriz you got this." I whispered as I slap my face.

"Huy Bea, ano naman? Kelangan bang sampalin ang sarili? Umayos ka nga. Ano bang hindi mo maintindihan sa lecture nyo?"

Mahabang sermon ni Jia habang nakatingin sakin.

"Sorry, wala kasi talagang pumapasok sa utak ko."

"Ano ka ba kaya mo yan, kalma. Bea pa ba?" Sabi nya habang nakatingin sa mata ko. Bakit ang swerte swerte ko?

Kinuha ni Jia yung upuan sa kabilang table at tumabi sakin.

"Hala sige mag aral ka dyan. Makikinig ako."

Hindi na ko sumagot. Agad kong binasa yung notes ko habang nakatingin lang sakin si Jia.

Nagising ako sa alarm ng phone ko. 7AM na, sa study table ko na rin pala ako nakatulog. Di ko na rin namalayan kung ilang oras ba yung tulog ko. Wala na si Jia sa tabi ko. Umalis na siguro.

Nag ayos na ako ng sarili. 8:30 pa yung first class ko may oras pa ko para mag almusal pero sa labas nalang siguro kasi tinatamad na rin akong magluto.

Kinuha ko yung bag ko tapos dumeretso sa coffee shop malapit sa school.

"Ohh Bea good morning!" Bati sakin ni Kyle barista dito sa coffee shop.

"Good morning Kyle. Yun pa rin!" Nakangiti kong sabi.

Tumango si Kyle sabay sabing "Espresso coffee large, with two pancakes and extra chocolate syrup."

Ngumiti lang ako kay Kyle tapos inabot yung bayad.

Umupo ako sa usual na pwesto ko. Agad kong tinext si Jia.

To: Jia ❤️

Good morning love! Thank you for helping me out last night! I miss you!

Tinago ko yung phone ko at nag aral ulit. Hindi ako pwedeng bumagsak paniguradonv gegerahin ako ni Jia.

"Bea order mo."

"Salamat Kyle!"

"You're welcome. Ikamusta mo nalang ako kay Jia."

Tumango lang ako at tinuloy ang pag aaral.
Kumain na ako habang hawak pa rin ang notes ko. 8:15 nung napagdesisyunan kong pumunta na sa school. 5 mins na lakad lang naman ang coffee shop sa school eh. Dumeretso na ko sa room at umupo sa dulo. Wala pang prof kaya kinuha ko muna yung phone ko para itext ulit si Jia.

To: Jia ❤️

Love nandito na ako sa room. Wish me luck love! Take your time ha? I know busy ka. Puntahan kita sa bahay nyo later. I love you my Jia.❤️

Habang sinasagutan ko yung quiz dalawa lang yung nasa isip ko. Hindi yung maipasa ko yung quiz kundi hindi ko pwede idisappoint si Jia, para sa kanya to.

I confidently turned in my paper. Easy. Thanks to Jia.

After class dumeretso ako sa flower shop bumili ng bouquet of blue roses tapos cadbury chocolates.

"Good afternoon tita!" Masiglang bati ko sa mommy ni Jia.

"Good afternoon anak. Bisitahin mo si Jia?"

"Opo tita. Akyat na po ako ha?"

"Sige nak."

Umakyat ako sa kwarto ni Jia. Hindi na ako kumatok, huminga muna ako ng malalim bago pumasok.

"Hi love. I'm back."

Lumapit ako sa table kung nasan si Jia.

"I miss you Jia." Malungkot na sabi ko habang nakatingin sa picture sa table nya "it's been what? 2 years na love and I still miss you."

Pinunasahan yung luhang pumatak sa mata ko.
Binaba ko sa table yung bouquet na dala ko

"I bought your favorite flowers and chocolates. Thank you for helping me out last night. Natapos ko agad yung quiz kanina. You never fail to visit me whenever I'm feeling weak, thank you for giving me strength. Hindi ka pa rin nag babago alam mo pa rin kung kelan mo ko tutulungan, alam mo pa rin na I only need your presence tapos okay na ko. You're indeed the best Jia. Too bad you had to leave too soon. Bakit kasi kinaylangan nya agad ng Angel? Tapos ikaw yung napili. Ako tuloy yung nawalan."

Kinuha ko yung picture nya at niyakap

"I love you so much my Jia. Until we meet again love."

                              E.      N.      D.  

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 18, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My JiaWhere stories live. Discover now