「 F I N A L」

50 12 59
                                    


Sagie's POV


From: bae

2:30 pm at DH Café. I miss you!


Agad akong napangiti sa message na nanggaling sa taong pinakamamahal ko. Parte lang siya ng plano ko nung una pero unti-unti, minahal ko na talaga siya. Ala-una pa lang pero ready na ako. Bakit ba? Excited na akong Makita siya after ng bakasyon nila sa Japan for 2 months. At isa pa, ayokong siya ang mauna dun. Knowing that person, lagi siyang on-time.

I reached for my car keys and gave myself a last look sa salamin. I look presentable enough. I want to look good for that person. For the love of my life. Lumabas na ako ng bahay at pumasok sa kotse.


To: Bae

I'm on my way. I'm excited to see you.


Nagreply muna ako bago ko pinaandar ang kotse. A few moments later, tumawag na siya.

"Hello?"

"Ang ganda talaga ng boses mo."

"Mas maganda ka. Ikaw ang pinakamaganda."

"Binobola mon a naman ako"

"Hindi ah. By the way, bakit ang aga mo naman yata? Mago-one thirty pa lang ah. 1 hour before our call time."

"Babe, traffic sa EDSA. At isa pa, ayokong maghintay ka dun."

"Actually, nandito na ako."

"Ha? May iba kang katagpo no....."

"Babe naman! Sa 2 years ba naman nating pagsasama pagtataksilan pa kita?"

"Yung iba nga 30 years na naghihiwalay pa rin."

"Whatever you say. Pero wala talaga. Excited lang din ako babe."

"I can imagine you pouting right now."

"I'm not." At binaba na niya ang tawag. Cold naman : (

Binilisan ko na lang ang pagdadrive para mayakap at mahalikan ko na ulit siya.




-ff-

Sobrang laki ng ngiti ko nang makarating ako sa café na napag-usapan naming kanina at pumasok na. I looked around pero wala akong nakitang ni isang bakas niya. Nasaan yun? I looked around once again and squinted. Malabo na rin kasi ang mata ko, baka hindi ko lang siya nakita. Pero wala talaga...

"Hey." I flinched when I felt two arms wrapped around my waist. Kahit kelan talaga 'tong taong 'to, so full of surprises! I turned around para mayakap ko rin siya.

"I missed you."

"Mas namiss kita." Ewan ko ba. Lahat yata ng sasabihin neto, nagbablush ako.

"Let's take our seats. Alam kong gutom ka na."

"Ano pa bang bago dun?" At natawa kami parehas saka kami umupo.

"Waiter!" Pati pagtawag niya sa waiter, kinikilig ako. Hay. Habang tinititigan ko ang mukha niya, naalala ko lahat ng nangyari sa amin nung high school. Lahat ng nangyari na hindi ko makakalimutan.

TWISTWhere stories live. Discover now