BILANG ISA

66 3 0
                                    

"Pag-ibig ng kamatayan"

Minamasdan kita mula sa kalayuan
Mga salita mo't pagtawa'y aking nahihimigan.
Mga tawa mong tila musika sa aking tenga
Pati puso ko'y umiindayog kasabay ng iyong pagtawa.

Ang mata mo'y kulay kape kapag naarawan,
Kaya hindi ko kasalanan kung ikaw ay hangaan.
Mga labi mong parang guhit sa nipis,
Ako'y napapaisip siguro'y iyan ay matamis.

Wagas kong pagmamahal sayo'y iaalay,
Kahit pa'y ako'y iyong iwasan, asahan mong ako'y magiging matibay.

Umabot ng ilang linggo ang aking pagmamatyag,
Saiyong taglay na kagandahan ako'y naluhog at hindi makabangon sa iyong bitag.

Ika-walo nang gabi ng aking ika'y namataan
Naglalakad mag isa at nagugulumihanan
Bakas sa iyong mukha ang labis na kalungkutan,
Kaya heto ako't lalapit lulunukin ang kahihiyan.

Ika'y nagulat nang ako'y iyong masilayan,
Bakas ang pagkagulat at labis na kahihiyan.
Tinangka kong hawakan ka upang sabihing huwag matakot,
Ngunit nagkamali ako dahil ang puso mo'y nabalot ng kilabot.

Alam kong hindi ito ang tamang oras para ako'y pakinggan,
Sa mga pagtatapat ko't lihim na nararamdaman.
Sumigaw ka't tumili upang humingi ng tulong,
Pero huli na dahil sa braso aking ika'y ikinulong.

Umalingawngaw ang tinig mong puno nang pandidiri, pagkasuklam at panglalait
Tinig na aking musika ngunit ngayo'y puno ng pait.

Pinaghahampas mo ako gamit ang kamay na matagal ko nang nais  mahawakan.
Puro sakit at hapdi ang aking naramdaman.
Ngunit alam mo bang wala pa ito sa kalahati ng pagdudusa ko?
Sa kamay at salita na natamo ko binibining hinangaan ko?

Bawat salita mo'y sumusugat hanggang sa kaibuturan ng puso ko,
Mga panlalait mong humihiwa sa pagkalalake ko,
Mga paa mong magaganda ngunit tumatapak ng pagkatao ko,
Hindi ko maiwasang mapatanong, asan na ba ang babaeng mahal at hinahanggaan ko?

Sya ba ang kaharap ko ngayon?
O isa lamang itong replika na pinaniniwalaan ko sa ngayon.
Hindi, hindi sya ang mahal ko, ang mahal ko'y marikit, mahinhin at mahinahon,
Hindi nya magagawang manlait, sumumpa dahil lamang sa ito'y naaayon.

Kinuha ko ang patalim sa aking tagiliran,
Patalim na syang simbolo ng kamatayan.
Dahil doon lamang ako nakikilala,
Nakikilala at hindi iyon maipagkakaila.

Itinarak ko ang patalim ng kamatayan,
Sa kanyang leeg ay aking nasaksihan
Pag-agos ng dugo, hudyat ng kanyang kawakasan.
Kawakasan ng babaeng aking minahal,
Na kahit kailan ay hindi sakin napamahal.

Patawad mahal sa aking kalapastanganan,
Sapagkat batid kong ito na ang iyong katapusan.
Walang dapat makaalam,
Na ang lalaking lihim ka nang minamatyagan,
Ay isang demonyo na kung tawagin ay kamatayan.

Fall in WordsWhere stories live. Discover now