One-shot

13 2 2
                                    

One-shot story presents....

                ~THAT NECKLACE~

               ~~~*Julie Jane*~~~

"Jane, please.. inumin mo na itong gamot. Please~" pagmamaka-awa sa akin ni Lian

"Ayoko. Hindi din naman ako mapapagaling niyan! What for?!" Sagot ko

"Hindi ka nga mapapagaling nito Pero Hahaba naman ang buhay mo. Please jane.. lumaban ka pa" pagpupumilit niya

"Gosh Lian! *fake laugh* Hahaba nga ang buhay ko, Wala namang silbi!" Sagot ko at tumingin na lamang sa bintana

"Jane, ako.. nandito pa ako~ Mahal kita" Lian at Alam kong umiiyak na naman siya

"Iwan mo na lang Jan tas umalis ka na. " Malamig kong sagot

"Jane—"
"Umalis ka na sabi!" Sigaw ko na umaalingaw-ngaw sa apat na sulok nitong kwarto at ibinalik ulit ang tingin sa labas ng bintana

Narinig ko naman ang yapak na papaalis at pag-unlock ng pintuan

"Inumin mo yan. ‘wag nang matigas ang ulo" aniya kasabay ang pagsarado ng pinto. Kaya napatingin na lamang ako sa pintuan at doon na lamang ang tuloy-tuloy na pag-agos ng aking luha

Hindi ko na Kaya!! Mahigit 7 taon na akong lumalaban sa sakit na ito! At hanggang ngayon, umiinom pa rin ako ng gamot ngunit pinapahaba lang nito ang buhay ko.

Wala pang naimbentong gamot para dito. Nagkakaroon na ako ng iba't ibang sakit. Unti-unti nang nawawala ang sigla ko, ngiti ko, at ang pag-asa kong magkaroon Ito ng lunas.

Araw-araw nila akong pinipilit na painumin. Minsan, may mga nurses pang tumutulong para hawakan ako para makainom lang. Minsan din, ginagawa na lamang nilang injective ang gamot nang sa ganoon ay Hindi ko malalaman.

Sobrang payat ko na at may mga pasa ako na animo'y binugbog! Ayoko na!! Hiyang hiya na ako! Nahihiya ako sa sarili ko!! Kaya ko nagawang Iwan si Ciasler! (pronounce as Kesler)

                   🍁FLASHBACK~

Masaya Kami noon ni Ciasler. Highschool lovers Kami at nagiging matatag ang relasyon namin hanggang grumaduate Kami ng college.

Business ang kinuha niya habang ako naman ay Education. Hindi madali ang naging relasyon naming dahil sa mga di mabilang na pagsubok na aming na daanan.

Naging successful siya at nakabuo ng maliit na branches ng kanyang negosyo,may naging investors na din siya sa ibang bansa. Habang ako naman ay nakapasok na sa licensure exam.

Dahil sa sunod-sunod na swerte namin ay napagpasyahan naming magbakasyon dalawa sa bansang Massachusetts.

Namalagi Kami doon ng isang linggo at laking gulat ko na lamang isang araw ay dinala niya ako sa isang simbahan doon at iniharap sa altar, doon na lamang ang sunod-sunod na pagbumuhos ng aking luha. May Pari na ring nandoon.

Ikinasal Kami na walang saksi at maging singsing ay wala.

Suot ko noon ang kanyang binigay na kwentas na ginto at may dalawang hugis na puso noong ika-limang anibersaryo namin.

Kaya hinubad ko ito at iyon ang naging simbolo namin sa aming pagmamahalan sa araw mismo ng aming kasal.

Hindi ko mawari ang aking maramdaman noong araw na yun. Sumunod na araw naman ay bumalik na Kami Dito sa Pilipinas. Sinabi namin sa aming mga magulang maging mga kapamilya at lahat Sila ay nagulat. Nais nilang makita daw ang singsing ngunit wala akong maipakita. Dinaan ko na lamang sa Biro na "Nasa jewelry shop pa" ang laging Sagot ko

That necklace Where stories live. Discover now