One Shot Story

13 0 0
                                    

//better be worth it//

The sky above is getting darker and so the stars and the moon started flashing. The cold breeze of December has come but of course, as fearless as she is, our friend Rylie invited us for a camping. Minsan talaga, di ko maintindihan ang isip ng babaeng 'to, pero mas hindi ko maintindihan kung bakit pati kami ni Brue ay go with the flow  basta siya ang nagsabi.

"Since I'm the eldest and I just got my license, it'll be an honor for me to drive." Rylie said with a smirk. Brue and I sighed since wala na naman kaming magagawa. Eighteen na siya eh tapos kami ni Brue parehas na seventeen tapos wala pang licence kahit student's lang.

"Can we back off?" Brue whispered. Napakamot naman ako sa likod ng ulo ko, how I wish!

"Why are we here at the first place?" Kinakabahang tanong ko. This girl is crazy, seriously. Mas nakakatakot pa siya kesa sa mga horror movie na pampatulog ko sa gabi, to be honest.

"Rylie," mahinahong tawag ni Brue sa kanya. "Are you really sure about this? Magse-seven na ng gabi. It's turning so cold, baka magka-hypothermia tayo." He said.

"Don't worry, I got us covered. May gloves, kettle, and water. If needed, we can boil water." I closed my eyes, this is indeed final. I sighed.

"So tara na? We have things to set up pa." I reminded. We settled ourselves in the car. Rylie at the driver's seat, me sa passenger's seat then Brue at the back. Goodluck to us.

The drive at first is smooth not until we reached the province. Since almost tulog na ang mga tao kahit magte-ten pa lang ng gabi, she stepped at the accelerator right after opening the window in her side. Tangina, this better be worth it. Pinagpalit ko ang trip na ito sa Fortnite, seriously.

"Slow down nga Rylie, pag tayo nabangga, sinasabi ko sayo." Banta ko sakanya.

"Walang 'tayo' ikaw at si Rylie, Travis." Pagsabat naman ni Brue sa likod ko. Gusto ko pa sana sya patulan kaso tangina, kinakabahan talaga ako sa babaeng katabi ko.

"Tangina, nasa probinsya na tayo wala pa rin yung sinasabi mong camping site." Naiinis na wika ko. Unti-unting nag-slow down si Rylie habang natawa pa rin. Itinabi nya sa gilid ng kalsada ang kotse bago tinignan kami.

"Who's up for ghost hunting?" Natatawang wika nya pa. I rolled my eyes and gave her a glare. Tanginang 'to, di pa rin ako makamove on sa pagmamaheno.

"Give us atleast 5 minutes first to calm ourselves, then payag kami ni Travis." Pagsagot ni Brue kay Rylie. Andito na rin naman kami, wala na kaming magagawa. Isa pa, sanay na rin naman kaming mag-ghost hunting since madalas naming gawin yun.

Pagkatapos nga ng limang minuto ay lumabas na kami ng kotse. As usual, kami ni Brue ang nagdala ng camping bags, at jog namin while si Rylie naman sa foods and ibang kailangan na hindi naman mabigat.

Habang naglalakad kami, si Rylie ang may hawak ng flashlight since siya rin naman ang may alam ng pupuntahan namin. Nakasunod lang talaga kaming dalawa ni Brue sa sasabihin ng babaeng nasa una namin.

"I can imagine myself at my room, playing fortnite right now." Sabi ni Brue pagkatapos ay bumuntong hinga. Hindi na ako sumagot because ganon din ako. Saming tatlo kasi, si Rylie talaga ang adventurous habang kami ni Brue ay gamers.

Naglakad-lalakad pa rin kami na tahimik lang kami ni Brue. Si Rylie kasi, kumakanta at palinga linga. Naghahanap nga siguro ng mga multo, eh hindi naman sila totoo.

"Pakiramdam ko kaya talaga tayo dinala dito ni Rylie para sa ghost hunting at hindi camping. Umabot na tayo sa province, eh?" Naiinis na wika ko. I'm not against to ghost hunting kasi katulad nga ng sinabi ko, we're used to this but ang lamig na nga ngayon, last minute pa nya sinabi, tapos right now, ang bigat pa ng dala namin. This is absolutely crazy and shit.

"Rylie, matagal pa ba?" Medyo naiinis na tanong na rin ni Brue. He's barely irritated so if he does, he's in the boiling stage right now.

Tumigil sa paglalakad si Rylie, she seems disappointed, bago niya kami tinignan. Kinamot nya ang ulo niya bago siya bumuntong hininga.

"Seems like you two are bored and tired. Let's go find a place to stay in for tonight." And she started walking pero di na katulad kanina. She's quiet and is walking straight di katulad kanina na paliko-liko ang tingin, at tumatalon-talon pa at kumakanta. Medyo naguilty tuloy ako.

Tinignan ko si Brue and I was shocked. He's still frowning and is looking pissed, which is not normal if we're talking about Rylie. He has a soft spot for her din kasi. But then hinayaan ko nalang kasi baka ngayon lang 'yan. Medyo nakakapagod naman kasi talaga.

Tuloy-tuloy ang lakad namin hanggang sa may narinig na kaming malakas na tugtog sa gitna. Party music, yung naririnig ko. Habang palapit kami ng palapit, may ilaw na rin kaming nakikita at nang mas lalo pa kaming lumapit, nakunot ang noo ko.

Tinignan ko si Rylie and she's now smiling widely. In fact, kumakanta at tumatalon na ulit siya. Sunod ko tinignan si Brue na nakangiti na rin at kumakamot sa ulo nya.

Nang marating namin ang lugar na may ilaw at tugtog, tuluyan nang binitawan ni Brue ang mga dala nya at lumapit sa isang upuan at umupo doon. Ganon din si Rylie.  Mas lumapit pa ako sa kanila at nagulat sa nakita.

May limang bilog na lamesa at mga upuan doon kung saan nakaupo ang iba pa naming mga kaibigan sa school. Sa harap noon ay may mahabang lamesa kung saan may mga pagkain pa, para kaming mga nasa handaan talaga. Ngunit ang mas ikinagulat ko ay ang dalawang puno kung saan nakabalot sa christmas light na pinagsabitan ng tarp na may nakalagay na Happy Birthday, Trav! at picture ko na nagfofortnite sa tabi.

Tinignan ko ulit si Brue at Rylie, parehas silang nakangiti sa direksyon ko kaya napangiti rin ako. Hindi ako yung tipo ng tao na gusto ang mga ganitong klase ng selebrasyon ngunit galing 'to sa dalawang tao na para ko na ring mga kapatid. From the crazy drive, to the ghost hunting (na si Rylie lang ang gumawa), to the walk here, the effort is indeed, worth the appreciation. Atleast, hindi naman pala ganoon kaboring ang party na ito.

They all greeted me happy birthday, di ko pa rin alam kung sino ang may pakana nito o nagsabi ng birthday day ko, pero for the first time, masaya ako sa ganitong okasyon. Pagkatapos ng konting batian, kumain na kaming lahat. Sa table namin ay ako, si Rylie, si Brue at ang girlfriend kong si Yannie na bestfriend din ni Rylie.

"Hulaan ko, Brue, masaya talaga si Travis ngayon pero kunwari hindi." Pagpaparinig naman ni Rylie. Natawa si Brue at tinignan siya.

"Feeling ko rin." Natatawang pagsagot naman ni Brue. Kumuha ako ng piraso ng balat ng chicken na kinakain ko at binato sa kanila.

"Rinig ko kayo mga gago." Saway ko sakanila. "Sino nga pala nagplano nito?" Tanong ko.

"Si Rylie at si Yannie. Idea ni Yannie itong party tapos yung ghost hunting at camping ay kay Rylie." Sagot naman ni Brue habang kumakain. Tinignan ko siya nang mabuti.

"Kung parte ka pala nito, bakit kayo nadisappoint ni Rylie kanina?" Naningkot ang mata kong tanong sakanila.

"Acting of course, para di mo halata." Natatawang wika nya. Hindi na ako nagsalita at kumain na lang. Parehas kami ni Brue na tahimik kumain habang si Rylie at Yannie ay maingay na nagu-uusap na hinayaan nalang namin tutal ganan naman sila lagi, sanay na kami.

Natapos ang party at kanya-kanya na kaming higa. Lahat kasi kami dito ay may dalang sleeping bags at plano na pala talaga ang camping. Natulog kaming lahat ng mga banda ala una at first time sa buhay ko, nagdasal ako na puro pasasalamat lang ang sinabi ko. What a day, what a surprising day.

I'm legal, finally.

-----
2nd one shot story. The Travis Sebastian story.

Better be worth itWhere stories live. Discover now