Hidden Feelings

19 1 1
                                    

Arianne's POV

Hi! Ako nga pala si Arianne Vuenaflorante, 16 years old at nag-aaral sa Calliarante Academy.

"Okay! So class, bukas-,"

Tumigil si Sir sa sinasabi niya at tumingin sa pintuan kaya napatingin rin ang karamihan sa amin.

"Sir, good morning po. Pinapasabi po ni Ma'am Jenny na may meeting daw po lahat ng teachers sa faculty mamayang 11:30."

Nabuhayan naman lahat ng mga kaklase ko. Siyempre, sino ba namang hindi matutuwa kung siguradong early dismissal ang magaganap?

"Ah sige. Thank you."

"Thank you din po Sir," sabi nung estudyante at agad na umalis.

"Okay class, so alam ko namang sa kaloob-looban niyo ay tuwang tuwa na kayo," sabi ni sir. Napatawa naman kami kase alam namin sa sarili naming totoo yun.

"So dahil 11:30 ang meeting at 11:28 na, maagang class dismissal 'to. Yung sinasabi ko kanina, gusto ko lang ay reviewihin niyo yung mga notes niyo mula first lesson this quarter dahil magbibigay ako ng long quiz bukas. Okay sige. Goodbye class."

"Goodbye and thank you Sir Blake," sabay-sabay naming sabi.

Tumakbo ako papuntang cafeteria kaso pagdating ko do'n, wala nang mauupuan kaya tumakbo na lang ako sa paborito kong lugar dito sa campus.

At dahil yung mga alaga kong dragon sa tyan ko ay kanina pa ngumangawa, binilisan ko na ang paglabas ng pagkain. Ohmyghadt HOLEH FAK! My favorite!

"Yes! Bacon!"

Susubo na sana ako kase biglang may nagtakip ng mata ko.

Nanigas ako sa kinauupan ko. Para bang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko at may kung anong lumilipad sa tyan ko na parang paru-paro.

"Uhmmm... Sino 'to?"

The truth is kilala ko sya. Makakalimutan ko ba naman ang bestfriend ko? Amoy pa lang niya alam ko na. Yung amoy na ang sarap singhutin buong araw.

"Anla! Ganyan ka na bes! Kinakalimutan mo na ko!"

Hidden Feelings (One Shot)Where stories live. Discover now