Jessica

4 1 0
                                    


Inilapag ko sa mesa ang hawak kong ballpen at tiningnan ang babaeng nakaupo sa harapan ko. Kanina niya pa ako tinatanong kung ano ang nangyari sa pamilya ko. Kanina ko pa rin sinasabi sa kanya at sa lahat kung ano ang nangyari.


"Pwede mo na bang ikwento kung anong nangyari?" Tanong niya ulit habang tinitingnan ang iginuhit ko sa papel. "Sabi mo patay na sila. Paano ba namatay?"


Napatingin ako kay Jessica na nakaupo lang sa gilid at nakatingin rin sa akin. Hindi ba siya magsasalita? Hindi niya ba ako tutulungan?


"Pinasok kami. Natutulog silang lahat nang pinasok niya kami."






Napatingin ako sa dingding nang makarinig ako ng malakas na kalabog mula sa kabilang kwarto. Bumangon ako agad mula sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto para silipin si Adrian. Gising parin kasi ata siya. Hatinggabi na eh masama para sa bata ang mapuyat.


"Adria—" Tatawagin ko palang ang pangalan niya nang matigilan ako pagbukas ko ng pintuan. Hindi ko inaasahan ang nakita ko.


Si Adrian. Ang bunso namin. Nakahiga na siya sa sahig at naliligo sa sariling dugo. Tadtad ng saksak ang buong katawan niya at wakwak ang parte ng dibdib niya kung nasaan ang puso niya.


Nakita ko ang salarin. Nakapatong pa siya sa kapatid ko at nakaamba pa ang  kamay niya para sa isa pang saksak habang nakatingin sa akin.


Wala akong ibang nagawa kundi ang tumakbo papunta sa kwarto ng mga magulang ko. Kinatok ko sila at agad naman akong pinagbuksan ni papa.


Dali-dali ko siyang itinulak papasok at isinarado ang pinto. Tumakbo ako kay mama at niyakap siya. "Ma, wala na si Adrian." Narinig ko ang pag-iyak ni mama dahil sa sinabi ko. Niyakap ko nalang siya ng mahigpit para mabawasan ang sakit na nararamdaman niya.


"Raymond!" Biglang sinigaw ni mama ang pangalan ni papa. Nakalabas ang kamay niya na parang gustong abutin si papa kaya napatingin ako sa kanya. Dun ko lang nakita kung ano ang iniiyakan ni mama.


May saksak na si papa sa dibdib niya at ginigilitan na siya sa leeg ng pumatay kay Adrian. Nasa tabi siya ni papa at kitang-kita ko ang malademonyo niyang ngiti.


"Huwag! Pakiusap itigil mo 'yan!" Rinig kong sigaw ni mama pero nanigas lang ako sa kinatatayuan ko dahil sa nakikita ko. Sumirit ang dugo mula sa leeg ni papa at nanginig ang buong katawan niya. Mistula na siyang isang hayop na nangingisay dahil kinakatay. Binitawan niya si papa kaya tuluyan na siyang nangisay sa sahig hanggang sa malagutan na siya ng hininga. Iyak ng iyak si mama habang pinagmamasdan ang katawan ni papa na lupaypay na sa sahig. "Paano mo nagawa 'to?!" Sigaw ng sigaw si mama habang umiiyak. Gusto ko siyang yakapin at protektahan pero hindi ko maigalaw ang sarili kong katawan at nanatili lang akong nakatingin kay papa na wala nang buhay.


Bigla siyang naglakad at linapitan si mama. Hinaplos niya ang pisngi ni mama na takot na takot na. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang takot at sakit. Napapikit nalang si mama habang pinupunasan ng demonyo ang luha niya.


Bigla niyang itinaas ang hawak niyang duguang kutsilyo at ibinaon sa kanang mata ni mama. Doon lang ako nagkaroon ng lakas na sumigaw.


"Tama na! Tama na, pakiusap!" Hindi niya pinansin ang pagmamakaawa ko. Matapos puntiryahin ang mata ni mama sinunod niya naman ang dibdib nito. Para niyang binubunton ang galit niya kay mama sa sunod-sunod niyang saksak hanggang sa magkalasog-lasog na ang katawan ng mama ko. "Tama na, Jessica! Itigil mo na 'to!"


Hindi niya parin ako pinapansin. Patuloy lang siya pagsaksak sa wala nang buhay na katawan ni mama. Halos lumuwa na ang laman loob niya dahil sa mga ginagawa niyang hiwa. Nakita ko na ang paglabas ng bituka niya.


"Jessica, tama na! Tama na please! Tama na!"


"So sinasabi mong si Jessica ang pumatay sa mga magulang at kapatid mo?" Tanong ni Doc Grace. Napatingin nalang ulit ako kay Jessica na nakatingin parin sa'kin. "Sino ba si Jessica?"


Tinaas ko ang hintuturo ko at itinuro si Jessica pero tinuro niya din ako.


Nagulat ata ang doktor nang makita niya si Jessica. Kanina pa siya nandito kasama namin at hindi niya alam na siya pala ang pumatay sa pamilya ko.


"Alice, ito? Ano 'tong drinawing mo?" Tanong niya at itinuro ang drawing ko.


"Sina mama at papa 'yan. Si Adrian 'yang maliit diyan." Sagot ko habang tinitingnan ang mga drawing na mga kalansay sa papel. Mga kalansay na hiwalay ang bungo.


"Eh ito? Sino 'to?" Tanong niya ulit sabay turo sa isang drawing ko na babae na may hawak na kutsilyo.


"Si Jessica." Sagot ko at tumango-tango naman siya.


Biglang bumukas ang pintuanng puting silid at pumasok ang isang lalakeng nakaputing damit din katulad ni doc Grace. May kasama siyang tatlong pulis na nasa likod niya.


"Doc, sila po 'yung nag-iimbestiga sa kaso. Gusto daw nilang makausap ang pasyente." Sabi ng lalake atagad na tumayo si doc Grace.


"Magandang araw po. I'm  Doctora Grace Briones." Pakilalani doc sa mga pulis.


"Doctora Briones of Siewon Mental Institute. Nice to meet you po. Pwede po ba naming malaman ang buong pangalan ng pasyenteng kausap niyo?" Tanong ng isang pulis at tumingin sa akin. Kinuha ko ulit ang ballpen ko at nagsimulang magdrawing.


"Alisson Jessica Lacson." Rinig kong sabi ni doc Grace. Napatingin ulit ako kay Jessica na nakatingin parin sa akin. Nakita ko ang isang pulis na nasa likod niya. "Alice?" Nabaling ang tingin ko kay doc nang tawagin niya ako. "May gustong kumausap sa'yo. Hayaan mo muna si Jessica dyan."


Tumango nalang ako at ibinaba ulit ang ballpen ko. Umupo sa harap ko ang isang pulis. "Kamusta, Alice? Ako nga pala si PO2 Rodriguez. Sabi nila kilala mo daw kung sino pumatay sa magulang at kapatid mo? Pwede ko bang malaman kung sino? Pwede mo ba kaming tulungan?" Tanong niya at agad naman akong tumango.


"Siya po. Si Jessica." Sagot ko habang nakaturo sa salamin na nasa gilid ko.


The End



A/N: Bigla ko lang naisipang mag-one shot lols.



Thank you for reading! 💜

-strayeast

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 05, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

JessicaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon