May 08,2018
Samantha's
"Mommy! P-please comeback!" Pagmama kaawa ko kay mommy para lang mag stay siya.
Di ko kaya.
Ayoko na mawala sa buhay namin ni daddy si mommy.
"Sorry baby, mommy did this on purpose" sabi ni mommy habang pinapahid ang mga luha sa pisngi ko.
"Celena! Kunin mo na yung bata!" Sigaw ni daddy sa maid namin.
Nakatayo lang si mommy na walang ginagawa habang nilalayo ako ng mga maid namin sa kanya.
Ang sakit!
Ang sakit na yung ina mong pinagkakatiwalaan mo, na bestfriend mo, na nakakaintindi sayo, ay hindi ka man lang maipaglaban.
Daig ko pang namatayan.
"Anak, babalik ako."
Ang huling katagang sinabi ng ina ko bago siya tumalikod at maglakad paalis.
Wala akong magawa.
Wala akong karapatan mamili.
Sa mga huling luha na pumatak sa mga mata ko ay inalis ng ulan.
"SAMANTHA! PUMASOK KANA!" sigaw sakin ni daddy habang ako, ito binabagsakan ng ulan.
"AYOKO SAYO! GUSTO KO KAY MOMMY!"
Nabakas ko naman ang galit sa mukha ni daddy.
Alam kong nagagalit siya kay mommy at saakin.
Dumadaan ang panahon na sobrang istrikto saakin ni daddy.
"Daddy pagod na ako, ayoko na mag piano" angal ko kay daddy habang tinitignan ang naninigas kong mga daliri.
"ARALIN MO PA YAN! ISANG ORAS KA PA JAN HANGGA'T DI MO PA NAKUKUMPLETO ANG PIYESA NIYAN!"
Madami ding nag bago saakin simula ng mawala si mommy, at ng si daddy na ang nagpalaki saakin.
Violin
Painting
Golf
Ballet
Posture at gesture at iba pa.
Lahat ng bagay na magpapamukha saaking babae.
Na magpapatingala sa lahat para ituring akong prinsesa.
~birthday party ni daddy with his amigo and amigas and business partners~
YOU ARE READING
The Empress
RomanceAno ang tingin mo sa babaeng lumaking mala prinsesa? sunod sa luho, sunod sa kagustuhan ika nga "spoiled". mamahalin mo ba siya kahit na sobrang arte niya? makikita mo pa kaya ang tunay na ugali niya? this story is inspired by "my little princess" a...