Bree Sandoval

2 0 0
                                    

Story started: May 21,2018

" Be a girl with mind, a woman with attitude and a lady with class"

_____*****_________

You're Fire! 

Mabilis na tumakbo ang babeng nasa harap ko matapos sabihin ang kinatatakutan na word ng mga tao dito sa opisina, lalo na at I always around. I don't need imbecile in my empire! Anong klaseng secretary na hindi alam ang pagti-timpla ng kape? Idiot! Coffee lover pa naman ako, ayoko uminom ng mga instant coffee lang. Gusto ko sariling timpla. Pinaghihirapan bago inumin. Para maramdaman mo ang tunay na sarap at lasa.  Lalo pa at may sarili kaming coffee plantation.

Yes! I am a rich kid, my family owned the biggest company here in Philippines, pero hindi yon naging dahilan para makuha ang lahat! My parents, especially my father taugh me to work hard para makuha ang gusto ko.

I remembered when I was in High school, uso sa mga kabataan noon ang bagong cellphone. Payabangan ng Unit, and because I'm studying in a prestigous school, everyone had their own cellphone and gadgets. Pero ako? na anak ng isang bilyonaryo, ni 3310 na cellphone ..wala! Sometimes I felt pity for myself. Isang gabi na hindi na ako nakatiis , I saw my Dad Rafael Sandoval reading news.Sinabi ko sa kanya na gusto ko din ng cellphone, coz everyone in the school had. Pero ang sinagot niya saken " You dont need that Bree, maapektuhan lang ang pag-aaral mo."

"But dad,! .. lahat sila may cellphone! Pinagtatawanan na ako sa school kasi ignorante daw ako sa bagay na yon!" Maktol ko sa kanya. 

Akala ko pa nga papagalitan niya ako, but then He just looked at me at malumanay na nagsalita.." Okey I will give you cellphone, In one conditon..kailangang maging Top ka sa klase hanggang sa makatapos ka ng Fourth year and then Ibibigay ko kahit ang pinaka-mahal na gadget sa buong mundo. "Nagreklamo pa ako non, pero ang sabi niya " "Hindi mo mararamdaman ang saya na magkaroon ng isang bagay na hindi mo pinaghirapan. Maaring masaya ngayon ang mga kaibigan mo sa gadgets nila, pero soon pag nagsawa na sila, babalewalain na lang nila yon at papalitan..Hindi nila maiisip na pinaghirapan yon ng magulang nila." mahabang paliwanag niya.

Nagsumbong ako noon kay Mom. Pero sumang-ayon lang sya kay Dad. Nainis ako, pero wala naman ako magawa..naisip ko pa nga na hindi siguro nila ako mahal. Start from that day, nag-aral ako mabuti, nagsunog ako ng kilay para mag excel ako sa klase namin, hindi ko pinansin ang mga biro ng mga kaibigan ko na ignorante ako. Lumayo ako sa kanila. Bahay-School lang ang naging takbo ng buhay ko. Kahit minsan naiiyak nako sa hirap ng subjects, nagpilit ako. Dumating ang graduation, sobrang saya non ni Mom and Dad dahil naging Summa Cum Laude ako. Sobrang saya ko din..at yung mga kaibigan ko na laging kumkantyaw saken? Ayun mga hindi naka graduate, dahil nakakilala ng mga lalakeng sinamantala ang kahinaan nila...Tama nga si Dad, kasi after a month lang pinagsawaan nila ang mga gadgets nila, napariwara pa sila sa buhay.

After the ceremony, tinupad ni Dad ang pangako niya, Ibinili niya ako ng lhat ng Magagandang Unit ng cellphones, tablet at lahat ng gadget na gusto ko. Dun konaramdaman ang lahat ng pinaghirapan ko. Simula noon, lahat ng bagay na gusto ko..pinagghihirapan ko makuha. Hanggang sa mamatay si dad, car accident. Pinamana niya saken lahat ng yaman na meron ako ngayon..pero hindi lang yon ganon! Nung nabubuhay pa sya pinagsimula niya ako bilang Secretary! Taga timpla ng kape! Cum laude ako pero ang una kong Job description ay magtimpla ng kape! Hindi pa don natapos dun.. after amg secretary sa pagiging supervisor ng mga janitor! Dun na ko nagalit kay Dad!  Ampon ba ako?! Bakit ganon pinapagawa niya saken?Sa panahon na yon, nagrescue si mom, nag-usap sila and sa awa ng dyos binigyan na ko ni Dad ng maayos na trabaho, hanggang step by step narating ko kung nasaan ako ngayon.

Bumalik lang ako sa kasalukuyan,ng kumatok ang pinsan ko na si Gabriella. Nakamaong na pants ito, polo shirt at may cowboy cup sa ulo. Minsan hindi ko maintindihan ang trip ng pinsan ko! Gosh! Hindi mo ako mapagsusuot ng ganyang damit! Kulang na lang bigyan sya ng itak at pwede na syang asawa ni Diego Silang!

"oy bakla! Ano ginawa mo dun sa secretary mo? nanlalake ang mata nito saken.

"I fired her. I simply said. Pinagmasdan ko sya umupo sa couch ko. Nanlaki ang mata ko ng itaas niya ang madumi niyang boots sa glass table ko!

"Gabriella Andrada! your dirty shoes! I hissed at her. SHe just laughed. "Ang arte mo naman po Ms. CEO" pang-aasar nito, pero hindi naman ibinaba ang paa. I just ignore her. Kung matigas ang ulo ko, mas matigas ang bungo ng babaitang ito!

"So, anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?

"I need your help sis". She just rolled my  eyes. Ano pa nga ba aasahan niya? Pumupunta lang naman ito ng personal sa kanya kapag kailangan niya ito o kailangan sya nito. Vice versa. They are like twin sister. Problema ng isa, damay damay na. Siguro dahil pareho silang only child ng mga parents nila.. therefore, sanggang dikit ang pagkato nila. Maybe , malaki ang pagkakaiba ng personality nila dahil layag ito, kung saan-saan nakakarating, kung ano-ano ang naiisip na subukan gawin..pero once someone needs help, mabilis pa sa las kwatro sila magdamayan.

Nakinig lang sya sa sinasabi nito and like what the old time she helped her. Walang tanong-tanong.



Dark AngelKde žijí příběhy. Začni objevovat