Unordinary Love Story

24 2 2
                                    

(lalaki)

kadiliman, katahimikan;
gabi ng kalungkutan
tibok ng aking puso
tanging napakikinggan
.
umiiyak, sumisigaw
naghahanap ng pagmamahal
dumadaloy, pumapatak
mga luhang di mapigilan
.
napa-isip, sinubukan
gumuhit ng larawan
mukhang makikita lamang
tanging sa'king isipan
.
"si.... sino ka?
nagkita na ba tayo?
bakit para bang...
kilala ka ng puso ko?"
.
"Hahaha!..., baliw na yata ako..
Ano ba 'tong sinasabi ko?
Larawan ka lang...
Hi... hindi ka totoo..."
.
Sumapit na ang kinabukasan
pilit kong kinalimutan
aking nararamdman
para sa isang larawan
.
sa gitna ng karamihan
sarili'y natagpuan
tila ba may hinahanap
bawat mukha'y tinitignan
.
"Hahaha!..., baliw na yata ako..
Ano ba 'tong ginagawa ko?
Larawan ka lang...
Hi... hindi ka totoo..."
.
Patungo sa pupuntahan
tinahak ang kamalasan
kasalubong na sasakya'y
dala ni kamatayan
.
namulang lansangan
di makilalang katawan
mabilis ang pangyayari
lumapit sa hangganan
.
"D.. Doktor,.. pakiusap po
makinig po kayo
may hihilingin po ako
s... sana po'y pagbig... pagbigyan mo...
.
Ipinauubaya ko po sa inyo
itong puso k... ko
paki... pakibigay nyo po
sa nangangailangan nito..."
.
Biglang bumuhos ang ulan...
Gaya ng nangyayari sa nakaraan
isang buhay ang nawala't
bumalik sa kalangitan...
.
. . . . . . .
.
(babae)
Mula sa pagkakahimbing
pag-ibig ang saki'y gumising
di napigilang ngumiti
sa natupad na hiling
.
tibok ng aking puso'y
kay sarap damhin
sa gitna ng katahimika'y
kay sarap dinggin
.
salamat sa Panginoon!
Buhay ko'y nadugtungan!
Ngunit sa gitna ng kasiyahan,
biglang may sumagi sa'king isipan.
.
Ang pusong ito...,
Kailangan kong malaman,
"Sinong dating may-ari?
Kailangan ko siyang pasalamatan"
.
Sumapit ang kinabukasan
agad kong pinuntahan
ang lugar na sinasabing
kanyang pinaglibingan
.
sa harap ng puntod
maligayang sinambit
taos-pusong pasasalamat
sa bagong buhay kong nakamit
.
pagkatapos ng lahat
akin namang pinuntahan
kanyang mga kamag-anak
at dating tirahan
.
sa pagkakataong iyo'y
marami akong nalaman
lubos kong nakilala
kanyang katauhan
.
dati nyang silid
aking pinuntahan
at doo'y aking nakita
ang iginuhit nyang larawan
.
Nang aking napagtanto
kung sinong nasa larawan
mga luha'y biglang pumatak
hindi ko napigilan
.
bakit bigla na lang
nabalot ako ng kalungkutan?
Nakadama ng pighati
at matinding panghihinayang...
.
"sana di ka nawala,
sana iba na lang...
ang daya talaga!
ang daya ng kapalaran..."
.
.
- Ruisu Raito

Unordinary Love StoryWhere stories live. Discover now