DARKSIDE OF THE MOON
"Tam-Tam,"
Minahal ko ang boses na 'yon. Ang boses ni Master Seventh nang maliit pa siya habang tuwang-tuwa siyang makita ang liwanag ko sa dilim. Isa akong guardian, maliit na nilalang na isangdakal lamang niya. Sabi ng Panginoong Crescent, alagaan ko ang batang 'yon at maging liwanag niya 'ko. Dahil do'n, ipinangako ko sa sarili ko na po-protektahan ko siya, at hindi kailanman iiwanan hanggang huling hibla ng buhay ko.
Minahal ko siya, isang romantikong damdamin. Pero hindi ko 'yon isinatinig, dahil nagmamahal siya ng iba. At isa lamang akong guardian, hindi kami nararapat sa isa't isa, kaya naman ang pagmamahal niya sa iba ay sinuportahan ko at inako kong kasiyahan. Ganoon ko siya kamahal, kahit itong buhay ko, ibibigay ko sa kanya.
Ngunit itong puso ko, ginulo ng isang nilalang... Siya ang pinakamalakas, kinikilala, tinitingala at kinatatakutan. Ang kulay abo niyang buhok ay tila may makinang na hibla, ang itsura niya'y anghel ngunit nakatatakot kung itititig niya sa 'yo ang mga mata niyang matiim. Siya ang Diyos ng mga Diyos—si Dark Moon, ang salita niya'y nagdudulot ng delubyo, ang libong-taon na paghahari niya'y tunay na nakapangingilabot sa marami. Ngunit ang ngiti niya'y nagpatibok ng eratiko sa puso ko.
Siya ba ang dahilan kung bakit hindi para sa 'kin si Master Seventh?
Mataas na si Master Seventh, maliit na 'ko sa kanya.
Ano pa ang isang Dark Moon? Kahit tuldok, wala akong halaga.
Isa lamang akong kahihiyan
Hindi ako isang Reyna
Hindi ako isang prinsesa
Hindi ako bahagi ng kaharian
Isa lamang akong hamak na GUARDIAN.
Pero nagtitiwala siya sa 'kin, nagtitiwala siya na magkikita kaming muli sa Parallel World. Umaasa siya sa tadhana na magkikita kami, lalo na ngayon na bababa siya sa trono at daraan sa Reincarnation para lamang maging malaya siyang ibigin ako.
Kami nga bang dalawa ang para sa isa't isa?
O, katulad ni Sulli, itinadhana ngunit hindi pinili?
Ito ang kuwento ng pag-ibig ng dalawang nilalang na may pinakamalaking distansiyang pagitan!
BINABASA MO ANG
RBW Series 8: DARKSIDE OF THE MOON ( DARKMOON SIDE STORY )
Adventure"Kahit daigdig sa daigdig ang maging pagitan natin, magtatagpo tayo at matatapos natin ang larong ihahain ng tadhana sa 'tin. Magtiwala ka sa 'kin, isang beses lang umiibig ang katulad namin." --DARK MOON @2018