AHAS AT HIGAD

4 0 0
                                    


"AHHHHHHHHHHHHHHH!"
Isang umaalingawngaw na tili ang narinig namin sa kwarto ni Moana.
Agad naman akong napatakbo sa kanyang kwarto para malaman ang dahilan nito.

"Moana! Ay sh*t! Jan ka lang.
Wag na wag kang gagalaw."
Pati ang dalawa kong tyahin, pamangkin at isang tyuhin ay nasa likod ko na rin.

"Kuya don. Please, ikaw na ang bahala sa ahas at higad na yan. Jusko naman." utos ko.

Nang mahuli na nga ni kuya don ang ahas at higad ay agad ko namang nilapitan si Moana.

Pawis na pawis sya at halatang kabado at takot sa pangyayari.

"Moana, anong nangyari?" tanong ni tita Joy.

"Sandali, kumalma ka muna bago magkwento. Heto ang tubig." sambit naman ng tita Jane.

Nang mahimasmasan naman na sya ay inulit ko ang tanong.

"Moana, ano bang nangyari?"

"Nagbubukas ako ng mga regalong hindi ko nabuksan kanina. Eto nga yung iba o. Tapos bigla kong nadampot yung mabigat na bagay na yon. Nacurious ako. Tapos pag bukas ko. Ayun. Yung ahas at higad ang lumabas." Nahihingal na kwento nya.

"Okay na. Moana, kumalma ka na. Wala na yun. Dun ka na sa kwarto ko matulog. Sige na."

Nagsihulasan na kami at ako ang nahuli sa kwarto. Mula sa huling regalo na nabuksan ni Moana, isang note ang nakita ko doon.

"Wish you all the best.

Ps: I love you,Moana"

Si Sireen agad ang pumasok sa isip ko kaya naman nagmadali akong umalis. Ngunit bago pa man ako makaalis ay bigla naman akong tinawag ni moana.

"Hon, San ka pupunta?"

"Alam ko na kung sino nagpadala nyan,Hon."

"Si Sireen? Bakit? Akala ko ba wala na syang pakialam satin?"

"Kaya nga pupuntahan ko sya para komprontahin. Ayaw pa din tumigil nung babaeng yon"

"Sige na,Hon. Magiingat ka ha. I love you."

"I love you too. Bbye." sabay halik sa kanyang labi.

Mabilis lang akong nakarating sa condo ni Sireen. Umakyat 14th floor at dire-diretsong pumasok sa condo nito.

"Uhh. That was so hard. Hmmm!
Nice babe. Uh-uh-uh! Ahhh~!"
dinig kong ungol pagkapasok ko.

Walangya. Sa dami ng pwedeng abutan, bakit ganito pa? Bwiset!
Umupo nalang ako sa isang couch at naghintay na lamang.

"Babe. I really love it. You are everything. You are so great! Wash lang ako babe." sambit ni Sireen.

Malandi.

"Ahh! So silly. Haha!" tili nya.

1 hour later...

"Babe, what do you want? Magluluto ako ng dinner natin. Nagutom ako sa ginawa natin e!" ani Sireen.

"Kahit ano babe. Sunod ako." sagot naman ng lalaking kasama nito.

Dinig kong palabas na sya at habang prente naman akong nakaupo.

"Ay kabayong itim!" gulat na sambit ni Sireen.
"Hoy, Adrian! Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito?"

Tumayo ako at mariing hinigit ang kanyang braso.
"Ikaw ba ang nagpadala ng regalong hayop kay Moana?" agad akong tanong.

"Ano? Aray! Ano ba?! Pinagsasabi mo?" sabay hila nya sa kanyang braso. At isang lalaking matipuno ang lumabas mula sa kanyang silid.

"Babe? Sino yan?" at nang makita ako ay bigla na lamang akong kinwelyuhan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 03, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Life; Full Of AngerWhere stories live. Discover now